Thursday , December 9 2021
Gun Spikes Tactical Apopka FL USA

Chinese national, Pinoy arestado sa gun-running

NATIMBOG ng mga awtoridad ang isang Chinese national at kasabwat nitong Pinoy sa pagbebenta ng matataas na kalibre ng baril bukod pa sa nakuhang ilegal na droga sa Makati City nitong Sabado, 23 Oktubre.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, BGen. Jimili Macaraeg ang mga nahuling suspek na sina Huang Sia, alyas Jason Lee, 30 anyos, isang Chinese national; at Raffy Ballera, alyas Ivan, 29 anyos.

Sa report ng SPD, nagkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ng DSOU NPD at Pobla­cion Police Substation ng Makati City Police sa isang inaarki­lang parking area sa San Agustin St., Salcedo Village, Barangay Bel-Air, sa nasabing lungsod, dakong 4:10 pm nitong Sabado.

Nakabili ng baril ang police poseur buyer sa dalawang suspek na nagresulta ng kanilang agarang pagkakaaresto matapos tanggapin ang buy bust money.

Nakuhaan ang mga suspek ng apat na high powered firearms, may markang Spikes Tactical  Apopka FL USA  na nagkakahalaga ng P100,000; marked money; isang cigarette case na naglalaman ng isang gramong hinihi­nalaang cocaine, may street value na 5,000; at tatlong gramo ng pinasu­suspetsahang shabu, may halagang P20,400.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002  laban sa dalawang suspek.

“Binabati ko ang matagumpay na ope­rayon ng pinagsanib na puwersa ng NPD DSOU at ng Makati Police. Sa pagtutulungan ng iba’t ibang unit ng pulisya, dahil ang paghuli sa mga gumagawa ng ilegal ay mas lalong napaiigting,” ani Macaraeg.

(GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Las Piñas Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program

Para sa food security
LAS PIÑAS CITY PUMIRMA NG MOA SA DA

NILAGDAAN ng Las Piñas city government at ng Department of Agriculture (DA) ang isang memorandum …

Rida Robes

Pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos unahin bago face-to-face classes – Robes

UMAPELA si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa Inter-Agency Task …

Comelec

Ex-CJ sa Comelec
DQS VS BBM RESOLBAHIN

HINIMOK ni retired chief justice Artemio Panganiban ang Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division na …

SMC Isla Pulo San Miguel DENR

SMC tumutulong sa natitirang Metro old growth mangrove forest para protektahan

DADAGDAGAN ng San Miguel Corporation ang volunteers mula sa kanilang hanay para tulungan ang Department …

Sunshine Cruz

Sunshine ‘di tumatanda — Wala kasi akong problema

HATAWANni Ed de Leon HINDI na yata tumatanda si Sunshine Cruz? Aba kung titingnan mo ang kanyang picture …