Thursday , January 27 2022
SERMON ang inabot kay NCRPO chief P/MGen. Guillermo Eleazar ng tatlong pulis na naaktohang natutulog sa oras ng kanilang trabaho sina Cpl. Eugene Ybasco, Cpl. Jayson Monsales, na nakatalaga sa PCP3 Barangay Zapote, at desk officer P/SSgt. Danny Cerbito na nakatalga sa PCP2, matapos ang sorpresang inspeksiyon sa mga presinto ng pulis sa Las Piñas City nitong Lunes ng madaling araw. (ERIC JAYSON DREW)

3 on-duty police ng Las Piñas sibak sa tulog

WALA nang aabala pa sa pagtulog ng tatlong pulis na nakatalaga sa Las Piñas City nang tuluyang sibakin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/MGen. Guillermo Eleazar nang maabutang natutulog sa habang naka-duty kahapon ng madaling araw.

Nadatnang natutulog ni Eleazar sina Cpl. Eugene Ybasco at Cpl. Jayson Monsales, kapwa Mobile Patrol Officer, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP 3) Barangay Zapote, Las Piñas City sa ilalim ni precinct commander P/Maj. Joel Gomez.

Base sa ulat na inilabas ng Southern Police District (SPD), habang naka-standby ang mobile car ng Police Assistance Desk (PAD) nina Ybasco at Monsales sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road, Barangay Pamplona Dos namataan sila ni Eleazar.

Nahuli rin ng heneral sa kasunod na inspeksiyon sa karatig na presinto ang isang duty desk officer ng PCP 2 na natutulog sa kanyang upuan nang lapitan at muntik pang bumunot ng kanyang service firearm matapos maalimpungatan na kinilalang si P/SSgt. Danny Cerbito. Ang PCP-2 ay pinamu­munuan ni P/Lt. Edgardo Orongan.

Layunin ng sorpresang inspeksiyon ay para masi­guro ang tapat sa serbisyo at sumusunod ang mga pulis sa kanilang tungkulin.

Agad dinisarmahan ni Eleazar ang tatlong pulis na nahuling natutulog habang pinaaalalahanan at pinapa­ngaralan.

Siniguro ng NCRPO chief na sasampahan ng kasong administratibo ang tatlong pulis at paiimbes­tigahan dahil sa kapaba­yaan. Ipinag-utos ni Eleazar sa tatlong pulis na mag-ulat kasama ang kanilang hepe kahapon. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Defensor kinutya sa mga maling paratang sa QC

HATAW News Team KAMAKAILAN may mga ikinalat si Anak Kalusugan Party-list representative Mike Defensor na …

Sa ‘Landbank theft’
SANLINGGO ULTIMATUM NG TEACHERS SA DEPED

ni ROSE NOVENARIO             ISANG linggo ang ibinigay na ultimatum ng mga guro sa Department of …

Bongbong Marcos

Mariing itinanggi BBM: Walang ‘Tallano gold’

MARIING itinanggi ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang sinasabing Tallano gold sa gitna …

Money Thief

Pera ng teachers, nawala rin
PALACE OFFICIAL P.2-M NASIMOT SA GOV’T BANK

ni Rose Novenario TALIWAS sa slogan ng Land Bank of the Philippines (LBP) na “We …

Bobby Estrella

Mr. Malasakit KON.BOBBY ESTRELLA

MULA sa pagiging Punong Barangay ng Pulong Gubat, Balagtas, Bulacan ay tinahak niya ang landas …

Leave a Reply