Sunday , November 24 2024

News

Kelot ‘nahulog’ sa bus tigok (Sa Parañaque City)

HINIHINALANG nahulog mula sa bus na sinasakyan ang isang lalaking pasahero na natagpuang wala nang buhay sa Parañaque City kahapon ng madaling araw. Pinaniniwalaang sanhi ng matinding pinsala sa ulo, namatay noon din ang biktimang si Ramil Legaspi, 42, ng 212 San Andres St., Navotas City. Natagpuan ng bystanders ang biktima na walang buhay dakong 2:05 kahapon ng madaling araw …

Read More »

Eroplano bumagsak, 2 dayuhan sugatan

DALAWANG dayuhan ang sugatan nang bumagsak ang isang private plane sa karagatang sakop ng Palawan bunsod ng problema sa makina nitong Linggo ng hapon. Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, spokesperson ng MIMAROPA regional police office, ang eroplano ay bumagsak malapit sa Turublian Resort sa Brgy. New Agu­taya, sa bayan ng San Vicen­te dakong 1:30 ng hapon. Kinilala ni Tolentino ang …

Read More »

Embalsamador na babae wanted sa Baguio

BAGUIO CITY– Pasado sa ikatlong pagbasa sa konseho ng Baguio ang pagkakaroon ng mga babaeng embalsamador at mortician sa mga pune-rarya sa lungsod. Pangunahing layunin nito na maprotektahan ang karapatan ng mga patay partikular ang mga kababaihan. “May mga nabalitaan tayong news noon na kung female ang namatay, male ‘yung magka-conduct, sometimes the family will complain, they take advantage siguro …

Read More »

Noynoy, 20 pa inasunto sa electioneering (Sa Dengvaxia)

SINAMPAHAN ng kaso ng anti-crime advocates nitong Biyernes si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at 20 iba pang dating opisyal dahil sa paglabag sa 2016 election ban sa go-vernment projects dahil sa dengue vaccination program. Kabilang sina dating budget secretary Butch Abad at dating health secretary Janette Garin sa respondents sa kasong inihain sa Commission on Elections ng Volunteers …

Read More »

Mission DAP to SAP nalantad para isalba si Noynoy

BUONG tapang na inilantad ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica ang mga ebidensiyang magdidiin kina dating Pangulong Benigno Aquino, mga dating opisyal nito at ilang aktibong senador na nakinabang sa maanomalyang Disbursement Acceleration Program (DAP) at sa iba pang kasalanan sa bayan tulad ng kickback sa mga programa ng gobyerno. Kabilang sa mga inilatag na ebidensiya ni Belgica …

Read More »

Warrantless arrest kay Baylosis legal — Palasyo

LEGAL ang warrantless arrest sa 69-anyos National Democratic Front (NDF) consultant Rafael Baylosis, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, wala nang bisa ang safe conduct pass o Joint Agreement on Security Guarantees (JASIG) na hawak ni Baylosis dahil wala nang nagaganap na usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at kilusang komunista. “Wala namang saysay ang JASIG ngayon dahil wala …

Read More »

PhilHealth employees wagi sa TRO (Sibakan tinutulan)

NAGLABAS ng temporary restraining order (TRO) ang Regional Trial Court (RTC) ng Pasig City laban sa pagsibak ni Interim/OIC President Dr. Celestina Ma. Jude P. De la Serna sa casual employees ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ipinalabas ni Pasig RTC Executive Judge Danilo Cruz ang TRO laban sa pagsibak sa anim casual employees na 19 taon na sa serbisyo …

Read More »

Kamara nagbanta sa PCSO (Sa bangayan ng mga opisyal)

STL PCSO Balutan Atong Ang Sandra Cam

NAGBANTA ang mga mambabatas sa nagbabangayang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa isyu ng lotto, sweeptakes at Small Town Lottery (STL) operations. Ayon kina AKO Bicol Party-List Rep. Rodel Batocabe at Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo, dapat magkaisa ang liderato ng PCSO upang higit na mapagsilbihan ang publiko lalo ang mahihirap na sector. “Ceasefire on the …

Read More »

Publiko dapat masaya (Sa pagbabalik ng Tokhang) — Gen. Bato (563 drug suspects sumuko)

HINDI dapat katakutan ng publiko ang Oplan Tokhang ng Philippine National Police kundi dapat maging masaya, pahayag ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa kahapon. “Dapat hindi sila matakot. Dapat masaya sila, at least ina-address ‘yung problema nila sa droga sa kanilang barangay,” pahayag ni Dela Rosa. Bago ang pagbabalik ng Oplan Tokhang nitong Lunes, nagpalabas si Dela …

Read More »

BBL uunahin ng Senado kaysa Cha-cha — Sen. Aquino

KOMPIYANSA si Senador Bam Aquino na makapapasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Senado sa Marso, idiniing makatutulong ito upang wakasan ang karahasan at terorismo sa Mindanao at mabigyan ng maganda at maunlad na buhay ang mga Muslim. “Uunahin na natin ang pagpasa sa BBL. We need this law in order to address urgent and pres-sing issues in the Bangsamoro …

Read More »

Fake news sa PNA, PIA inamin ni Andanar

INAMIN ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang kanilang pagkamamali sa nailabas na sa fake news sa Philippine News Agency (PNA) at Philippine Information Agency (PIA). Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe, hindi itinanggi ni Andanar ang pagkakamali ng kanyang ahensiyang pinamumunuan, sa paglalabas ng maling …

Read More »

Mercado eksperto sa tabako ‘di sa Dengvaxia

INAMIN ni Dr. Susan “Susie” Mercado na tobacco at hindi communicable and infectious disease ang kanyang forte matapos punahin ang doktor sa mga pahayag niya laban sa Dengvaxia. Walang karanasan sa medical research si Mercado tulad ni Dr. Tony Leachon na isang heart surgeon. Kabilang sina Leachon at Mercado sa mga naunang nagbigay ng negatibong pahayag hinggil sa dengvaxia. Sila …

Read More »

Faeldon inilipat sa Pasay City Jail

DINALA na sa Pasay City Jail si dating Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon kahapon ng tanghali. Dumating si Faeldon kasama ang mga tauhan ng Office of Sergeant at Arms ng Senado at ipinasok sa loob ng Male Dormitory ng Pasay City Jail, dakong 12:02 ng tanghali. Si Faeldon, nakasuot ng itim na t-shirt na may nakalagay  na “Truth is …

Read More »

2-anyos paslit natupok sa sunog (Sa Kamuning)

dead baby

HALOS hindi na makilala ang bangkay ng 2-anyos babaeng paslit nang matagpuan makaraan maiwan sa nasusunog nilang bahay, sa Brgy. Kamuning, Quezon City, kahapon ng hapon. Sa ulat ng Quezon City Fire, kinilala ang biktimang si Kyna Labasog, residente sa 8 K7 St., Brgy.  Kamuning. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagsimula ang sunog sa inuupahang bahay ng pamilya Nobregasa dakong 1:10 …

Read More »

Ginang itinumba sa harap ng anak

dead gun police

PATAY ang isang 47-anyos ginang makaraan paputukan ng dalawang beses ng hindi kilalang suspek na lulan ng motorsiklo sa harap ng kanyang anak sa tapat ng isang depot store sa Brgy. Almanza Uno sa Las Piñas City, kamakalawa. Agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Gregoria Sugita, residente sa Buensamino St., Brgy. BF Homes ng nasabing …

Read More »

Ex-Palawan gov Reyes sumuko sa Sandiganbayan

SUMUKO si dating Palawan governor Joel Reyes makaraan iutos ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa kanya dahil sa graft kaugnay sa mining permit case. Ang dating local government official ay nagtungo sa Sandiganbayan 3rd Division pasado 3:00 pm kahapon. Nauna rito, nagpalabas ang anti-graft court ng warrant of arrest laban sa kanya dakong umaga kahapon. Ang order ay ipinalabas halos isang …

Read More »

3 Caloocan police swak sa Kian slay

MAY nakitang probable cause ang Department of Justice (DoJ) para sampahan ng kaso ang tatlong pulis hinggil sa pagkamatay ng Grade 12 student na si Kian delos Santos sa anti-drug operation sa Caloocan nitong nakaraang taon. Ayon sa testigo, ang 17-anyos na si Delos Santos, sinasabi ng mga pulis na isang drug courier, ay binugbog ng mga suspek, binigyan ng …

Read More »

P75-M para sa Mayon evacuees (Inilaan ni Duterte)

mayon albay

NAGLAAN si Pangulong Rodrigo Duterte ng P25-M para sa relief operations sa mga lumikas dahil sa pagsabog ng bulkang Mayon. Sa kanyang pagbisita kahapon sa Albay, ipinangako ni Duterte na magbibigay pa ng dagdag na P50 milyon para sa Mayon evacuees. Itinalaga ni Pangulong Duterte si Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino bilang special emissary niya sa nasabing lalawigan. …

Read More »

Faeldon ibiyahe sa Pasay City Jail (Utos ng Senado)

NAGPASYA ang mga senador na i-cite ng contempt si dating Customs commissioner Ni­canor Faeldon ngunit sa pagkakataong ito ay ini-utos na ikulong siya sa Pasay City Jail. “The Senate unanimously declared that Mr. Faeldon, formerly of Customs, will remain charged with contempt, and he will now be remanded to the custody of the Pasay City Jail upon order of commitment …

Read More »

‘Mole’ ni Trillanes sa Ombudsman suspendido

SUSPENDIDO ng 90-araw at kinasuhan ng Palasyo  si Overall Deputy Ombudsman Mel­chor Arthur Carandang, ang sinasabing ‘mole’ ni Sen. Antonio Trillanes  IV sa akusasyong may ill-gotten wealth ang pamilya Duterte. Sa press briefing kahapon sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pormal nang sinampahan ng Office of the Executive Secretary si Carandang ng mga kasong grave misconduct at grave dishonesty dahil sa ‘di-awtorisadong …

Read More »

Security of tenure bill aprobado sa Kamara (Kinontra ng Makabayan Bloc)

congress kamara

INAPRUBAHAN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong Lunes sa ikatlong pagbasa ang panukalang magtatapos sa “end labor only contracting, o “endo.” Ang House Bill 6908 o Security of Tenure Bill, ay tumanggap ng suporta ng 199 congressmen, habang pitong solon ang nagbasura sa panukala. Ang lahat ng pitong no votes ay mula sa Makabayan bloc. Sinabi ni Gabriela Rep. Arlene …

Read More »

Katok-pakiusap hindi katok-putok (Pangako ng Caloocan police)

caloocan police NPD

TINIYAK ni Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan police, walang mangyayaring “katok-putok” sa isasagawang operasyon ng kanilang “Tokhangers.” “Katok at pakiusap lang po tayo, walang puwersahan. Walang pahiyaan. Mahigpit ang guidelines natin,” aniya. “‘Yang katok-putok, wala na ngayon. Nagkaroon lang ng negative impact dati kasi may mga maling nagawa.” Matatandaan, mga pulis-Caloocan ang isinasangkot sa kaso ng pagpatay sa …

Read More »

‘Bloodless’ tokhang wish ng Palasyo

UMAASA ang Palasyo na hindi na magiging ‘madugo’ ang muling pagpapatupad ng Philippine National Police (PNP) ng Oplan Tokhang. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaaring natuto na sa karanasan ang PNP kaya’t tiniyak sa publiko na iiral ang rule of law sa implementasyon ng anti-illegal drugs operation. “(T)he PNP has said they want this tokhang operation to be less …

Read More »

LMWD BODs pumalag laban sa pekeng officials

PUMALAG na ang mga lehitimong Leyte Metropolitan Water District (LMWD) Board of Directors (BODs) na itinalaga ni Leyte Governor Leopoldo Dominico Petilla na kinompirma ng Local Water Utilities Administration (LWUA). Sa pahayag ng BODs, hiniling nila ang tugon ng LWUA sa patuloy na kaguluhan sa LMWD dulot ng mga pekeng BODs, dating general mana-ger na isang Pastor Homeres at ilang …

Read More »

‘Tokhangers’ ‘di maaaring umaresto ng drug users

pnp police

HINDI maaaring arestohin ng mga pulis na lalahok sa bagong “Oplan Tokhang” o Toktok-Hangyo (katok at pakiusap), ang hinihinalang drug users sa halip ay hihikayatin silang magpa-rehab, ayon sa isang opisyal ng pulisya nitong Linggo. “Puwede naman pong mag-voluntary surrender o pumunta po sa estasyon para magpalista or mag-surrender, magpa-rehab voluntarily, pero hanggang doon lang po iyan,” pahayag ni NCRPO …

Read More »