Saturday , January 11 2025

News

2 drug pusher patay sa P90-K buy-bust sa QC

shabu drugs dead

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6 sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lungsod, kahapon ng madaling-araw. Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga napatay na sina alyas Abis, at alyas Jom-Jom. Ayon kay Supt. Rossel Cejas, hepe ng QCPD-PS 6, …

Read More »

‘Passport on Wheels’ sa Caloocan

MAGHAHANDOG ng “Passport on Wheels” ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Caloocan sa 8 Pebrero. Sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at ng Lungsod ng Caloocan sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Oscar Malapitan, nagsimula nang tumanggap ng applications simula 25 Enero hanggang 2 Pebrero 2018. Ang mga aplikante ay maaaring kumuha ng application …

Read More »

Magnitude 4.9 quake sa Surigao Sur

lindol earthquake phivolcs

NIYANIG ang lalawigan ng Surigao del Sur ng magnitude 4.9 earthquake nitong Linggo, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Naganap ang pagyanig dakong 10:19 ng umaga. Ang epicenter nito ay nasa 20 kilometers southeast ng bayan ng Marihatag, ayon sa Phi-volcs. May lawak na 16 kilometro, ang pagyanig ay naramdaman sa Intensity 2 sa Bislig …

Read More »

Narco-politician na pinsan ng senador, itatapon pabalik sa bansa (Kapag inasunto sa droga)

INAMIN ng Palasyo, may isinusulong na imbestigasyon kay dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog, isa sa mga tinagurian ni Pangulong Rodrigo Duterte na narco-politician at pinsan ni Sen. Franklin Drilon. “Let’s just say, there’s an ongoing investigation. If they decide to file a case, extradition of course is the option – because he’s out of the country,” sabi ni Presidential …

Read More »

2,000 Albay residents dinapuan ng acute respiratory infection

mayon albay

HALOS 2,000 residente sa lalawigan ng Albay ang dinapuan ng respiratory infection (ARI) bunsod nang pagbuga ng abo ng nag-aalborotong Mayon Volcano, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa inilabas na ulat nitong Linggo, sinabi ng NDRRMC, mula sa bilang na 516 ay umakyat sa 1,972 ang bilang ng mga dinapuan ng nasabing sakit. …

Read More »

Responsable sa Dengvaxia scam may kalalagyan

dengue vaccine Dengvaxia money

TINIYAK ng Palasyo, ang gobyerno at hindi non-government organization (NGO) ang magsasampa ng kaso laban sa mga responsable sa Dengvaxia scam. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon, ang pakiusap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko, hintayin matapos ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Health, Department of Justice at Senado bago gagawa ng legal na hakbang ang kanyang administrasyon. Nakasalalay …

Read More »

Ilegal ni Atong ipinatigil ni Digong

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinompronta niya ang gambling lord na si Charlie “Atong” Ang para ihinto ang mga trabahong ilegal at tumulong na lang sa gobyerno. Sinabi ng Pangulo, walang ibang dahilan ang pagtawag niya kay Ang maliban sa ipatigil ang ilegal na gawain niya at papuntahin sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) upang umayuda sa ahensiya. “Ito …

Read More »

STL/Jueteng namamayagpag sa CamSur (PCSO ID, uniform ginagamit) – Gov

ISINIWALAT ni Camarines Sur Governor Miguel Luis Villafuerte na ang STL operation ay ginagamit sa ilegal na operasyon ng jueteng partikular sa kanilang probinsiya. Inihayag ito ni Villafuerte sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson, hinggil sa sinasabing sa bonggang Christmas party ng PCSO, at sa alegasyong front ang STL ng …

Read More »

Dental surgeon sinuspende ng board of dentistry

ANIM na buwang suspensiyon ang ipinataw ng Board of Dentistry ng Professional Regulation Commission (PRC) sa isang oral surgeon and dental implantologist matapos mabatid na ‘incompetent’ sa kanyang propesyon matapos mapatunayan na ang kanyang sertipiko para sa kanyang specialization ay hindi kinikilala ng Board of Dentistry dahil sa dishonorable conduct. Sinuspende nang anim na buwan ng Board of Dentistry ang …

Read More »

Pagdawit kay Bong Go bahagi ng destab vs Duterte (Sa frigate project)

BAHAGI ng destabilisasyon laban sa administrasyong Duterte ang pagdadawit sa Palasyo sa Frigate deal. Isiniwalat ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon, may nakapagtimbre sa kanya, may “major destab effort” laban sa gobyernong Duterte. “Mayroon kasing — consultant ako no’ng ako ay nasa Kongreso pa at may public relations practitioner. Sinabihan ako na mayroon daw major destab effort na magsisimula daw …

Read More »

Relampagos ‘susi’ sa pork barrel scam (Pinababalik sa PH)

DBM budget money

BUMALIK sa bansa at ikanta ang lahat ng nalalaman kaugnay sa pork barrel scam. Ito ang panawagan ng Palasyo kay dating Budget Secretary Mario Relampagos na tinakasan ang mahigit 300 kasong may kaugnayan sa pork barrel scam matapos payagan ng anim sa pitong division ng Sandiganbayan na magtungo sa US noong nakaraang buwan. “Well, kung ikaw ay inosente, bumalik ka …

Read More »

Alert level 4 itinaas sa Mayon (Pasok sa Albay sinuspende, Cebu Pacific flights kanselado)

ITINAAS ang Alert Level 4 sa Mayon nitong Lunes ng hapon, kasunod ng magma eruptions. Sinabi ni Paul Alanis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo-logy (PHIVOLCS), sa Alert Level 4, posibleng maganap ang hazardous explosion ng bulkan sa susunod na mga oras o araw. Ayon kay Alanis, ang inilabas na lava sa nakaraang mga pagsabog mula nitong Linggo ay …

Read More »

PNU prexy, 3 opisyal sinibak ng Ombudsman (Sa US$25,000 magazine ad contract)

INIUTOS ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa serbisyo kay Philippine Normal University (PNU) president Ester Ogena at tatlo pang mga opisyal ng unibersidad bunsod ng mahigit $25,000 advertisement sa isang international magazine. Sa desisyong pinirmahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales noong 24 Oktubre 2017, ang pagsibak kay Ogena ay makaraan mapatunayan ng anti-graft body  na siya ay guilty …

Read More »

Fred Lim tatakbo sa Maynila para alkalde

TATAKBO si Fred Lim para alkalde ng Maynila sa darating na halalan. Ito ang binigyang-diin kahapon ng kampo ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim, bilang pagpapasinungaling sa mga tsismis na ipinakakalat umano ng kanyang mga kalaban sa politika na hindi na siya tatakbo sa 2019 elections. Ayon sa abogado ni Lim na si dating city legal officer Atty. Renato …

Read More »

Apela ng MIASCOR ibinasura ng Palasyo

WALA nang dapat iapela ang MIASCOR Groundbreaking Corporation dahil paso na ang kontrata nito sa Manila International Airport Authority (MIAA). Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa MIAA kaya hindi na ini-renew ang kontrata dahil sa maraming kaso ng pagkawala ng mga bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport. …

Read More »

Probe vs frigate project isinulong ng senate opposition

NAGHAIN ang mga miyembro ng Senate minority bloc ng resolusyon, hinihiling ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na pagbili ng dalawang Philippine Navy frigates, sa gitna ng mga ulat na “nakialam” ang close aide ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Bong Go, sa nasabing proyekto. Inihain ni Minority Leader Franklin Drilon, kasama sina Senators Francis “Kiko” Pangilinan, Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, …

Read More »

Bong Go haharap sa senado

HAHARAP si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa imbestigasyon sa Senado kaugnay sa isyu ng pagbili ng mga barkong pandigma ng Philippine Navy. “Kung sakaling ipatawag man ako ng Senado hinggil sa frigate issue, anywhere, anytime, I’m willing to face the accusers,” ayon kay Go sa text message na ipinadala sa Malacañang reporters. Giit ni Go, palsipikado …

Read More »

CEO ng Malaysian firm inireklamo ng rape, sexual harassment (Sex over promotion nabigo)

sexual harrassment hipo

KASONG rape at sexual harassment ang isinampa laban sa chief executive officer (CEO) ng kompanyang Edmark ng mga empleyado nito matapos dumanas ng hindi malilimutang karanasan sa akusado. Bukod sa rape at sexual harassment, inasunto rin ang nasabing official ng illegal dismissal at unfair labor practices (ULP) ng apat nilang empleyado. Dumulog sa tanggapan ng batikang human rights advocate na …

Read More »

Monopolyo ng Meralco basagin (Mataas na presyo ng koryente babagsak sa kompetisyon) — Solon

electricity meralco

PARA sa tunay na interes ng sambayanang Filipino, binigyang-diin ni Anakpawis party-list Rep. Ariel ‘Ka Ayik’ Casilao na panahon na para bigyang pansin ng pamahalaan at agarang tuldukan ang paghahari ng Manila Electric Company (Meralco). Sa isang panayam, mariing kinastigo ni Casilao, na kasapi ng tinaguriang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang monopolyo sa power distribution industry ng …

Read More »

2 jailguards, 2 pulis patay sa shootout sa Munti

dead gun police

PATAY ang dalawang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at dalawang pulis sa palitan ng putok sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga. Binawian ng buhay bago idating sa Medical Center of Muntinlupa ang dalawang jailguard na sina JO1 Felino Salazar, 48, at JO2 Elmer Malindao, 33, nakatalaga sa Muntinlupa City Jail. Nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente …

Read More »

Graduates ng K-12 maaaring ‘di pa handang magtrabaho

NAGPAHAYAG ng pangamba ang isang malaking business group na hilaw pa sa karanasang makatutulong sa pagtatrabaho ang ilang magtatapos sa K-12 program, ang pinalawig na basic education system ng Department of Education (DepEd). Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), tila kulang pa ang 80 oras o dalawang linggo lang na minimum requirement para sa on-the-job training (OJT) …

Read More »

Death penalty vs drug lords isusulong ni Pacman

INIHAYAG ni Senador Manny Pacquiao nitong Miyerkoles, na umaasa siyang susuportahan ng kanyang mga kasama sa Senado ang death penalty na tanging puntirya ay mga drug lord. “Mahihirapan talaga kami to get the majority but we’re going to explain again to my colleagues that pipiliin lang natin, kumbaga ang gusto namin dito is ‘yung drug lords,” pahayag ni Pacquiao. “Wala …

Read More »