Friday , June 21 2024
ITINUTURO ni Manila Mayor Isko Moreno ang natapakang ebak sa pag-iikot sa Bonifacio Shrine malapit sa Manila city hall, na ikinasibak ni PCP Lawton commander P/Lt. Rowell Robles. Aniya, halos ilang taon din ginawang ‘bahay at palikuran’ ang paligid nito ng mga vendor na nagpapakilalang sila ay mga Muslim. (BONG SON)

Sa Bonifacio Shrine… Isko nakaapak ng ebak, PCP commander sinibak

IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay MPD director P/BGen. Vicente Danao na sibakin sa puwesto ang PCP commander ng Lawton na nakakasakop sa Boni­facio Shrine sa Ermita, Maynila.

Kasunod ito nang ginawang inspeksiyon ni Moreno sa paligid ng Bonifacio Shrine kahapon ng umaga.

Sa kanyang pag-iinspeksyon, sinabi ni Moreno na ang Shrine ay isang ‘malaking banyo’ dahil ginawang kubeta at sa kanyang pagtantiya nasa 100 tumpok ng dumi ng tao ang kanyang nakita maging sa paanan ni Gat Andres Bonifacio.

Dahil dito, agad tinawagan ni Moreno si Danao at agarang pina­sisibak sa puwesto si P/Lt. Rowel Robles na kasalukuyang PCP commander sa Lawton.

Maging ang alkalde ay nakatapak din ng dumi ng tao kaya ganoon na lamang ang kanyang pagka­desmaya at pagka­pikon dahil sa nakitang sitwasyon ng nasabing monument ng bayani.

Bukod sa pagsibak sa PCP commander, pinaa­lis na rin ang mga vendor sa lugar gayondin ang agarang paglilinis at sanitasyon sa buong Bonifacio Shrine.

Utos ng alkalde, ares­tohin ang mga mag-iistambay sa lugar dahil sa ginagawang pamba­baboy at pagkakalat.

About hataw tabloid

Check Also

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …

062124 Hataw Frontpage

Indigenous gas dev’t bedrock ng PH sa kinabukasan ng enerhiya — Prime Energy exec

TAHASANG sinabi ng isang executive officer ng Prime Energy Resources Development (Prime Energy) na hindi …

062124 Hataw Frontpage

2 medyas na puno ng dolyares nawalis sa NAIA3

HATAW News Team TINATAYANG P1.1 milyon ang halaga ng mga dolyares na nadiskubre sa dalawang …

shabu drug arrest

2 tulak huli sa Malabon, Vale buybust

DERETSO sa hoyo ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *