WALANG kinalaman ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “shoot them dead” laban sa mga pasaway sa ipinatutupad na Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) sa pagpatay ng pulis sa isang mentally challenged na retiradong sundalo sa Quezon City kamakalawa. Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa mga pagbatikos sa pagbaril ng pulis sa biktima na pagsunod lamang umano …
Read More »Harry in, Karlo out sa Covid-19 press briefing (Turf war: Roque vs Nograles)
HINDI na magsasalita si Cabinet Secretary Karlo Nograles para sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. “Yes, nagkaroon na ng pag-utos ang ating Executive Secretary (Salvador Medialdea) that information sharing will now be centralized through the Office of the Presidential Spokesperson,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ginanap na virtual press briefing kahapon. Batay aniya …
Read More »P35-M renta ng gobyerno sa barkong 2GO ni Dennis Uy (Bilang quarantine facility)
TULOY-TULOY ang suwerte ni presidential crony Dennis Uy dahil nagbabayad ang gobyerno ng P35 milyon sa kanyang logistics company na 2GO Group Inc., para magamit ang dalawang barko na pagmamay-ari nito bilang quarantine facility ng mga taong pinaghihinalaang positibo sa coronavirus disease (COVID-19). “Nirerentahan po ito ng gobyerno, ‘yung dalawa mga P35 million ho. Mura naman ‘yan at nagamit if …
Read More »Total lockdown sa Sampaloc simula na sa Huwebes
INIHAYAG ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, magsisimula na ang total lockdown o hard lockdown sa Sampaloc, Maynila mula 8:00 pm ng Huwebes, 23 Abril hanggang 8:00 pm ng Sabado, 25 Abril. Base sa Executive Order, sinabi ng alkalde, layunin ng total lockdown na bigyang daan ang disease surveilance, verification, testing operations, at rapid test assessment. Tanging Authorized Persons Outside …
Read More »Pagkakaisa kontra COVID-19 isulong (Pamomolitika iwaksi) — Bong Go
BINIGYANG-LINAW ni Senator Christopher “Bong” Go, patunay ang pagkakaisa at kawalan ng kulay politika sa paghahanap ng solusyon sa COVID-19, ang pag-imbita ng administrasyon sa limang dating Health secretaries ng mga nagdaang administrasyon. Sinabi ni Go, sa sitwasyon ng bansa ngayon na nahaharap sa pandemic, dapat nang isantabi ang politika dahil kailangan ng matinding pagtutulungan at pagkakaisa. Paliwanag …
Read More »Test kits tinitipid ng DOH – Garin
BINATIKOS ni dating Health secretary at ngayo’y Rep. Janette Loreto-Garin ang Department of Health sa pagkaantala ng malawakang testing sa mga hinihinalang may COVID-19 na dapat umpisahan noong 14 Abril 2020. Ayon kay Garin, noong 14 Abril pa dapat nagsagawa ng mass testing pero hindi ito nangyari. “Tinitipid ba ng DOH ang pamimigay ng testing kits?” tanong ni Garin. …
Read More »P10-M pabuya para sa Pinoy na makatutuklas ng bakuna vs COVID-19
BIBIGYAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P10 milyong pabuya ang sinomang Filipino na makatutuklas ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19). Inianunsyo ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon sa virtual press briefing sa Palasyo. “Sisimulan ko po sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo sa ilang mga punto na nais iparating sa inyo ng Pangulo. Unang-una dahil Public Enemy Number 1 …
Read More »ECQ bago tanggalin… Balanseng desisyon sa buhay at kabuhayan ng Pinoys target ni Duterte
TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go, kapakanan at kalusugan ng mga Filipino ang una sa konsiderasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ilalabas nitong desisyon sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Go, binabalanse ni Pangulong Duterte ang sitwasyon tulad ng buhay ng tao, pangkabuhayan para may makain ang mga mamamayan at ang kapakanan ng frontliners. Kaugnay nito, …
Read More »Sa pulong ng Pangulo, IATF-MEID at sa ilang health experts… Desisyon sa ECQ ‘di pa sigurado
