Sunday , November 24 2024

News

Sa ABS CBN franchise… NTC nagpasaklolo sa DOJ

ABS-CBN congress kamara

INAMIN ni Senador Lawrence Christopher “Bong” Go, humingi na ng saklolo ang National Telecommunication Commission (NTC) sa Department of Justice (DOJ) para sa usapin ng prankisa ng ABS CBN sakaling tuluyan nang mapaso sa katapusan ng Marso. Ayon kay Go, ito ay upang matiyak kung ano ba talaga ang tamang magiging desisyon sa prankisa ng ABS CBN. Sinabi ni Go, …

Read More »

Panelo desentonado sa pahayag ng Pangulo

HINDI kostumbre ni Pangulong Rodrigo Duterte na himukin ang Kongreso na madaliin ang proseso ng renewal o pagbasura sa prankisa ng ABS-CBN. Reaksiyon ito ng Palasyo sa hamon kay Pangulong Duterte na sertipikahan bilang urgent bill ang renewal ng prankisa ng ABS-CBN kung talagang hindi siya kontra rito. “Bakit naman kaila­ngan magbigay ng urgency ng pag-ano, e ‘di ibig sabihin nagdi-dis­criminate …

Read More »

Ambush sa BuCor legal chief walang epekto sa GCTA — Sec. Panelo

nbp bilibid

KOMPIYANSA ang Palasyo na walang magi­ging epekto sa imbesti­gasyon sa iregular na pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang pananam­bang kahapon sa isang opisyal ng  Bureau of Corrections (Bucor). Si BuCor chief lawyer Frederick Santos ay tinambangan malapit sa opisina ng  BuCor sa Muntinlupa City habang patungo sa paaralan upang sunduin ang kanyang anak. Duda ni Panelo, personal ang motibo ng ambush …

Read More »

Tumestigo sa ‘freedom for sale’… Ex-Legal Chief ng BuCor patay sa ambush

TINAMBANGAN ang isang suspen­didong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ng dalawang armadong suspek habang sakay ng kanyang minamanehong pick-up van sa Muntinlupa City kahapon ng hapon.         Apat na tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang si Atty. Fredric Anthony Santos, dating chief legal officer ng BuCor. Sa inisyal na report ng Muntinlupa Police nang­yari ang …

Read More »

OFWs mula HK, Macau maaari nang bumiyahe

PUWEDE nang bumi­yahe papunta at pabalik ng Hong Kong at Macau ang overseas Filipino workers (OFWs). Ito ay dahil partially lifted na ang travel ban na ipinatupad noon ng Filipinas sa Hong Kong at Macau dahil sa coronavirus disease o COVID-19.Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kina­kailangang lumagda ng deklarasyon ang mga OFW na nagsasaad na batid nila ang panganib sa …

Read More »

Palasyo tahimik sa ‘shopping spree’ ni Dennis Uy

TIKOM ang bibig ng Pala­syo sa ulat na humihingi ng state guarantee ang negosyanteng kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang bilyon-bilyong pisong uutangin sa mga banko para higit na palawakin ang mga negosyo. “Hindi ko yata… ngayon ko lang narinig iyan… I don’t know about that. Kausap ko lang siya the other night. At sabi ko sa kanya, …

Read More »

Super health centers sa bawat distrito ng Maynila — Isko

SA KAUNA-UNA­HANG pagkakataon ay magkakaroon ng super centers ang bawat distrito ng Lungsod ng Maynila bilang alay ng lokal na pamahalaan para sa mga residente ng Maynila. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna, super centers na maituturing matapos masaksihan ang iniharap na plano ni Manila Health Depart­ment (MHD) chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan sa …

Read More »

‘Kumander Bilog’ ng CPP-NPA inaresto sa Pampanga

NAARESTO ang isang dating lider ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) nang salakayin ang kaniyang bahay kamakalawa ng madaling araw, 17 Pebrero, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Ayon kay PRO3 Director P/BGen. Rhodel Sermonia, nadakip si Rodolfo Salas, alyas Kumander Bilog, 72 anyos, residente sa Doña Carmen St., Mountain View, Balibago, sa naturang …

Read More »

Gag order hirit sa SC ni Calida

TILA napapaso ang Palasyo sa kaliwa’t kanang pagbatikos laban sa pagsikil ng administrasyong Duterte sa press freedom. Ito ay matapos paboran ng Palasyo ang hirit na gag order ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema kaugnay sa quo warranto petition na inihain laban sa prankisa ng ABS-CBN. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagiging emo­syonal na kasi ang isyu …

Read More »

‘Pastillas’ sa Immigration ipinabubusisi ng Pangulo

IPINASISIYASAT ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) ang nabulgar na ‘pastillas’ sa Bureau of Immigration (BI). Sa panayam kagabi kay Sen. Christopher “Bing” Go, sinabi niya na ipakakain ni Pangulong Duterte sa Immigration personnel o opisyal ang perang nakaba­lot sa pastillas wrapper kapag napatunayang sangkot sa katiwalian at nagpapapasok ng mga illegal Philippine offshore gaming operator …

Read More »

5 suspek na ‘sumunog’ sa vendor ng lobo sumuko

MATAPOS manawagan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sumuko ang mga kaba­taang ‘sumunog’ sa vendor ng lobo, personal na nagtungo sa tangga­pan ng alkalde ang li­mang suspek kasama ang kanilang mga magulang sa Manila City Hall kahapon. Iniharap ni Mayor Isko sa media ang mga suspek kabilang ang apat na menor de edad gayun­din si Dranreb Colon, 18, ng …

Read More »

70k no read, no write sa Bicol pinalagan ni EdSec. Briones

UMALMA si Education Secretary Leonor Briones sa ulat na 70,000 batang estu­dyante sa Bicol region ang hindi maru­nong magbasa ng English at Filipino. Sa press briefing sa Palasyo, tinawag ni Briones na eksaherado ang nasabing ulat at hindi tama na sabihing ‘no read, no write’ ang mga estudyante sa elementarya sa Bicol. Pinaghalo kasi aniya ang bilang ng mga estu­dyante …

Read More »

Sen. Hontiveros duda sa sagot na ‘walang alam’ sa ‘Pastillas’ ops (BI officials sa human trafficking)

DUDA si Senadora Risa Hontiveros Chair ng Senate Committee on Women & Children Family Relations and Gender Equality sa naging sagot ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa pagdinig ng senado ukol sa laganap na prostitusyon sangkot ang mga Chinese national. Sa naturang pagdinig, itinanggi ni BI Port Operations Division head Grifton Medina na alam niya ang ibinulgar …

Read More »

State guarantee hinarang ng ex-solon… Dennis Uy supalpal sa ‘shopping spree’

SINOPLA ng Makabayan bloc ang paghingi ni Davao-based business­man Dennis Uy ng sovereign guarantee para sa bilyon-bilyong pisong uutangin para sa patuloy na ‘shopping spree’ sa higit na pagpapalawak  ng negosyo. Ayon kay Bayan Muna Chairman Neri Colmeranes, hindi naka­pagtataka ang ginawang ‘buying spree’ ni Uy sa ilang malalaking kom­panya mula noong 2017 hanggang 2019 dahil inaasahan nito ang backing …

Read More »

Truck driver hinataw ng tire wrench sa ulo

road accident

MALUBHANG nasugatan ang isang truck driver makaraang paghahatawin ng tire wrench ng isang kabaro nang magkainitan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Patuloy na ginagamot sa Valenzuela Medical Center (VMC) ang biktimang kinilalang si Teoro Padayhag, 46 anyos, ng Kalayaan, Kings Point, Bagbag, Quezon City, sanhi ng matinding tama ng palo sa ulo. Nahaharap sa kasong attempted homicide ang suspek na …

Read More »

Mayor, 9 pa kinasuhan ng transport group

ombudsman

SINAMPAHAN na ng kaso ng transport group sa Tanggapan ng Ombudsman ang dating alkalde at mahigit siyam na iba pa dahil sa pangha-harass sa kanilang mga opisyal at miyembro. Batay sa 12-pahinang reklamo na may petsang 14 Pebrero 2020 na isinampa ng Common Transport Service Cooperative na kinatawan ni Deltha Bernardo bilang general manager, kasama ang board of directors at …

Read More »

Dahil sa pagbasura sa VFA… Kudeta vs Duterte niluluto — Joma

MAY nilulutong coup d’ etat laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang opisyal ng militar na nadesmaya sa pagbasura niya sa Visiting Forces Agreement (VFA). Ito ang inihayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) chief political consultant Jose Ma. Sison. “Just by giving the US a notice of terminating …

Read More »

Serbisyo hindi maayos… Reklamo vs Primewater bumuhos

INULAN ng reklamo ang Primewater Infrastructure Corporation dahil sa hindi maayos na serbisyo at sobrang taas ng singil. Sinabi ni dating Anakpawis Rep. Ariel Casilao,  nakalulungkot na profit ang pangu­nahing interes sa takeover ng Primewater, pag-aari ng bilyonaryong mag-asawang Sen. Cynthia at Manny Villar, sa mga water district at hindi para bumuti ang serbisyo at magkaroon nang maayos na supply …

Read More »

Anak ni Kabayan itinalagang GM sa PTV4 — Andanar

ITINALAGA ni Pangu­long Rodrigo Duterte si Katherine Chloe de Castro bilang bagong general manager ng People’s Television Network Inc. Kinompirma ni Communications Secretary Martin Anda­nar na si De Castro ang pumalit kay Juliet Claveria Lacza bilang general manager ng PTNI. Naging president at CEO ng Intercontinental Broadcasting Corp., mas kilala bilang IBC Channel 13 at naging assistant secretary sa Department …

Read More »

Trump ‘deadma’ sa winakasang VFA ni Duterte

DUDA ang Palasyo sa pahayag ni US President Donald Trump  na bale­wala sa kanya ang pag­basura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Visiting Forces Agreement ( VFA) at makatitipid pa ang Amerika sa nangyari. “Let’s see how his words will match the actions of the US government,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo. Ang pahayag ni Trump ay taliwas sa sinabi ni …

Read More »

Mga testigo ihaharap sa Kamara — solon… Ebidensiya vs Primewater matibay

TINIYAK ng Makabayan bloc na mayroon silang matitibay na ebidensiya at mga testigong handang humarap sa House of Representatives sa oras na gumulong ang imbestigasyon sa sinabing maanomalyang takeover ng Villar-owned Primewater Infrastucture Corporation sa ilang local water districts sa bansa. Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, ang mga resource person at mga testigong kanilang ihaharap ay kinabibilangan ng …

Read More »

Palace reporters, Defense, FOCAP kontra paninikil sa press freedom

media press killing

UMALMA ang Mala­cañang Press Corps sa anomang uri ng paraan na sisikil sa kalayaan sa pamahahayag. Ang pahayag ay ginawa ng MPC kasunod ng paghahain ng quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema laban sa ABS-CBN. “In light of the recent developments, par­ticularly to ABS-CBN’s franchise issue, the MPC deplores any attempt to curtail these freedoms, …

Read More »

ABS-CBN franchise ma-expired man… Operasyon ng Lopez TV network tuloy pa rin

ABS-CBN congress kamara

PINAWI ni Senador Christopher “Bong” Go ang pangamba ng mga empleyado ng ABS-CBN matapos sabihin na maa­ari pa rin mag-operate ang naturang television network kahit paso na ang prankisa nito. Ayon kay Go sa 5 May 2020, mapapaso ang prankisa ng ABS-CBN, 45 araw matapos ang expiration date sa 30 March 2020. Ipinaliwanag ni Go, sakaling hindi mai-renew ang prankisa …

Read More »

OWWA makikipag-usap sa Taiwanese employers

NAKATAKDANG ma­ki­pag-ugnayan ang Over­seas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga employer ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan na kabilang sa mga “stranded” dahil sa ipina­tutupad na travel ban ng pamahalaan kaugnay ng banta ng corona virus disease o COVID-19. Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac, tutulong ang Labor office na makipag-ugnayan sa mga employer ng Pinoy workers …

Read More »

Travel ban vs Taiwan iginiit ng Malacañang

IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang pasya na isama ang Taiwan sa mga bansang ipinatutupad ang temporary travel ban. “The temporary travel ban to and from Taiwan and the Philippines was the decision of the majority members of the Task Force. The health of the Filipino people is our outmost concern,” ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea. Nais aniya ng pama­halaan na …

Read More »