Thursday , June 4 2026
internet slow connection

Monopolyo ng Planet cable ni Villar sa Cerritos Heights pinatutuldukan

UMAPELA ang mga residente ng Cerritos Heights, sa pamamagitan ng Cerritos Heights Homeowners Association Inc. (CHHAI), para sa instalasyon ng fiber internet at landline facility sa kanilang subdivision sa Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Sa isang petisyon, inireklamo at ikuwestiyon ng mga residente sa Cerritos Heights Phases 1 at 2, Cerritos Terraces, at Cerritos Hills Phases 1, 2, at 3, kung bakit ang Planet Cable lamang ang tanging provider ng fixed internet sa lahat ng phases ng kanilang subdivision.

Ayon sa petitioners, dahil sa monopolyo ay napipilitan silang magtiis sa hindi magandang serbisyo at “inefficient customer support” ng Planet Cable.

“We wish to assert our right to enjoy the benefits of competition, especially in getting the best possible internet provider. The need for reliable connectivity is even more pronounced today, especially as the uncertainty over the CoVid-19 pandemic is forcing everyone to adapt to the new normal. This means work-from-home is no longer an option but a requirement in order to keep jobs. Students will also transition to online learning because this is now part of the Philippine education system,” pagbibigay-diin ng mga residente.

Binatikos ng mga petitioner ang  Planet Cable na pag-aari ng kanilang developer, ang Villar Group,  dahil sa pagkakait sa kanila ng pribilehiyo na mag-apply para sa landline phone service.

Anila, nabigo ang kanilang developer na magkaloob ng telephone facility para sa mahigit 2,000 tahanan sa kanilang subdivision, “sa pangamba marahil na magbigay-daan ito para sa internet competition.”

“This is a complete disservice to us, especially now that Bacoor is part of the Metro Manila line. Having a landline in our homes would have allowed us who work in the central business districts of the National Capital Region to reach our loved ones easily, without incurring call charges,” dagdag ng CHHAI.

Umaasa ang CHHAI na ang kanilang petisyon ay agad aaksiyonan ng pamahalaan, lalo ang Brgy. Molino IV, city government ng Bacoor, National Telecommunications Commission, Housing and Land Use Regulatory Board at ang Philippine Competition Commission, gayundin ang mga pribadong telecommunication providers — Globe Telecoms, PLDT, at  Converge — para tuluyang tuldukan ang monopolyo ng Planet Cable.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …