fire sunog bombero

Resto sa SM City Cebu tinupok ng apoy

NAPINSALA ng sunog ang bahagi ng SM City Cebu sa Brgy. Mabolo, lungsod ng Cebu, pasado 1:00 p nitong Sabado, 27 Pebrero.

Sa pahayag ng Cebu City Fire Department (CCFD), dakong 1:16 pm nang makatanggap sila ng alarma kaugnay sa sunog na sumiklab sa isang restawran sa ikatlong palapg ng mall.

Ayon kay FO2 Fulbert Navarro, kontroยญlado ang apoy dakong 2:09 pm at tuluyan naapula bandang 2:15 ng hapon.

Patuloy na nagsasaยญgawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Walang naiulat na nasaktan sa sunog.