Tuesday , May 28 2024

8-anyos totoy patay sa ligaw na bala (Target na kagawad sugatan)

PATULOY ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkamatay ng isang 8-anyos batang lalaki na tinamaan ng ligaw na bala sa pamamaril sa San Andres Bukid, Maynila.

Ayon kay P/Cpt. Roel Purisima, hepe ng PCP Dagonoy, nakikipag­kuwentohan sa harap ng barangay hall ang si Roberto Cudal, kagawad ng Brgy. 775, Zone 84 nang pagbabarilin ng riding in tandem.

Naganap ang insiden­te sa Onyx St., sa Sta. Ana, Maynila, 4:00 pm nitong Lunes.

Sa kuha ng CCTV, makikitang isang lalaki ang nakaupo sa labas ng barangay hall nang dumaan ang dalawang motorsiklo.

Bumaba ang mga backride at biglang pinag­babaril ang lalaking naka­upo sa labas ng barangay.

Sinubukan ng lala­king tumakbo pero tulu­yan siyang bumagsak.

Sa isa pang kuha, makikitang kahit naka­dapa na, pinag­babaril pa rin ang target hanggang tuluyang tumakas ang mga suspek.

Dinala sa ospital si Cudal at ang katabi niyang si Romeo Nicolas na tinamaan din ng bala.

Habang ang batang lalaki ay natuklasang tinamaan ng ligaw na bala sa dibdib, na naisugod din sa ospital ngunit namatay kinalaunan.

Nabatd na bumili ng inihaw ang bata sa tapat ng barangay hall nang magkaroon ng barilan hanggang tamaan siya ng bala.

Sa pahayag ng mga testigo, dawit umano sa transaksiyon ng ilegal na droga ang kagawad at ang kanyang mga anak.

Nakuha ang 10 basyo ng bala sa crime scene at kasalukuyang iniimbes­tigahan ng mga pulis ang pamamaril at motibo sa krimen.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

052824 Hataw Frontpage

Para sa firetrucks at emergency medical equipment,
P2.88-B PONDO NG DILG-BFP IPINALABAS NI PANGANDAMAN

INIUTOS ni Budget Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang agarang pagpapalabas ng kabuuang P2.880 bilyon sa …

052824 Hataw Frontpage

Ipinagkanulo ng nalaglag na belt bag  
‘GUNMAN’ SA LTO EXEC AMBUSH ARESTADO

ni ALMAR DANGUILAN ITINUTURING ng Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang pagpaslang …

Tacloban Leyte

Anti-government rally ng Maisug pumalpak

KINANSELA ng Maisug anti-government rallyists ang kanilang protesta sa Tacloban City sa Leyte province makaraang …

Drug den sinalakay MAINTAINER, 3 GALAMAY TIKLO

Drug den sinalakay
MAINTAINER, 3 GALAMAY TIKLO

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lugar sa lungsod …

Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI

Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI

MATAGUMPAY na idinaos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pasinayang pagtatanghal ng ‘Pustura,’ …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *