Friday , June 14 2024
explode grenade

Korean resto sa QC pinasabog

NAGULANTANG ang bystanders at mga resi­dente nang makarinig ng malakas na pagsa­bog ng granada ang harapang bahagi ng isang Korean restaurant sa Quezon City, nitong Huwebes  ng madaling araw.

Batay sa inisyal na report kay P/Col. Louise Benjie Tremor, hepe ng Kamuning Police Station (PS 10) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong 12:40 am nitong kahapon, 11 Hulyo nang makarinig ang mga resi­dente ng malakas na pag­sabog sa harap ng Chung Mi Rae Korean Restaurant na mata­tagpuan sa Scout Tuazon sa kanto ng Timog Avenue, South Triangle, Quezon City.

Ayon sa parking boy na kinilalang si Christo­pher Isla, natutulog siya nang magulantang sa malakas na pagsabog at doon ay isang lalaking nakasuot ng itim na T-shirt at maong pants ang nakitang naghagis ng granada sa harapan ng restaurant at mabilis na tumakas patungong Scout Madriñan.

Walang nasaktan sa insidente pero nasira ang dalawang bagong sasak­yan na nakaparada sa lugar na isang Toyota Innova, may conduction sticker na YYOO79, at isang Ford Explorer na may conduction sticker na IM7818.

Sa pagresponde ng mga awtoridad, nabatid na MK-2 hand granade ang inihagis at pina­sabog ng hindi kilalang suspek.

Agad pinawi ni QCPD director P/BGen. Joselito Esquivel Jr., ang pangambang may kaug­nayan sa terorismo ang pangyayari.

Patuloy ang imbesti­gasyon sa insidente at pag-aaralan ng mga awtoridad kung may CCTV camera sa lugar.

Nasamsam sa lugar ang safety lever, striker spring, at fragments mula sa  pinasabog na granada. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

SANKEI 555 Ball Joint

Produktong Japan ginaya
NBI NAGHAIN NG SUBPOENA SA EXPO BOTH NG SANKEI 555

SA IMPORMASYONG imitasyon at hindi orihinal ang produktong naka-display, inihain ng National Bureau of Investigation …

Federation of Free Farmer FFF

Rice Tariffication Law (RTF) naging pahirap 
MAGSASAKANG PINOY UNANG TATAMAAN NG MABABANG TARIPA

AMINADO si Leonardo “Ka Leony” Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers (FFF) na malaki …

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *