SINIMULAN na ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang payout ng enhanced community quarantine (ECQ) cash assistance mula sa pondo ng lungsod.
Nasa 3,407 Navoteño families ang nakatanggap ng P1,000 – P4,000 mula sa P32 milyong pondo ng lungsod na ibinalik bilang budget mula sa various offices.
“The P32-million will cover the ECQ ayuda of 10,233 families waitlisted in the Social Amelioration Program. We intend to finish the distribution of the cash aid before the May 15 deadline,” ani Mayor Toby Tiangco.
Ang Navotas ay nakatanggap ng P199,871,000 mula sa national government. Mula sa halagang ito, namahagi ang lungsod ng P181,234,000 sa 55,865 pamilya.
Ang mga benepisaryo na hindi nagawang i-claim ang kanilang cash aid ay bibigyan ng magkakahiwalay na iskedyul ng payout.
“The city government will also cover the ECQ ayuda of 2,690 persons with disability and 592 solo parents. The P3.2 million needed for this will be sourced from our Gender and Development Fund,” paliwanag ni Tiangco.
“Times are hard. Many families have members who have lost their jobs or livelihood. Our people can rest assured that our city government is doing its utmost to support them and provide their needs,” aniya. (ROMMEL SALES)
Check Also
70 plus Chinese nationals ipinatapon pabalik sa China
MAHIGIT 70 Chinese nationals mula sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs ang ipina-deport ng …
Sa Sarangani
1,000 PAMILYANG KAPOS INAYUDAHAN NG DSWD
NASA 1,000 pamilyang mahihirap na residente sa Alabel, Sarangani ang binigyan ng ayuda ng Department …
1,000 TODA members tumanggap ng relief packs at ayudang pinansiyal mula sa DSWD at kay Senator Lapid
NASA 1,000 tricycle drivers ang nabigyan ng family food packs mula sa Department of Social …
DAVAO SUR EX-MAYOR NAIS PAIMBESTIGAHAN NI SEN. TULFO SA DILG
1,200 Chinese nationals may Filipino birth certificates
PINAIIMBESTIGAHAN at pinasasampahan ni Senator Raffy Tulfo sa Department of the Interior and Local Government …
VP SARA PUWEDENG MA-IMPEACH — MAZA
Sagot ni Panelo: Basehan malabo
INAMIN ni dating Gabriela Party-list representative at co-chairperson ng Makabayan Coalition Liza Maza na pinag-aaralan …