WALA pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung tutuldukan o palalawigin ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) na nakatakdang matapos sa Abril 30. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaaring ihayag ng Pangulo ang kanyang pasya bago ang katapusan ng buwan. “Wala pong desisyon at hindi po nagsalita ang Presidente. Ang sabi nga po ng Presidente e ang kaniyang desisyon …
Read More »Inaning gulay, isda ipinamahagi ng PNP PRO3 (Swamp sa loob ng Kampo ginawang fish pond)
IPINAMAHAGI ng Philippine National Police – PRO3 sa kanilang mga kagawad ang mga sariwang gulay at mga bagong hangong isdang tilapia mula sa kanilang sariling fishpond kamakalawa, 19 Abril. Sinabi ni PRO3 Director P/BGen. Rhodel Sermonia, sinimulan nilang i-develop bilang fishpond noong Pebrero 2020 ang isang ektaryang lupain pero dating swamp sa loob ng kampo na 30 taon nang nakatiwangwang …
Read More »Mag-ingat sa fake news ng ‘poli-virus’ — Yorme Isko
NAGBABALA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa publiko na maging maingat sa ‘poli-virus’ o political virus na kasabay na nanalasa ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa. Ang tinatawag na ‘poli-virus’ ay may taglay umanong katangian ng isang makasariling politiko na nagsasamantala sa situwasyon para makapagpakalat ng fake news o maling impormasyon na layong makapanira ng kalaban …
Read More »Lalabag sa ECQ puwedeng iposas sa Baguio (Recovery ng COVID-19 patients ‘di dapat maantala)
INATASAN ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Baguio ang pulisya na maaaring posasan ang mga lalabag sa natitirang dalawang linggong extended Luzon-wide enhanced community quarantine. Inilabas ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang kautusan kahapon, 19 Abril, isang araw matapos mahuli sa kahabaan ng Marcos Highway ang tatlong residente ng lungsod na nagtangkang lumabas nang walang travel pass. …
Read More »Pope Francis kontra kay Sec. Dominguez — Imee (Santo Papa gusto rin ng debt moratoruim)
KABILANG si Pope Francis sa nananawagang ipagpaliban muna ng Filipinas ang pagbabayad sa mga pagkakautang nito bunsod ng kinakaharap na malaking problema na nararanasan ng taongbayan dahil sa COVID-19. Ayon kay Marcos, hindi lamang ang Simbahang Katolika na pinamumunuan ni Pope Francis ang pabor sa debt moratorium kundi pati na rin ang mga mayayamang bansa at malalaking institusyon sa …
Read More »‘New normal’ susubukan — IATF-MEID (Kapag sumablay, ECQ agad)
ANOMANG oras ay ibabalik ang implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) kapag nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na ito sa Abril 30. Sinabi ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) spokesperson Karlo Nograles, ibabase ng Pangulo ang desisyon sa kapalaran ng ECQ sa paglobo ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) …
Read More »Duque resign panawagan ng 15 senador
PINAGBIBITIW ng 15 senador si Health Secretary Francisco Duque III. Opisyal ang panawagan ng 15 senador matapos tanggapin ng Senate Legislative Bills and Index Service ang resolusyon para tuluyang pagbitiwin si Secretary Duque ng Department of Health (DOH). Sa harap ito ng matinding krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa COVID-19. Isinulong ang panukala ni Sen. Panfilo Lacson, habang nakalagda …
Read More »Martial law ‘di kailangan… ‘New normal’ scenario sisilipin ng IATF-EID
HINDI kailangan magdeklara ng batas militar si Pangulong Rodrigo Duterte para mahigpit na ipatupad ang Luzon-wide enhanced community quarantine dulot ng coronavirus disease (COVID-19). Ayon kay Cabinet Secretary at IATF Spokesperson Karlo Nograles, nakasaad sa Saligang Batas na maaari lamang ideklara ang martial law kapag may umiiral na rebelyon at pananakop kaya’t hindi ito pinag-uusapan sa mga pulong ng task …
Read More »Koryente mula sa electric coops libre sa Marso, Abril
SAPAT ang supply ng koryente, tubig at pagkain sa panahong umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic. Tiniyak ito ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease spokesperson Karlo Nograles sa virtual press briefing kahapon. Aniya, batay sa ulat ng Department of Energy ay may 11,795 MW kapasidad …
Read More »Bakuna vs COVID-19 sagot para sa ‘new normal’
TATANGGALIN ang umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine kapag may mabibili nang gamot o bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. May dalawang pharmaceutical companies ang aniya’y gumagawa ng lunas sa COVID-19 at posibleng ipagbili na ito sa susunod na buwan. “I cannot mention the pharmaceutical giants. But one of them has developed an …
Read More »Mayor na ‘pasaway’ vs ECQ ipaaaresto
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng “second wave” ng mga kaso ng COVID-19 kapag hindi naipatutupad ang social distancing alinsunod sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at ibang bahagi ng bansa. “Itong epidemic or pandemic, hindi ito natapos na sabihin mo ‘yung nasa ospital, ‘yung ginagamot ngayon, ‘yun ‘yung first wave. May second wave …
Read More »PH lalahok sa pag-aaral at pagsubok vs COVID-19
LALAHOK ang Filipinas sa mga pag-aaral at pagsubok sa mga potensiyal na lunas sa coronavirus (COVID-19) disease. Tiniyak ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa ASEAN Plus Three Virtual Summit on COVID-19 kahapon. Iginiit ng Pangulo ang pangangailangan sa scientific cooperation upang makatuklas ng bakuna laban sa COVID-19. “We are confident our scientists and experts …
Read More »75 referral hospitals bukas na (Para sa COVID-19 patients)
TINIYAK ng Department of Health (DOH) na bukas na ang 75 designated referral hospitals para sa mga pasyenteng tinamaan ng sakit na COVID-19. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga ospital ay may kakayahang tumanggap ng 3,194 pasyente sa kabuuan. Mayroon na umanong temporary treatment and monitoring facilities na may 4,413 bed capacity. “Kasabay ng …
Read More »Para sa clinical trial… Bakuna vs COVID-19 aprobado sa China
APROBADO na sa China ang pagsasagawa ng clinical trial sa dalawang bakuna laban sa COVID-19. Ang bakuna ay nilikha ng China National Pharmaceutical Group at ng Beijing-based na Sinovac Research and Development Company. Sa datos ng World Health Organization (WHO) sa iba’t ibang mga bansa ay 70 bakunang nililikha bilang panlaban sa virus. Tatlo rito ang naisailalim na sa human …
Read More »Para sa PLGUs… Hiling ni Sen. Bong Go tinugunan ng Palasyo
TUMUGON ang ehekutibo ang rekomendasyon ni Senator Christopher “Bong” Go na pagkalooban ng one-time “Bayanihan” financial assistance ang provincial local government units (PLGUs), katumbas ng kalahati ng kanilang one-month Internal Revenue Allotment (IRA). Ang pormal na anunsiyo at detalye sa naturang ayuda ay ilalabas sa mga susunod na araw. “Tama lang na tulungan natin ang mga probinsiya kahit …
Read More »Ayuda sa middle class ikinatuwa ng senado
IKINATUWA ng senado ang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbibigay ng ayuda sa middle class earners at lalo sa small wage earners. Ayon kina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador Joel Villanueva magandang balita at hakbangin ito para sa pamahalaan. Iginiit nina Sotto at Villanueva, patunay lamang ito na mas mahalaga sa Pangulo ang buhay …
Read More »Medical grads pinayagan tumulong sa frontliners (Kahit wala pang lisensiya)
PINURI ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang desisyon ng Inter Agency Task Force ( IATF) nang payagang lumahok ang mga nagtapos na doktor at nurse at iba pang nasa allied medical courses kahit wala pa silang mga lisensiya. Ayon kay Tolentino, malaking tulong ito sa sitwasyon ngayon na tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19. Magugunitang naunang naghain ng …
Read More »