Isko, good example — DILG

NANINIWALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG), dapat tularan si Manila Mayor Farncisco “Isko Moreno” Domago­so ng iba pang mga alkal­de sa bansa.

Ito ang naging reak­siyon ni Interior Un­dersecretary Epimaco Densing sa unang mga linggo ng alkalde na naging matunog dahil sa kabi-kabilang clearing operations.

Ayon kay Densing, isa itong magandang tem­plate na dapat ipatupad ng iba’t ibang LGUs.

Pinuri rin niya ang naging order ni Moreno na nagpapatanggal sa pangalan ng mga politiko sa government projects.

Ibinahagi ni Densing ang suspesniyon sa isang mayor sa Central Luzon dahil sa paglalagay ng kanyang mukha sa ilang mga ari-arian ng gob­yerno.

Sa huli, nagbabala ang opisyal sa mga opisyal ng gobyerno na tatamad-tamad na maaari silang makasuhan dahil sa gross neglect of duty.