MAHINA ang anti-fraud mechanisms ng PhilHealth kayat nagpapatuloy ang katiwalian. Ito ang paniniwala ni Sen. Sonny Angara kaya’t aniya dapat ay gayahin ng PhilHealth ang GSIS at SSS na may sistema sa pag-validate ng status ng kanilang mga miyembro. Sinabi ito ng senado dahil sa reklamo ng isang miyembro ng PhilHealth na nadiskubreng limang taon na siyang patay …
Read More »PCC kinastigo ni Villar
PINAMUNUAN ni Senador Cynthia Villar ang pagdinig sa Senado hinggil sa estado ng dairy industry sa bansa at ang hindi pagpapatupad ng P450 milyong dairy project para mapaigting ang dairy production at mabigyan ng kabuhayan ang dairy farmers sa bansa. Inihain ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food, ang Senate Resolution No. 504 na magsisiyasat sa kalagayan …
Read More »Diskuwento sa remittance fees aprobado sa Kamara
INAPROBAHAN na ng House Committee on Ways and Means ang panukalang magbibigay ng 50% diskuwento sa remittance fees ng overseas Filipino workers (OFWs). Sa pagdinig kahapon sa pamamagitan ng teleconferencing ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda, inaprobahan ang House Bill 826 na iniakda ni Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales. Nakasaad …
Read More »2 lalaki huli sa 115 pirasong ecstasy
INARESTO ang dalawang lalaki makaraang makompiskahan ng 115 pirasong party drugs na ectasy sa buy bust operation na isinagawa ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) kamakalawa ng gabi sa lungsod. Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Ronnie Montejo ang mga nadakip na sina Tristan Jay Howard at Marcelino Avenido III. Ayon kay Talipapa …
Read More »Rape-convict Calauan, Laguna Ex-Mayor Sanchez isinugod sa ospital
ISINUGOD ang dating mayor ng Calauan, Laguna na si Antonino Sanchez sa Ospital ng Muntinlupa dahil sa karamdaman. Sa ulat, sinabing dakong 10:00 pm nang ibalik si Sanchez sa NBP dahil wala umanong bakanteng kuwarto ang naturang hospital. Patuloy na inoobersabahan ang kondisyon ni Sanchez sa NBP hospital. Ayon kay BuCor Director General Gerald Bantag, isinugod si …
Read More »Pinoy sa Australia nagpasaklolo sa PH (Sa kustodiya ng 2 anak)
ISANG Pinoy na nakabase sa Australia ang humingi ng tulong kina Pangulong Rodrigo Duterte at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin, Jr., matapos ireklamong ‘dinukot’ ng social workers ng Department of Children Services (DoCS) at personnel ng Family Community Services and Justice (FCSaJ) ang dalawang menor de edad niyang mga anak. Sa reklamo ni Inocencio “Coy” Garcia, …
Read More »Selosong kelot patay sa saksak
TODAS ang isang selosong 20-anyos lalaki nang saksakin ng sinakal niyang pinagseselosang katrabaho ng girlfriend sa Valenzuela City. Dead on arrival sa Valenzuela Medical Center (VMC) ang biktimang si Jerome Vicente, residente sa Sauyo, Quezon City dahil sa dalawang saksak sa katawan. Agad naaresto ang suspek na si Joseph Llona, Jr., 18 anyos, residente sa NPC Sukaban, Caloocan …
Read More »Malakas mumamam tinarakan ng katagay
MALUBHANG nasugatan ang isang helper na sinabing malakas tumagay matapos tarakan ng ice pick sa dibdib at sa likod ng kanyang kainuman sa Malabon City, kahapon ng umaga. Patuloy na ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Ronie Ocampo, 25 anyos, residente sa #143 Blk. 5 Bagong Silang, San Jose, Navotas City sanhi ng mga saksak sa …
Read More »Traffic Enforcer ng Maynila, 2 pa huli sa P.8-M shabu
ARESTADO ang tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) employee na nakompiskahan ng mahigit sa P.8 milyong halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ronaldo Ylagan, dakong 3:30 pm nang isagawa ng mga operatiba ng District …
Read More »Higit P1.7 shabu nasabat sa Maynila
DALAWA katao ang inaresto nang mahulihan ng tinatayang P1.7 milyong halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Sta. Cruz, Maynila. Kinilala ang mga suspek na sina Nhedz Dalingding, lalaki, 52, taga-Sultan Kudarat at kasalukuyang nakatira sa Oroquieta St., Sta. Cruz Maynila; at Teresita Honorica, 39, residente sa J. Fajardo Ext. Sampaloc, Manila. Sa report, naganap ang buy bust …
Read More »Hotline 911 sa local call centers muna — DILG
INILIPAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local centers ang mga tawag sa Emergency Hotline 911 matapos magpositibo sa CoVid-19 ang dalawang call agent . Ayon kay DILG Spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya, lahat ng kanilang Emergency Telecommunicators (ETC), pati ang 10 CoVid Hotline agent ng Department of Health (DOH), na nakatoka sa E911, ay naka-home …
Read More »‘Holdap me’ Dalaga sarili sinaksak, pera ng amo tinangay
SINAKSAK ng 26-anyos dalaga ang kanyang sarili para palabasing naging biktima ng holdap ng dalawang lalaki sa Sta. Ana, Maynila. Kinilala ang sugatang suspek na si Liliana Magalona, 26 anyos, kusinera, at naninirahan sa 2156 Road 5 Fabie Estate, Sta. Ana. Sa ulat, isinugod ni Ariel Cahatol, 34, sidecar boy, si Magalona sa Sta. Ana Hospital para malapatan ng kaukulang …
Read More »Batang paslit ginahasa, pinatay (Sa Caloocan City)
GINAHASA na pinatay pa ang isang 4-anyos batang babae sa Caloocan City, kahapon ng umaga. Tinabunan ang katawan ng biktima ng mga dahon sa likod ng bahay nito nang matagpuan ng mga kinauukulan. Suspek sa krimen ang 17-anyos kapitbahay na siya umanong nakitang huling kasama ng biktima. Ayon sa ina ng biktima, naglalaro lang sa labas ng bahay ang bata …
Read More »Aeta pinakain ng ebak ng militar (Iniimbestigahan ng CHR)
INIIMBESTIGAHAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga alegasyon na minaltrato ng ilang sundalo ang mga miyembro ng komunidad ng Aeta at pinakain ng dumi ng tao. Inihayag ng CHR ang pagkabahala sa isang kalatas kahapon. Iniulat ng grupong Umahon para sa Repormang Agraryo sa CHR kamakalawa na ilang kagawad ng 7th Infantry Division ng Philippine Army sa San …
Read More »System loss cap nasusunod ng DUs — ERC
INILINAW kahapon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na nasusunod ng Distribution Utilities (DUs) ang itinakda nilang system loss cap, ito ay sa harap ng akusasyon ng dating Distribution Utility na Panay Electric Company (PECO) sa More Electric and Power Corporation (More Power) na mas mataas ang systems loss na sinisingil ng huli sa kanilang customers. Ayon kay ERC Chairman Agnes …
Read More »9 tulak, 3 sugarol, 3 wanted nalambat sa Bulacan police ops
SUNOD-SUNOD na nadakip ang 15 katao na pawang lumabag sa batas sa magkakahiwalay na police operations sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 1 Setyembre. Unang iniulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan Police Provincial Office, ang pagkaaresto sa siyam na drug suspects sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pandi …
Read More »4 golden ladies timbog sa droga (Sa Marikina City)
ARESTADO sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marikina city police ang apat na matandang babae sa ilegal na droga kabilang ang dalawang huli sa aktong sumisinghot ng shabu, nitong Lunes ng gabi, 31 Agosto, sa lungsod ng Marikina. Kinilala ni P/Capt. Fernildo de Castro, hepe ng SDEU, ang mga nadakip na sina Emma de Leon, …
Read More »Bulacan textile firm bubusisiin (Tax credit certificates kuwestiyonable)
IIMBESTIGAHAN ang isang textile company na nakabase sa lalawigan ng Bulacan dahil sa iregularidad kaugnay ng tax credit certificates (TCC) na nag-udyok sa Department of Finance (DOF) na iurong ang P57-milyong grant at P262-milyong tax credit refund nito. Ayon sa DOF, kasalukuyang tinitingnan ng Commission on Audit (COA) ang TCCs na inisyu sa Indo Phil Group of Companies ng …
Read More »Pulis-CIDG niratrat sa bilyaran (Sa Rodriguez, Rizal)
PATAY ang 46-anyos tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa rami ng tama ng bala ng baril mula sa apat na gunman, kamakalawa ng gabi, 31 Agosto, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), sa lalawigan ng Rizal. Sa ulat na tinanggap ni P/Lt. Col. Rexpher Gaoiran, hepe ng Montalban police, kinilala ang napatay na si P/SSgt. Renato Grecia, …
Read More »Mindoro Governor tinangkang patayin sa loob ng opisina (Suspek arestado)
ISANG lalaki ang nasakote nang tangkaing saksakin si Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano gamit ang tatlong kutsilyo, sa loob ng kaniyang tanggapan sa Kapitolyo, sa bayan ng Mamburao, nitong Martes ng umaga, 1 Setyembre. Kinilala ni Gadiano ang suspek na si Adriane Gatdula, residente ng lalawigan, bagaman nagtataka ang gobernador sa motibo ng pagtatangka sa kaniyang buhay. Kasalukuyan nang nasa …
Read More »AFP nagbigay pugay sa “Unknown Heroes”
NAGBIGAY ng full military honor at 21-gun salute ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Army (PA), at Philippine Navy (PN) sa mga yumaong sundalo. Dumating si AFP Chief of Staff. Lt. General Gilbert Gapay sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City. Bandang 8:00 am, pinangunahan ni General Gapay bilang kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang …
Read More »Auto-electrician todas sa patalim ng matansero
PATAY ang isang 58-anyos auto-electrician makaraang pagtutusukin ng patalim ng isang matansero sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Ospital ng Malabon (OsMa) ang biktimang kinilalang si Wilfredo Lasin, residente sa Javier ll, Barangay Baritan sanhi ng maraming tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Agad naaresto ang suspek sa bahay nito habang …
Read More »CoVid-19 sa Navotas halos napapatag na
IDINEKLARANG pababa na ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (CoVid-19) sa Navotas City, idineklara ni Mayor Toby Tiangco sa isang post sa Facebook. “Bumababa na po ang bilang ng mga nagpositibo sa ating lungsod. Sa ngayon, 14 ang bagong kompirmadong kaso at 50 ang gumaling,” paliwanag ni Tiangco sa kanyang paskil sa Facebook. “Gayonman, hindi tayo dapat …
Read More »Bebot lasog sa hit and run
PATAY ang isang babae nang masagasaan ng taxi habang naglalakad sa kahabaan ng Osmeña Highway sa kanto ng Zobel Roxas St., northbound, San Andres Bukid, Maynila nitong Lunes ng umaga. Inilarawan ang biktima na nasa edad 50 hanggang 60, may kulay ang buhok, nakasuot ng printed shorts, t-shirt na may stripe na kulay pula at puti at may kulay …
Read More »Ngipin ng Anti-Terrorism Law gamitin laban sa jolo bombing
HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go ang lahat ng concerned agencies na gamitin ang ngipin ng Anti-Terrorism Law para labanan ang terorismo lalo sa Jolo, Sulu na kamakailan ay biktima ng magkasunod na pagsabog. Sinabi ni Go, kailangang maipatupad nang maayos ang bagong batas upang matigil na ang terorismo at ang ugat nito. Ayon kay Go, dapat mabigyan …
Read More »