Thursday , June 4 2026

Ex-President ng Vallacar, sabit sa ‘funds anomaly’ (Pondong kinuha, pasuweldo sa mga empleyado)

PINANGANGAMBA­HANG milyon-milyong piso ang nakulimbat ng isang Leo Rey Yanson, dating pa­ngu­lo ng Valla­car Transit Corporation, isa sa pina­kamalaking bus com­panies sa Filipinas.

Ayon kay Vallacar Chief Finance officer Celi­na Yanson-Lopez, bulto ang pondong nakuha ng dating pangulo na si Yanson.

Ang pondong ito ay pasuweldo sa mahigit 18,000 empleyado ng nasabing bus company na may operasyon sa kalak­hang Visaya at Mindanao.

Ayon kay Yanson-Lopez, mula 1-17 Hunyo, umabot sa milyon-mil­yong pisong pondo ang nakulimbat ni Yanson mula sa Vallacar Transit Corporation nang walang pahintulot.

Kita umano ng mga bus sa buong maghapon ang nasabing halaga at mula sa mahigit 4,000 bus na pumapasada sa Visa­yas at Mindanao.

Patuloy ang auditing at accounting ng kom­panya para malaman ang dami at laki ng mga halagang naipuslit ni Yanson nang walang awtorisasyon mula sa management o sa board of directors ng bus com­pany.

Wala umanong pasa­bi man lamang kung saan ginastos o dinala ni Yan­son ang nasabing mala­king halaga.

Nang pormal na tanu­ngin si Yanson kung saan niya ginastos ang pera ng mga empleyado, wala siyang konkretong nasa­bi.

Ilegal umano ang with­drawals sapagkat walang pahintulot sa manage­ment ng bus company. Maaari siyang maharap sa sandamukal na kasong kriminal.

Mahigpit aniya ang regulasyon ng kompanya na ang anomang with­drawals ay daraan muna sa paghingi ng pahintulot sa management, na hindi umano ginawa ni Leo Yanson.

Pinatalsik ang dating pangulong si Yanson nitong nakaraaang araw nang makitaan siya iregu­laridad sa management ng bus company.

Pinalitan siya ni Roy Yanson alinsunod sa botohan at kagustuhan ng bagong manage­ment.

Sa bagong manage­ment, kailangan nilang pangalagaan ang kita ng kompanya na pinang­gagalingan ng pasahod at benefits ng mga emple­yado.

Matagal na umanong ginawang personal na kaharian ni Yanson ang kompanya na kumukuha ng pondo kahit walang pagpayag ang manage­ment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …