MULING naglabas ng advisory sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) kahapon kaugnay sa pagbabawal na maibenta ang silver jewelry cleaning solution dahil nagagamit ito sa pagpapatiwakal.
Base sa FDA Advisory No.2021-0879 “Ban of Silver Jewelry Cleaners Containing Cyanide” muling ipinaalala sa publiko ang Joint Advisory No. 2010-0001 ng Department of Health (DOH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay ng mahigpit na pagbababwal sa pagbebenta ng silver jewelry cleaning solution na may sangkap na cyanide.
Ito’y matapos makompirma sa isinagawang postmarketing surveillance activities at laboratory testing ng FDA-Common Services Laboratory (CSL), nitong Abril 2021, patuloy ang pagbebenta ng nasabing produkto.
Unang naglabas ng FDA Advisory No. 2016-088 ang FDA kasunod ng mga kaso ng pagkalason.
Nakapagdokumento ng mga kaso ng pagkalason sa silver cleaning solution ang National Poison and Management Control ng University of the Philippines – Philippine General Hospital (NPMCC, UP-PGH) hanggang taon 2020.
Para hindi na makapagbigay ng panganib ang lahat ng silver cleaner solutions, muling nagpaalala ang FDA na ang cyanide na taglay nito ay mapanganib na malanghap, makain, at makapasok sa balat, aksidente man o sinadya, kaya muling tinanggal sa merkado ang nasabing produkto.
Kapag maapektohan ay makararanas ng pagkahilo, sakit ng ulo, pagduduwal, pagsusuka, mabilis na paghinga, mabilis na tibok ng puso, panghihina at pagkapagod na maaring mauwi sa pagkawala ng malay, respiratory failure at posibilidad na pagkamatay. (JAJA GARCIA)
Check Also
Alice Guo feeling artista
Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …
Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya
ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …
SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official
ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …
Talamak na mga tulak sa Nueva Ecija at Bulacan swak sa buybust serye
SA PATULOY na pagsisikap ng PRO3 PNP na puksain ang mga gawaing sangkot ang ilegal …
70 plus Chinese nationals ipinatapon pabalik sa China
MAHIGIT 70 Chinese nationals mula sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs ang ipina-deport ng …