
‘Jueteng’ operation sinalakay, 7 timbog (Sa Cauayan City, Isabela)
ARESTADO ang pito katao nitong Martes, 15 Hunyo, sa ikinasang anti-illegal gambling operation sa lungsod ng Cauayan, lalawigan ng Isabela.
Pinaniniwalaang sangkot ang mga nadakip na suspek sa ilegal na sugal na jueteng sa Brgy. Minante Uno, sa nabanggit na lungsod.
Kinilala ni P/Maj. Joel Cabauatan, officer-in-charge ng Criminal Investigation and Detection Group – Isabela (CIDG-Isabela), ang mga suspek na sina Paul Viernes, Volter Landicho, Michael Valle, Felicito Aguda, Mark Geron De Guzman, Raniel De Guia, at John Jefferson Corpuz, pawang mga residente sa naturang lugar, at hinihinalang mga miyembro ng Tiaong Jueteng Group mula sa lalawigan ng Quezon.
Nasamsam mula sa mga suspek ang P52,400 cash at iba’t ibang jueteng paraphernalia.
Kakasuhan ang mga nasakoteng suspek ng paglabag sa anti-illegal gambling law.