Tuesday , October 8 2024
SINALUBONG nina Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng 487K doses ng AstraZeneca CoVid-19 vaccine, kasama sina (mula kaliwa pakanan) Sen. Christopher “Bong” Go, PRRD, Health Secretary Francisco Duque III, at Dr. Rabinda Abeyasinghe, kinatawan ng World Health Organization (WHO) sa Filipinas, sa Villamor Airbase, kahapon. (Retrato mula sa RTVM)

487K doses ng AstraZeneca CoVid-19 vaccine dumating (Duterte todo pasalamat)

TODO pasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa international community sa donasyong 487,200 doses ng CoVid-19 vaccine para sa Filipinas, na gawa ng AstraZeneca, isang pharmaceutical company na nakabase sa United Kingdom.

“I don’t know how to express my gratitude to the donor countries that you remembered the poor nations is in fact already a plus for humanity. And in behalf of the republic of the Philippines and of the people, and all, I’d like to say again that we felt the gratitude in our hearts and may God bless you for your benevolence. Thank you,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa welcome ceremony sa Villamor Airbase sa Pasay City kagabi.

Ang naturang mga bakuna na ginawa sa planta ng AstraZeneca sa South Korea ay mula sa COVAX facility na pinagsamang donasyon ng  Germany, EU, Norway, France, Italy, Spain, Netherlands, Sweden. Denmark, Belgium, Austria, at Greece.

Nagmula sa Belgium ang mga bakuna na isinakay sa KLM Royal Dutch Airlines (KLM 803), at nag-stopover sa Bangkok, Thailand bago lumapag sa NAIA Terminal 3.

Noong nakalipas na 17 Pebrero, kinompirma ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr., lumagda sa indemnification agreement ang Filipinas sa AstraZeneca.

Ito’y bahagi ng requirement para mai-deliver sa bansa ang mga bakuna kontra CoVid-19 mula sa COVAX global facility.

Inatasan ng Pangulo ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na aktibong ipatupad ang “whole of government approach” sa pagtugon sa CoVid-19 situation ng bansa.

“I also assure the Filipino people that their government will continue working to ensure the immediate distribution of the available vaccines to the communities,” aniya.

Umapela ang Pangulo sa mga mama­mayan na magpabakuna laban sa CoVid-19 at maging katambal ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Tiniyak niya na ligtas ang mga bakuna at susi sa pagbubukas ng lipunan.

“On this note, I would like to appeal to all our kababayans please get vaccinated against CoVid-19 and be the government partner in preventing further spread of the disease. I encourage you to get vaccinated as a soonest possible time. These vaccines are safe and they are the key to reopening our society.”

Noong nakaraang buwan, binatikos ng Pangulo ang “pag-hostage” ng EU sa AstraZeneca.

“The problem is ‘yung bakuna. For all of the brouhaha, “O mayroon kami rito nakita, mayroon kami…” Saan? E ‘yung AstraZeneca hinostage (hostage) ng European Union,” sabi ng Pangulo sa kanyang public address kamakalawa ng gabi.

“Kasi sa Europe kasi isa ‘yung isa — parang isa na lang sila. Ang pera nila ng eu — euro dollars ang pera ng France pero lahat tanggap na ‘yan. Wala na silang distinction kaya ganoon ang ginagawa nila.”

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Krystall Herbal Oil

Skin flakes sa anit tanggal sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok na mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay …

Arvin Lulu Mommy Lerms Lerma Lulu skin care online sellers

Sa Pampanga
SIKAT NA ONLINE SELLERS TINAMBANGAN PATAY

HINDI nakaligtas sa kamatayanang mag-asawang kilalang online skin care sellers nang pagbabarilin sa bayan ng …

100724 Hataw Frontpage

Para muling ‘irespeto’
Ex-PRRD PINAYOHANG TUMAKBO SA SENADO

ni NIÑO ACLAN NANINIWALA si dating presidential adviser, Salvador Panelo na ‘maliit ang tingin’ ng …

dead gun

Sa Sariaya, Quezon
2 LALAKI TUMIMBUWANG SA BOGA

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek habang nakatayo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *