Saturday , January 11 2025

News

Sen. Sotto presidente sa Senado

Tito Sotto

MAGKAKAROON ng bagong lider ang Senado ngayong Lunes dahil mauupo bilang bagong Pangulo ng Mataas na Kapulungan si Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III kapalit ni Aquilino Pimentel III. “What is being discussed now is when (the leadership change will happen)?” pahayag ni Sen. Panfilo Lacson sa panayam nitong Sabado. Sinabi ni Lacson, ang majority-bloc senators ay magkakaroon ng …

Read More »

Usec na humirit sa utol ni Digong sisibakin

ISANG opisyal ng gob­yerno na nakipag-tran­saksiyon sa kapatid ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te ang masisibak sa puwesto. Ayon sa Pangulo, mayroon pang limang mga opisyal ang nasa listahan niya ngayon na nakatakda na rin niyang palayasin sa puwesto. Isa aniya rito ay isang undersecretary na gumamit ng pangalan o humingi aniya ng tulong sa kaniyang kapatid para sa isang proyekto. Binigyang …

Read More »

Kahit nagbitiw si Puyat, Probe sa P647.11-M ‘gastos’ ng PCOO sa CMASC ASEAN 2017 tuloy — Trillanes

TULOY ang isinusulong na imbes­tigasyon ni Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa ‘nawawalang’ P647.11 milyong ginastos ng tanggapan ng Presidential Communications Opera­tions Office (PCOO) para sa informa­tion caravan noong ASEAN 2017. Ayon kay Trillanes, tuloy ang imbestigasyon kahit nagbitiw sa kanyang tungkulin si PCOO Un­der­secretary Noel Puyat na nagsilbing chairman ng ASEAN 2017 Committee on Media Affairs and Strategic Com­muni­cations …

Read More »

Ex-LP members kaisa sa paghikayat kay Bong Go na tumakbo sa Senado

TULUYAN nang nag-alsa balutan sa Liberal Party ang mga mambabatas na tinagu­riang “Anak ni Mar Roxas” matapos mag-ober da bakod sa political party ng Admi­nistrasyong Duterte na Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan o PDP-Laban. Kabilang dito sina Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas, Sta. Rosa, Laguna Mayor Danilo Fernandez,  at Quirino Rep. Dakila Cua, at iba pa, dumalo rin …

Read More »

Pag-alis sa Kuwait total deployment ban epektibo agad

OFW kuwait

PINIRMAHAN ni Labor Secretary Silvestre Bello III nitong Huwebes ang kautusang pormal na nag-aalis sa total deployment ban ng mga manggagawang Filipino sa Kuwait. Sinabi ni Bello na agad magiging epektibo ang kautusan. Kasunod ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerko­les, 16 Mayo, na alisin na ang deployment ban, na ipinataw  noong Pebrero bunsod ng serye ng mga ulat …

Read More »

Koreano itinumba sa Caloocan

dead gun police

PATAY ang isang Ko­rean national makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa harap ng isang resort sa Caloocan City, kamaka­lawa ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Kim Woon Ohm, nasa hustong edad. Habang pinaghah­a-nap ng mga awtoridad ang mga suspek na tuma­kas sakay ng isang itim na van makaraan ang pa­mamaril. …

Read More »

61-anyos doktor nagbaril sa ulo

dead gun

PATAY ang 61-anyos doktor makaraan uma­nong magbaril sa ulo sa loob ng kanyang opisina sa Antipolo City, kahapon ng umaga. Ayon sa ulat na tinanggap ni Rizal PNP provincial director, S/Supt. Lou Evangelista, kinilala ang biktimang si Dr. Rodolfo Rabanal y Cabanilla, nakatira sa Blk. 26, Lot 21, Sam­paguita St., Valley Golf, Brgy. Mambugan sa lungsod. Ayon sa pahayag ni …

Read More »

P3-M shabu, kush kompiskado sa buy-bust sa Cainta (2 misis ng inmates arestado)

UMAABOT sa P3 mil­yon halaga ng shabu at high grade marijuana ang nakompiska ng mga tauhan ng Drugs En­force­ment Unit (DEU) sa ikinasang buy-bust operation sa Cainta, Rizal, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PRO4-A Calabarzon regional director, C/Supt. Guil­lermo Eleazar ang mga arestado na sina Mi­chelle Baylon at Laika Vera, kapwa asawa ng mga inmate sa Bicutan na sina Evan …

Read More »

3 tulak tiklo sa P125K droga

shabu drug arrest

ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraan magbenta ng shabu sa mga pulis sa buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng umaga. Kinilala ang mga suspek na sina Rey Lus­terio, 37, Felix Tagumpay, 36, at Jayvee Dela Cruz, 23-anyos, pawang naha­harap sa kasong pagla­bag sa RA 9165 o Com­pre­hensive Dangerous Drug Act of 2002, at RA 10591 …

Read More »

60 sa narco-list nanalong barangay officials

UMABOT sa 60 barangay official na nanalo sa nakaraang halalan ang kabilang sa 207 village executives na kasama sa drug list ng gobyerno, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency nitong Huwebes. Kabilang dito ang 36 barangay chairman at 24 kagawad, ayon kay PDEA Chief Aaron Aqui­no. Ayon sa mga awtori­dad, patuloy ang kani- l­ang paghahanda ng kaso laban sa 60 …

Read More »

No. 1 kagawad patay sa ambush (Sa Quezon province)

BINAWIAN ng buhay ang isang re-elected barangay kagawad ma­ka­raan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Sta. Rosa, Mulanay, Quezon province, kaha­pon ng umaga. Sa ulat kay Police Regional Office IVA director, Chief Supt. Guil­lermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang biktimang si Kagawad Felix Moldon, residente sa Brgy. Sto. Niño, Mulanay. Ayon sa ulat, dakong 7:45 am, sakay ng motor­siklo ang biktima …

Read More »

Impeachment vs 8 mahistrado ikinokonsidera ng Makabayan Bloc (Sa quo warranto petition)

PAG-AARALAN ng Makabayan bloc kung susuportahan nila ang plano ng “Magnificent Seven” na maghain ng impeachment complaint laban sa mga mahis­tradong bumoto para masipa sa kanyang po­sisyon si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, titingnan muna nila kung paano mapa­na­nagot ang walong mahis­trado na bumoto pabor sa quo warranto petition laban sa …

Read More »

14 senador lumagda vs ‘pagtalsik’ ni Sereno (Resolusyon kontra Korte Suprema)

PUMIRMA ang mayoridad ng mga senador sa resolusyon na komokontra sa desisyon ng Supreme Court na patalsikin si Maria Lourdes Sereno bilang chief justice. Sinabi ni Sen. Francis Pangilinan, 14 sa 23-man Senate ang pumirma sa resolusyon. Kabilang sa pumirma ay mga miyembro ng ma­jority at minority blocs ng Senado. Kasama sa mga pu­mir­ma nitong Huwebes sina Pangilinan, Senate Minority …

Read More »

Ellen Adarna inasunto ng child abuse, cybercrime

KINASUHAN ang aktres na si Ellen Adarna nitong Martes ng ina ng 17-anyos dalagitang pinaghi­nalaan niyang kumuha ng video habang kumakain siya kasama ng aktor na si John Lloyd Cruz, sa isang restoran sa Makati City. Nagtungo sa Office of the City Prosecutor sa lungsod ng Pasig si Myra Abo Santos at nagsampa ng kasong child abuse at cyber crime …

Read More »

2 Asecs pinagbibitiw — Roque

PINAGBIBITIW sa pu­westo ni Pangulong Ro­drigo Duterte ang dala­wang assistant secretaries dahil sa umano’y pagka­kasangkot sa katiwalian at korupsiyon. Inihayag ni Presi­dential Spokesperson Harry Roque ang desisyon ng Pangulo matapos ang isinagawang rekomen­dasyon ng Presidential Anti-Corruption com­mission (PACC). Tinukoy ni Roque si Justice Assistant Secre­tary Moslemen T. Maca­rambon Sr., na dapat nang magpaalam sa posisyon dahil sa regular aniyang pagpapadrino …

Read More »

Malabon chairman sa ‘narco-list’ laglag sa eleksiyon

NATALO sa muling pag­takbo sa pagka-ba­rangay kapitan ang isang kandidato sa Malabon City na kasama sa ‘narco-list’ ng pamaha­laan. Napag-alaman, na­ka­kuha ang incumbent chairman ng Barangay Tinajeros na si Alvin Mañalac ng 2,151 boto, mas mababa kompara sa 3,216 boto na nakuha ng kalaban na si Ryan Geronimo. Pumangatlo sa pag­ka-barangay kapitan si Alexander Centeno na mayroong 1,696 boto. Naiproklama …

Read More »

Kandidatong kapitan panalo sa ‘toss coin’ (Sa Abra)

LAGAYAN, Abra – Labis ang tuwa ng isang 33-anyos kandidato nang manalo bilang chairman ng Brgy. Collago sa pamamagitan ng ‘toss coin.’ Kalaban ni June Car­denas sa posisyon ang kababata at matalik niyang kaibigan na si Rexor Jay Molina, ang nakaupong chairman ng kanilang barangay. Sa naging halalan nitong Lunes, tabla sa 206 ang kanilang boto kaya kinailangan mag-toss coin …

Read More »

Barangay, SK polls generally peaceful – Comelec

“GENERALY peaceful.” Ito ang paglalara­wan ng Commission on Elections sa ginanap na Barangay and Sanggu­niang Kabataan elections nitong Lunes, bagama’t may ulat ng mga insi­den­te ng dayaan, kara­ha­san at ilang namatay. “Generally peaceful, ‘ika nga, [ang eleksiyon]. Natutuwa kami na ang botohan sa iba’t ibang mga presinto ay nairaos nang walang malaking problema, walang mala­king disturbance,” paha­yag ni Comelec spokes­person …

Read More »

Tokhang vs panalong barangay execs sa narco-list (Tiniyak ng PNP)

MAAARING humarap sa “Oplan Tokhang” operations ang barangay officials na kabilang sa narcotics list ng pamaha­laan, kahit nanalo sa barangay elections, ayon sa Philippine National Police kahapon. “It depends on the evidence. If we have strong evidence, we can always subject them to ‘Tokhang.’ We’re not being selective here,” pahayag ni Director General Oscar Albayalde sa press briefing. Magugunitang inilabas …

Read More »

BSK poll winners proklamado na — Comelec

sk brgy election vote

INIHAYAG ng Com­mission on Elections nitong Martes, prokla­mado na ang halos lahat ng mga nanalong kan­didato sa nakaraang barangay at Sanggu­niang Kabataan elec­tions. Sinabi ni Comelec spokesperson Director James Jimenez, hang­gang 1:50 pm nitong Martes ay  94.01 porsi­yento ng lahat ng mga nanalo ang proklamado na. Samantala, ipina­ala­la ni Jimenez sa mga naghain ng Certificate of Candidacy na maghain ng …

Read More »

‘Kill Grab’ plot buking

IBINISTO kamakailan ng isang transport group ang sinabing isang ‘sindikato’ na nagtutulak sa planong patayin ang operasyon sa bansa ng ride-hailing app company na Grab. ‘Kill Grab’ plot ang misyon ng grupo na binu­buo ng isang mamba­batas, isang opisyal ng ahensiya sa ilalim ng Transport Department at mga bagong Transport Network Companies (TNCs), ayon sa transport umbrella group na Modern Basic Transport …

Read More »

3 paslit na mag-uutol patay sa Pasig fire

PATAY ang tatlong bata makaraan matupok sa sunog ang kanilang bahay sa Pasig City, nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Princess Joy Navidas, 7; John Andrew Navidas, 4, at BJ Navidas, 2, residente sa San Isidro St., Centennial 2, Nagpayong 2, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, umalis sa kanilang bahay ang ina …

Read More »

Kelot utas sa boga

gun dead

PATAY ang isang lala­king namamahinga na ngunit tinawag ng mga katropa sa isang inoman makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si Raymar Aquino, 30-anyos, resi­den­te sa Zapote St., Brgy. 141, Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod. Batay sa ulat ni Calo­ocan police chief, S/Supt. Restituto Arcanghel, …

Read More »

2 sundalo patay sa sagupaan sa CamSur

RAGAY, Camarines Sur – Binawian ng buhay ang dalawang miyembro ng Philippine Army nang makasagupa ang hinihi­nalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Salvacion sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur, nitong Linggo ng umaga. Ayon sa ulat, sunod-sunod na putok ang nari­nig ng mga residente ng barangay nang magka­sagupa ang pinanini­walaang mga miyembro ng NPA at …

Read More »