Thursday , June 4 2026
road accident

SUV nawalan ng kontrol sa EDSA… Senior Citizen patay, 5 pedestrians sugatan

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang senior citizen habang lima ang sugatan makaraang ararohin ng isang Innova sa EDSA , Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw.

Agad binawian nang buhay ang  biktimang si Antonio Abejuro Sr., 77, may asawa, residente sa Road 7 St., Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Sugatan sina Antonio Abejuro, Jr., 35, binata, anak ng namatay na biktima; Gerald Angeles, 27, call center agent, residente sa Lias Road, Marilao Bulacan; Eraquivic Celocia, 28, binata, waiter, residente sa Zytee Sarmiento St., Pasong Tamo, QC; Christian Paul Domalin, 27, waiter, residente sa Mapayapa St., Gulod, QC; at Kiervin Dela Cruz, 25, call center agent ng Blk.24 Lot 8, Ulingan St., East Lawang Bato, Valenzuela City,

Sa ulat kay P/Lt. Severino Busa, Sector Commander ng Quezon City Police District Traffic Enforcement Unit Sector 6, ang aksidente ay naganap dakong 3:25 am, Enero 26,  sa tapat ng SM North EDSA, Brgy. Sto. Kristo, QC.

Arestado ang driver ng Innova na si Ivan Matthew Navarro, 21, binata, estudyante, nakatira sa Saint John St., Remerville Subd., Project 8, QC.

Sa imbestigasyon nabatid na nag-aabang ng masasakyan ang mga biktima nang sumulpot ang humaharurot na Toyota Innova, may plakang ZAM 896  na minamaneho ni Navarro.

Nawalan ng kontrol sa manibela si Navarro hanggang masagi nito ang bumper ng isang Nissan Urban na may plakang AEA 2195 na minamaneho ni Jose Alfonso.

Pagkaraan, nagtuloy-tuloy ang Innova sa bangketa at inararo ang mga biktima na nag-aabang ng kanilang masasakyan sa gilid ng kalsada.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries and damage to property si Navarro. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …