Saturday , January 11 2025

News

TRO inihain ng consumers safety group… Pasahero delikado sa nagsulputang motorcycle taxis

ISANG commuters safety advocacy group ang naghain ng petition for injunction with appli­cation for a temporary restraining order (TRO) laban sa limang motor­cycle taxi groups na wala umanong experience at walang track record para mamasada. Binigyang-diin ng grupo na malaking banta ito sa kaligtasan ng mga pasahero at ng publiko. Ayon kay dating QC councilor Atty. Ariel Inton, ng Lawyers …

Read More »

Sa hosting ng SEA Games… Delegadong dayuhan hats off sa PH

PATULOY na umaani ng papuri at pasasalamat mula sa sports officials at atletang dayuhan ang pagho-host ng Filipinas sa 30th SEA Games. Partikular dito ang pag-iral ng pusong Pinoy kahit kapalit nito ang siguradong pagkapanalo ng gintong medalya. Todo-todo ang pasa­salamat ng Indonesian Sports officials sa Fili­pinas lalo sa Pinoy surfer na si Roger Casugay ma­ta­pos niyang iligtas ang karibal …

Read More »

PH humahakot ng gold… Duterte super saya sa SEA Games

PINAPURIHAN ni Pangulong Duterte ang opening night ng South East Asian games o SEA Games kasama na ang lahat ng grupo at indibidwal na nasa likod nito. Lalo pang natuwa ang pangulo nang humakot agad ng 23 gold medals ang Pinoy athletes sa unang araw ng kom­petisyon noong Linggo at patuloy na nama­mayag­pag kahapon. Kabilang sa pina­purihan ng Pangulo ang organizers, per­formers …

Read More »

SEA Games opening inspirasyon sa Palasyo

TALAGANG nakai-inspire. Ito ang inihayag ng Palasyo sa mga atletang Filipino na nakasungkit na ng gintong medalya sa ginaganap na 30th Southeast Asian Games ( SEAG) sa bansa. Hindi maikakaila, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maganda ang naging preparasyon ng mga atletang Pinoy. Sinabi ni Panelo, walang substitute ang preparasyon sa anumang uri ng kompetisyon. “We have to congratulate …

Read More »

Ping ‘pa-victim’ sa ‘fake news’ — PHISGOC

TINIYAK ng organizers ng Southeast Asian Games (SEA) Games na bawat pisong ginastos para sa hosting ng Filipinas sa palarong ito ay walang bahid ng iregularidad, maayos at sumusunod sa mga patakaran ng Commission on Audit (COA).  Ayon kay Ramon Suzara, chief operating officer ng  Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), mali ang ginawang pagkokompara ni Sen. Panfilo “Ping” …

Read More »

Nakaprotestang mga balota nawawala… Kampo ni Lino Cayetano magnanakaw ng boto?

PINAIIMBESTIGAHAN sa Com­mission on Elections (COMELEC) ang pagkawala ng mga balota na nakalagak sa Taguig City Hall auditorium na sakop ng isang election protest laban kay Taguig Mayor Lino Cayetano. Ang ilegal na paglili­pat ng nakaprotestang balota ay pinaniniwalang isang desperadong hak­bang ng kampo nina Caye­tano dahil sa lumu­tang na ebi­densiyang magpapatunay sa naga­nap na malawakang dayaan sa nakaraang halalan …

Read More »

Walang contingency plan… Duterte galit sa kapalpakan ng PHISGOC (Tsibog sa SEA Games ikinairita ng Palasyo)

GALIT si Pangulong Rodrigo Duterte sa sablay na organizers ng 30th Southeast Asian Games (SEAG). Ito ang nabatid kay Presidential Spokesman Salvador Panelo kahapon. Ang Philippine South­east Asian Games Organizing committee (Phisgoc), isang founda­tion na pinamumunuan ni Speaker Alan Peter Caye­tano, ang organizer ng SEA Games na idinaraos sa bansa. Ayon kay Panelo, galit at desmayado ang Pangulo sa mga …

Read More »

Production assistant huli sa panghahalay

prison rape

SWAK sa kulungan ang isang 21-anyos production assistant matapos ireklamo ng panghahaalay sa 18-anyos dalagita kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Kinilala ang suspek na si Harold Camulo, residente sa Pampano St., Brgy. Longos, Malabon city na nahaharap sa kasong Rape in Relation to RA 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination. Sa ulat na tinanggap ni …

Read More »

Pinoys hinikayat magkaisa para sa tagumpay ng SEA Games

30th Southeast Asian Games SEAG

DAPAT magkaisa ang mga Filipino at sama-samang suportahan ang mga nag-organisa ng Southeast Asian Games (SEAG) sa bansa imbes magbatohan ng dumi at magsisihan. Ito ay matapos humingi ng paumanhin ang mga nag-organisa dahil sa hindi naiwasang logis­tical problems na naranasan ng ilang SEA Games participants. Sinabi ng ibang atleta mula ibang bansa, ang mga ganitong klaseng problema ay normal …

Read More »

Citizen’s arrest vs ‘mambababoy’ sa Jones Bridge

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang citizen’s arrest laban sa mag­tatangkang ‘mana­laula’ sa pinagandang Jones Bridge na nag­dudugtong sa Intra­mu­ros at Ermita sa Binon­do, Maynila. Pahayag ni Moreno, “Be vigilant. ‘Yung mga magdudumi dito, ares­tohin ninyo, taongbayan. Hindi lang amin ito. Bilang pamahalaan, sa ating lahat ito… bilang Filipino, bilang Manile­ño. You own it.” Idinagdag ni Mayor …

Read More »

Palasyo kay Leni: Tinimbang ka ngunit kulang

TINIMBANG siya ngunit kulang. Ito ang pahayag ng Palasyo sa banta ni Vice President Leni Robredo na isisiwalat sa mga susunod na araw ang natuklasan niya kaugnay sa drug war na isinusulong ng admi­nistrasyon sa loob ng 18 araw niyang pagiging drug czar. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, malaya si Robredo na gawin ang gusto dahil lahat naman ng …

Read More »

Binata sinaksak ng step father

knife saksak

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 36-anyos lalaki makaraang saksakin ng kanyang step father matapos awatin ng biktima nang makita niyang sinasakal ang kanyang ina sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Gilbert Arizala, residente sa Javier II St., Brgy. Baritan ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng saksak sa …

Read More »

Bette Midler ‘binalikan’ ng Palasyo

UMALMA ang Palasyo sa pagbabansag ni US actress-singer Bette Midler kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang isa sa mga kasuklam-suklam na lider sa buong mundo. Ayon kay Presidetial Spokesman Salvador Panelo, walang karapatan si Midler na batikusin ang mga pinuno ng ibang bansa dahil wala siyang ‘personal knowledge’ sa kanilang pagkatao. Pero kinilala ni Panelo ang karapatan ni Midler na pintasan …

Read More »

MPD-TPU chief humingi ng ‘tara’ inreklamo sa GAIS

NASA hot water nga­yon ang hepe ng Tourist Police Unit (TPU)  ma­ka­raang ireklamo ng kanyang mga tauhan sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (GAIS) dahil sa umano’y pagtatalaga ng tara ng P150-P300 kada araw sa MPD Headquarters sa United Nation Ave., Ermita, Maynila. Sa ulat ng MPD-GAIS, dakong 9:00 am kamakalawa, si P/Cpl. Jonathan Yasay, naka­talaga sa TPU …

Read More »

PECO natuwa sa desisyon ng Iloilo RTC

electricity meralco

SA NAKALIPAS na week­end, pinilit ng regional trial court (RTC) ng Iloilo na isuspendi ang expropriation proceedings na isinampa ng MORE Electric and Power Corporation (MORE) sa panukalang kunin ang mga pasilidad ng Panay Electric Company (PECO). Ang suspension order ay dumating sa gitna ng kabiguan ng MORE na makakuha ng kanais nais na desisyon mula sa Supreme Court na …

Read More »

Bagong Jones Bridge, pinasinayaan ni Yorme

PINANGUNAHAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang inagurasyon ng bagong mukha  ng William A. Jones Memorial Bridge o Jones Bridge, na nag-uugnay sa Binondo, Ermi­ta at Intramuros, kagabi, araw ng Linggo. Sa kanyang talumpa­ti, sinabi ni Moreno, ay kaunting alaala na pama­na sa ating bansa na da­pat pangalagaan at pahalagahan. Pinasalamatan ng alkal­de ang lahat na mga nagsikap at …

Read More »

Bangayan sa P50-M kaldero itigil… 3 solons nanawagan, atleta suportahan

NANAWAGAN kaha­pon ang ilang kongresista na itigil na ang bangayan patungkol sa P50-milyo­nes na kaldero sa SEA Games. Anila, dapat ng mag­kaisa ang nga Pinoy at kalimutan ang mga kon­trobersiya kaugnay ng ika-30 Southeast Asian (SEA) Games na mag-uumpisa sa 30 Nobyem­bre hangang 11 Disyem­bre 2019. Ayon kay Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., Quezon City Rep. Onyx Crisologo, at …

Read More »

Drug Czar Leni sinibak ni Duterte

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang drug czar o Co-Chairperson of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) matapos ang mahigit dalawang linggo sa puwesto. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang hakbang ng Pangulo ay bilang tugon sa panawagan ni Liberal Party Pre­sident, Senator Francis Pangilinan, na sibakin si Robredo at bilang pag­tang­gap sa hamon ng …

Read More »

Kamara takot kay Digong — Salceda

IMBES maging independent ang Kamara sa Ehekutibo, sunod nang sunod ito sa nga kagustuhan ng Pangulong Duterte. Ani Albay Rep. Joey Salceda, nangyayari ito dahil sa sobrang takot ng mga kongresista sa pangulo. Ayon kay Salceda sa panayam sa ABS-CBN  news nitong nalaraang Martes, lahat ng ginusto ng pangulo ay sinasanga­yunan ng mga mababa­tas. “Takot,” ani Salceda, “ang mga mambabatas …

Read More »

Aresto vs vape user utos ni Digong

KINALAMPAG ni Pangulong Rodri­go Duterte sa Bureau of Customs (BoC) sa pagpapalusot sa bansa ng alinmang uri ng electronic cigarettes. Ang pahayag ng Pa­ngulo ay matapos ipag-utos ang pagbabawal sa importasyon at paggamit ng vape cigarettes sa Filipinas. Giit ng Pangulo, da­pat bantayan mabuti ng BoC ang lahat ng pali­paran at pantalan laban sa posiblidad na maipa­sok ng bansa ang …

Read More »

Presyo ng itlog at manok pinalagan ng senadora

NAPIKON at pumalag si Senator Imee Marcos sa napaulat na biglaang pagtaas na presyo ng itlog at manok sa ilang mga pamilihan sa Metro Manila nitong nakaraang linggo. “Walang dahilan para magtaas ng presyo sa itlog kasi ultimong Philippine Egg Board sa kanilang suggested retail price ay hindi dapat tumaas sa P5 ang kada piraso ng itlog dahil sapat ang …

Read More »

Holdaper timbog

arrest posas

TIMBOG ang isa sa tatlong holdaper matapos holdapin ang isang Grade 10 student sa Parañaque City, nitong Lunes. Kinilala ang naarestong suspek na si Fernan Palisa, 24, binata, walang trabaho, ng Sitio De Asis, Barangay San Martin de Porres, Para­ñaque City habang naka­takas ang dalawa niyang kasama na sina alyas @Arjay at alyas @Mac-Mac.” Ang biktima ay isang 17-anyos binatilyo, …

Read More »

Budget ng Palasyo aprub sa Senado

Rodrigo Dutete Bong Go

INAPROBAHAN na ng Senado ang P8.2-bilyong budget para 2020 ng Office of the President na inisponsoran ni Senator Christopher “Bong” Go. Una rito, tiniyak ni Go ang checks and balances sa pera ng taxpayers na hanggang sa huling sentimo ay gagamitin para sa kapakanan ng taongbayan. Tinukoy niya ang liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang tapat, transparent at corrupt-free government. Nanindigan ang senador …

Read More »

Kaya tinanggal sa gabinete… Duterte napikon sa meeting ni Robredo sa US at UN

NAPIKON si Pangulong Rodrigo sa paki­kipagpulong ni Vice President Leni Robredo sa mga kalaban ng isinusulong na drug war ng kanyang administrasyon, kaya hinubaran ng cabinet rank ang kanyang pagiging drug czar. Inamin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na sumama ang panlasa ni Pangulong Duterte kay Robredo nang makipag-meeting at humingi ng payo sa mga dayuhang personalisad at institusyon na …

Read More »

Buwis sa POGOs ‘ipinataw’ ng Kamara

LEGAL na opinyon man ni Solicitor General Jose Calida na hindi na dapat buwisan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), nagkakaisang ipinasa ng House Committee on Ways and Means ang panukalang patawan ng buwis ang nasabing pamumuhunan. Batay sa House Bill 5257, limang porsiyento ang direktang ipapataw na franchise tax sa gross winnings ng POGOs at 25 porsiyento sa POGO workers na …

Read More »