Sunday , April 20 2025

Suspek sa pinaslang na Japanese treasure hunter timbog sa Nueva Ecija

ITINURO ng mga saksi ang nadakip na suspek sa pagpatay sa isang treasure hunter na Japanese national, ng mga kagawad ng Cuyapo Municipal Police Station nitong nakaraang Miyer­koles, 5 Mayo, sa ikinasang follow-up operation sa Brgy. Baloy, bayan ng Cuyapo, lalawigan ng Nueva Ecija.

Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon, batay sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, ang suspek na si Villamar Ronquillo, alyas Amar, 40 anyos, binata, kasama ng biktima sa iisang bahay, sa Brgy. Columbitin, sa nabanggit na bayan.

Gayondin, kinilala ang biktima na si Norio Kurumatsuka, 82 anyos, Japanese national, isang treasure hunter, nanu­nuluyan sa bahay ng kapatid na babae ng suspek, sa nabanggit na lugar.

Ayon kay P/Lt. Silvestre Colanza, deputy chief of police at team leader ng Task Force Tugis na agad nagres­ponde nang maiulat sa kanilang himpilan noong 4 Mayo ang insidente, nadat­nang nakabulagta at wala nang buhay na biktima, may mga sugat at pasa sa ulo at kamay sa isang bakanteng lote malapit sa tinutuluyan niyang bahay sa lugar.

Base sa mga nakalap na mga impormasyon at testimonya ng mga saksi, agad sinalakay ng mga awtoridad ang hideout na pinagtataguan ng suspek sa Brgy. Baloy, hindi kalayuan sa pinang­yarihan ng insidente na nagresulta sa kanyang pagkadakip.

Batay sa imbesti­gasyon, hindi mag­kasundo ang suspek at ang biktima bagaman magkasama sa iisang bubong, at palagi umanong nag-aaway hanggang magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaslang ng suspek sa matandang Hapones.

Isinailalim sa awtop­siya ang bangkay ni Kurumatsuka upang malaman ang tunay na sanhi ng kanyang pag­kamatay.

Samantala, nahaha­rap sa kasong murder ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng PNP Cuyapo.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *