Saturday , July 2 2022

Kudeta panaginip — Duterte

NANANAGINIP nang gising ang nagpapakalat ng balita na mauulit ang kudeta sa Mababang Ka­pu­lungan laban sa manok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-Speaker na si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano.

Sa panayam sa Pa­ngu­lo ng media kahapon sa Palasyo, sinabi niya na kompiyansa siyang maku­kuha ni Cayetano ang majority votes ng mga kongresista para maging Speaker ng 18th Congress.

Kamakalawa ay napaulat na inihayag ni presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte na posibleng maharap sa kudeta si Cayetano sa pagka-Speaker kahit siya pa ang manok ng Pangu­lo.

Matatandaan, si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang nasa likod ng kudeta laban kay dating Speaker Pantaleon Alva­rez at iniluklok kapalit niya si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo noong 2018.

Noong Lunes, sinabi ng Pangulo ang kanyang desisyon na iendoso si Cayetano bilang Speaker sa 15 buwan at si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco sa huling 21 buwan ng kanyang admi­nistrasyon.

Habang si Leyte Rep. Martin Romualdez ang aniya’y nais niyang maitalagang Majority leader.

Pumayag sa desisyon ng Pangulo sina Cayeta­no, Velasco at Romual­dez.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply