Friday , June 20 2025

PH balik alyansa sa US (Sa kabila ng ‘pro-China best efforts’ ni Duterte)

ni Rose Novenario
 
SA KABILA ng walang patumanggang papuri ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China, hind niya maiiwasang bumalik ang Filipinas bilang masugid na kaalyado ng Amerika.
 
Inihayag ito ni Derek Grossman sa kanyang analysis na inilathala kamakalawa sa foreignpolicy.com, may titulong China Has Lost the Philippines Despite Duterte’s Best Efforts.
 
Si Grossman ay isang senior defense analyst sa RAND at dating daily intelligence briefer sa US Assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific security affairs.
 
Aniya, walang dapat sisihin ang Beijing kung nawala ang oportunidad na hilahin palabas ng US orbit ang Filipinas dahil sa agresibong asta ng China sa South China Sea ay naging imposible para kay Pangulong Duterte na igiit ang kanyang pro-China at anti-US agenda.
 
Ayon kay Grossman, ang destabilizing activities ng Beijing sa South China Sea ang nagtulak kay Pangulong Duterte upang payagan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., na maghain ng sunod-sunod na diplomatic protest sa China.
 
Bumigay rin aniya si Duterte sa panawagan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magmantina ng close ties sa US military sa pamamagitan ng combined training operations gaya ng Balikatan Exercises at muling patunayan ang kahalagahan ng alyansa.
 
Kaya sa kasagsagan aniya ng Whitsun Reef saga o ang pagtambay ng may 220 Chinese vessels sa isa sa mga isla sa Spratlys na pagmamay-ari ng Filipinas noong nakaraang buwan ay nagkaroon ng ‘close and regular contact’ si Lorenzana kina US Secretary of State Antony Blinken and US Defense Secretary Lloyd Austin.
 
Giit ni Grossman, ang lumalakas na pagpupumilit ng Beijing sa South China Sea ay naging sanhi upang mahirapan si Duterte na pahupain ang anti-Chinese sentiment ng mga Pinoy.
 
Nabigo rin aniya si Duterte na payapain ang pangamba ng pro-US na unipormadong sektor na nakikita ang China bilang pangunahing banta sa seguridad ng Filipinas.
 
Habang sa aspektong politikal ay galit aniya ang mga senador sa pagkabahag ng buntot ni Duterte sa China at ang hayagan niyang pagbalewala sa traditional alliance sa Amerika.
 
Dahil nahihirapan umano si Duterte upang magmaniobra, lalong nawalan ng kredibilidad ang kanyang mga patakarang pro-China bunsod ng agresibong pagkilos sa South China Sea.
 
Ani Grossman, malaki ang tsansa na mula ngayon hanggang sa inagurasyon ng kapalit ni Duterte sa Malacañang ay magpapatupad siya ng medyo matigas na posiyon laban sa China kahit tawagin pa rin niyang ‘good friend’ at iwasang magpatupad ng bagong pro-China programs gaya ng joint oil and gas exploration kasama ang Beijing.
 
“To be sure, Duterte’s own instincts, high approval ratings, and lame-duck status probably mean he won’t plan a wholesale embrace of the United States. On the contrary, he is very unlikely to stop criticizing the United States because he remains, at his core, anti-U.S. That said, China has left Duterte little choice but to keep inching closer to Washington. To that end, it is likely the United States and the Philippines will reach an agreement on the new VFA soon. Atmospherics aside, Duterte is becoming less of a headache for Washington and more of one for Beijing—and that is a good thing for US strategy in the Indo-Pacific,” sabi ni Grossman. (ROSE NOVENARIO)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

10 MENOR DE EDAD NASAGIP SA TARLAC MAG-ATENG ‘BUGAW NASAKOTE Retrato video ibinubugaw online

Retrato, video ibinubugaw online
10 MENOR DE EDAD NASAGIP SA TARLAC; MAG-ATENG ‘BUGAW’ NASAKOTE

SAMPUNG menor de edad na ang mga retrato at video clips ay ibinubugaw sa internet …

Erwin Tulfo DRT Bulacan FEAT

Incoming Senator Erwin Tulfo nag-inspeksiyon sa DRT, Bulacan

NAG-INSPEKSIYON nitong nakaraang 9 Hunyo si incoming Senator Erwin Tulfo sa isang lugar sa Doña …

Gun poinnt

Sa Araw ng mga Ama
HOUSE COMMITTEE DIRECTOR ITINUMBA SA B-DAY NG ANAK

ni ALMAR DANGUILAN HINDI nakaligtas sa kamatayan ang Director ng House ways and means committee …

BARMM Rice Bigas

P680-M biniling bigas ng BARMM pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ng ilang mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang sinabing pagbili …

Container van nahulog sa trailer truck Taxi napipi Abad Santos Ave

Tumama sa ilalim ng footbridge
Container van nahulog sa trailer truck taxi nadaganan
Tumaas na aspalto sinisi

MATINDING pinsala ang inabot ng isang taxi matapos madaganan ng container van na nahulog mula …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *