Tuesday , January 25 2022

Under construction na building sa Roxas Blvd., nabistong Chinese prosti den

PINANINIWALAANG prostitution den sa isang under construction na gusali ang sinalakay na spa ng mga operatiba sa Roxas Blvd., Parañaque City nitong MIyerkoles ng gabi.

Dinakip ng mga awto­ridad ang 13 Chinese nationals na pinani­niwalang operators ng nasabing prostitution den, habang nailigtas ang 51 babaeng Chinese at pitong Filipina, sa nasabing spa sa lungsod.

Sa inisyal na ulat, nagkasa ng entrapment and rescue operations ang mga tauhan ng Regional Special Operations Unit (RSOU), Women and Children Protection Desk – National Capital Region Police (WCPD-NCRPO), Parañaque police, local government officials, at Bureau of Immigration-Fugitive Section, laban sa Manila Wellness Spa sa ikatlong palapag ng under construction na Diamond Bay Tower sa Roxas Blvd., Barangay Baclaran, Parañaque City, dakong 11:45 pm.

Ibinunsod ang ope­rasyon dahil sa natang­gap na report ng RSOU kaugnay ng umano’y prostitution den na ino-operate ng Chinese personalities.

Nagkasa ng serye ng casing at surveillance ang mga awtoridad hanggang isagawa ang entrapment and rescue operations.

Nakuha sa loob ng spa ang mga ebidensiya na sinasabing ginagamit sa aktibidad ng prosti­tusyon gaya ng sanda­makmak na condoms at nakompiska ang P1.8 milyong pisong kita ng establisimiyento mula sa kanilang ilegal na gawain.

Kasong paglabag sa Section 4 (acts of trafficking in persons) ng RA 9208 as amended by RA 10364 ang isasampa laban sa 13 Chinese maintainers at Sec. 13 (use of trafficked persons) ng RA 9208 as amended by RA 10364 para naman sa 18 Chinese customers.

Nadiskubre ng kampo ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang raket ng spa dahil sa kahina-hinalang presensiya ng mga Chinese sa nasabing gusali kahit under construction pa at wala pang occupancy permit at business permit.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Rabiya Mateo Lolo Narding Flores

Rabiya abogado ang tulong na maibibigay kay Lolo Narding

HATAWANni Ed de Leon NANAWAGAN ang dating Miss Universe contestant at nag-aartista na ngayong si Rabiya Mateo sa kung …

Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar

Las Piñas City LGU pasado sa SGFH ng DILG

INIANUNSIYO nitong Huwebes, 20 Enero 2022, ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar ang pagpasa …

Para sa CoVid-19 test kits PITMASTER NAGBIGAY NG P100-M SA LGUs

Para sa CoVid-19 test kits
PITMASTER NAGBIGAY NG P100-M SA LGUs

SA PATULOY na pagsirit ng hawaan ng CoVid-19 sa bansa partikular sa Metro Manila, nag-donate …

NTC suportado sa pagtutol ng OSG sa “ABS-CBN Favoritism Bill” na isinusulong ni Sen. Leila De Lima

SINUPORTAHAN ng National Telecommunication Commission (NTC) ang pagtutol ng Office of the Solicitor General (OSG) …

Cha-cha ipaubaya sa sunod na kongreso — Rodriguez

HINIMOK ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang mga kasamahan niya sa Kongreso na ipaubaya …

Leave a Reply