Thursday , June 4 2026
arrest posas

Sugarol na drivers arestado sa droga

DINAKIP ang tatlong driver nang makompiskahan ng droga habang nagsusugal sa ikinasang anti-criminality/Oplan Galugad sa Para­ñaque City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Parañaque City Police chief, P/Col. Robin King Sarmiento, ang mga naarestong suspek na sina Joselito Siaboc, alyas Dog, 43 anyos, may asawa, ng Karuhatan, Valenzuela City; Bryan Arrozal, alyas Boyet, 38,  binata, residente sa Maligaya St., Barangay Paho, Meycauayan, Bula­can; at Laurence Loquente, alyas Renz, 45 anyos, ng 13 KM Area 2, Bgy. Karu­hatan, Valenzuela City.

Ayon sa ulat ni P/Cpl. Ian Villaganes, may hawak ng kaso, nagkasa ng anti-criminality/Oplan Galugad ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP-2)  sa pangunguna ni P/Cpt. Oscar Pagulayan, sa Costal Mall, Bgy. Tambo sa Parañaque City, dakong 9:35 pm, nang nai-turnover ang nasabing kaso sa Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), bandang 1:30 am.

Wala nang nagawa sa awtoridad ang mga suspek nang mabisto sila sa pagsusugal ng cara y cruz at makuhaan ng tatlong maliliit na selyadong sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 0.8 gramo, nagkakahalaga ng P5,440, P120 cash na pusta, at tatlong P1 coin na ginamit na pangkara.

Dinala ang mga nare­kober na ebidensiya sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Nakakulong ang mga suspek sa custodial facility ng pulisya at nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings sa Parañaque Prosecutor’s Office para sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at PD 1602 (Anti-Gambling Law).

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …