Saturday , July 27 2024

Ramon Tulfo nagpiyansa sa 2 kasong libel at cyber libel (Nakabinbing kaso, marami pa)

WALANG nagawa ang kolumnistang si Ramon Tulfo kundi ang maghain ng piyansa para sa kasong libel at cyber libel na isinampa laban sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sa order noong 8 Nobyembre 2019, pirma­do ni Manila Regional Trial Court Branch 12 Judge Renato Enciso, naglagak ng piyansang P60,000 si Tulfo upang maiwasang makulong habang dinidinig ang kaso.

Sa nasabing order, iniutos din ni Judge Enciso ang pagbawi sa warrant of arrest na inilabas laban kay Tulfo at itinakda ang arraign­ment o pagsasakdal sa 26 Nobyembre, dakong 8:30 am.

Nauna rito, nagsam­pa ng kaso si Medialdea laban kay Tulfo sa serye ng kolum na inilabas sa The Manila Times na umano’y nakasira sa kanyang malinis na pangalan.

Isa sa mga kolumn na ito ang inilabas noong 20 Hulyo, may titulong, “There goes Cayetano as House Speaker, also Medialdea.”

Sa nasabing kolum, inakusahan ni Tulfo ang executive secretary na naglabas ng memo­ran­dum na wala umanong kaalam-alam ang pangulo, upang atasan ang lahat ng government agencies at government-owned and-controlled corporations na suporta­han ang kontrobersiyal na Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Foundation.

At sa kanyang kolum noong 25 Hulyo, inaku­sahan ni Tulfo si Medial­dea na inupuan nang isang taon ang apela ng isang Felicito Mejorada sa claims nito sa P272.02 milyong government reward money.

Sinabi ni Mejorada, nagbigay siya ng tip sa pamahalaan na nagdulot umanong masawata ang planong smuggling sa Mariveles, Bataan noong 1997.

Sa kolum noong 26 Hulyo, inakusahang muli ni Tulfo ang executive secretary na nasa likod umano ng isang Vianney D. Garol na humingi ng P72 milyon mula kay Mejorada bago maibigay ang reward money.

Tahasang itinanggi ni Medialdea ang mga aku­sasyon at sinabing wala siyang inilabas na memo­randum na nagpapabor sa PHISGOC, at sinabing ang apela ni Mejorada ay naaksiyonan sa loob ng tatlong buwan.

Itinanggi rin ng executive secretary na kakilala niya si Garol, na ayon sa rekord, ay isang project development officer II sa ilalim ng Office of External Affairs-Davao noong 1 Agosto 2005.

Si Garol ay hindi na umano empleyado simu­la pa noong 31 Disyembre 2005.

Kinakaharap din ni Tulfo ang kasong libel at cyber libel mula sa ibang government officials na kinabibilangan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay, at dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Ayon kay Dulay, foul ang sinabi ni Tulfo sa kanyang kolum sa The Manila Times na inaku­sahan siyang mayroong “skeletons in the closet at the graft-ridden agency.”

Pinalabas pa umano na siya ay “insatiable greedy extortionist, a cheat and a corrupt of­ficial in Digong’s govern­ment.”

Inakusahan din siyang may kinalaman sa ‘compromised’ payment ng P65 milyon imbes “huge delinquent tax amounting to P8.7 billion” mula sa Del Monte company.

Ayon naman kay Aguirre, ang isinulat ni Tulfo ay “malicious, libe­lous and defamatory.”

Inilabas niya ito sa Facebook posts kontra sa dating justice secretary noong Abril, Hunyo at Hulyo.

Ang mga kolum, ayon kay Aguirre ay nagpapa­hiwatig na siya ay pro­tektor ng human traf­ficking syndicate sa Ninoy Aquino Inter­national Air­port (NAIA), at pinala­labas na siya ay tumang­gap ng pera mula sa mga nasabing sindi­kato.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *