Saturday , January 11 2025

News

U-Turn sa EDSA, Corregidor St. isasara sa 16 Okt

SIMULA sa 26 Oktubre, sarado sa trapiko ang U-turn slot sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) malapit sa Corregidor Street (northbound at southbound), sa Quezon City. Sa inalabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nakatakdang isara ang naturang U-turn slot sa EDSA dakong 12:01 am sa nabanggit na petsa, araw ng Lunes. Payo ng MMDA …

Read More »

10,000 residente sa Maguindanao nawalan ng tahanan (Dahil sa matinding pagbaha)

flood baha

UMABOT sa 10,000 residente ang nawalan ng tahanan sa bayan ng Pagalungan, sa lalawigan ng Maguindanao, dahil sa matinding bahang hatid ng buntot ng bagyong Pepito at hanging habagat, noong Martes, 20 Oktubre. Kasalukuyang nananatili ang mga apektadong residente sa mga itinayong pansamantalang shelter sa kahabaan ng national highway. Matatagpuan ang Pagalungan sa tabi ng Liguasan Marsh, isang malawak na …

Read More »

2 pump boat lumubog 4 nawawala, 11 nailigtas (Sa Tawi-tawi)

PINAIGTING ng magkasanib puwersa ng pulisya at Coast Guard ang search and rescue operations upang mahanap ang apat na pasahero ng isang motorized pump boat na tumaob sa tubigan ng bayan ng Simunul, lalawigan ng Tawi-Tawi, noong Lunes, 19 Oktubre. Ayon kay P/BGen. Samuel Rodriguez, direktor ng Bangsamoro Auto­nomous Region regional police, nauna na nilang nailigtas sa rescue operation ang …

Read More »

2 trigger-happy natiyope sa pulis (Sa Norzagaray)

arrest posas

HINDI umubra ang tapang ng dalawang lalaking nagsisiga-sigaan sa kanilang barangay nang arestohin ng pulisya dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 20 Oktubre. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang dalawang suspek na sina Rogaciano Cruz at Anacleto Legaspi na …

Read More »

Sa Palawan… Lalaki sinakmal ng buwaya

SUGATAN ang isang lalaki matapos sakmalin ng buwaya, sa bayan ng Balabac, lalawigan ng Palawan, nitong Miyerkoles, 21 Oktubre. Kinilala ang biktima na si Jomarie “Awal” Diaz, 26 anyos, dinala sa Balabac Rural Health Unit dakong 10:00 am kahapon upang malapatan ng paunang lunas dahil sa mga sugat sa kaliwang hita at kamay. Base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP …

Read More »

Pabuya vs Hernando murder suspects (P.3-M kada ulo)

bagman money

MAGBIBIGAY ng P300,000 pabuya kada ulo ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela at pulisya sa mga makapagtuturo sa dalawang natukoy na suspek sa pagpatay sa rider na si Niño Luigi Hernando noong 9 Oktubre. Ayon kay Valenzuela Police chief Col. Fernando Ortega, ipinag-utos niya sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa mga suspek na kinilalang sina Rico Reyes, alyas Moja,  at …

Read More »

Mahihirap prayoridad sa bakuna vs CoVid

IPINAALALA ni Senate committee on health chairman Senator Christo­pher “Bong” Go na dapat unahin ang mahihirap at vulnerable sectors kapag nariyan na ang bakuna. Kasunod ito ng paglalatag ng Department of Health (DOH) ng timeline para sa vaccine trial para sa COVID-19. Ipinaliwanag ni Go, tulad ng sinabi ni Pangu­long Rodrigo Duterte, kailangang mauna ang mahihirap dahil sila ang mga …

Read More »

Parañaque patuloy sa pagbaba ng aktibong kaso

Parañaque

TULOY-TULOY na ang pagbaba ng aktibong kaso ng coronavirus disease o CoVid-19 sa lungsod ng Parañaque base sa mga researcher mula sa University of the Philippines (UP) na sumusubaybay sa pandemya. Kamakalawa naitala ng OCTA Research Team mula sa Paranaque ang 199 active cases katumbas tatlong porsiyento. Hindi rin kasali ang Parañaque sa mga tinukoy na high-risk areas sa CoVid-19 …

Read More »

‘Pastillas’ money ginamit sa eleksiyon (Ayon sa whistleblower)

ISINIWALAT ng kauna-unahang whistleblower na si Immigration Officer Allison Chiong na ang iba sa kanilang nakukuhang pera mula sa kontrober­siyal na ‘pastillas’ scam ay itinatabi upang gamitin sa pangangampanya ni dating Port Operations Division chief Marc Red Mariñas bilang alkalde ng Muntinlupa. Nakuha umano ni Chiong ang naturang impormasyon mula sa matataas na operator ng naturang scam dahil sa kanilang …

Read More »

Pondo sa Bayanihan 2 DBM hinikayat ilabas

DBM budget money

HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go  ang pamahalaan partiku­lar ang Department of Budget and Management  (DBM) na i-release na ang pondong nakalaan para sa Bayanihan to Recover as One Act o mas kilala sa tawag na Bayanihan 2. Sinabi ni Go, minadali ng legislative branch ang pagpasa sa measure para mabilis na matulungan ang mga mamamayan, mapabilis ang economic recovery …

Read More »

‘Corrections’ at ‘pinaganda’ lang ng Kamara — Leachon (Para sa 2021 national budget)

SA GITNA ng pangamba ng iilang senador, nanindigan si Senior Deputy Speaker at Oriental Mindoro Rep. Salvador “Doy” Leachon na ang P20 bilyones na institutional amendments ay ginagawa upang itama at pagandahin ang pagkakasulat ng  panukalang P4.5 trilyong national budget para sa 2021 na aprobado sa pangatlo at huling pagdinig noong Biyernes. Paliwanag ni Leachon walang binago ang small committee …

Read More »

5 Tumba sa Covid sa Vale, Malabon (Sa loob ng 24-oras)

dead

APAT na pasyente ang namatay sa loob ng isang araw sa Valenzuela City dahil sa CoVid-19. Nabatid sa City Epidemiology and Surveilance Unit, 231 ang pandemic death toll sa lungsod haggang nitong 20 Oktubre mula sa 227 kaparehong oras noong  nakalipas na araw. Umakyat sa 19 ang active cases mula sa 318 paakyat sa 337. Umakyat sa 7,575 ang confirmed …

Read More »

1,500 sasakyan stranded sa Maharlika Highway (Sa bahang dulot ng bagyong Pepito)

UMABOT sa 1,500 sasakyan ang stranded, dahil sa bahang dulot ng malakas na ulan at umapaw na tubig-dagat, sa Maharlika Highway sa bahagi ng bayan ng Lopez, lalawigan ng Quezon, nitong Miyerkoles ng umaga, 21 Oktubre. Ayon kay Francisco Verba, hepe ng local Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO), maaaring magtagal ng dalawa hanggang tatlong araw ang pagkakahimpil ng mga …

Read More »

China ‘hayaang’ kumuha ng Chinese workers — Palasyo (Intramuros at Estrella Bridge 100% donasyon)

ni ROSE NOVENARIO DAPAT bigyan ng kalayaang kumuha ang Chinese government ng sarili nilang mga manggagawa sa dalawang China-funded bridge projects sa bansa. Inilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na siyento porsiyentong donasyon ng Chinese government ang mga proyektong tulay. “Let me highlight that these bridges are a hundred percent donations from the Chinese government. So I think that should …

Read More »

Timbog sa buy bust sa vale (3 sangkot sa droga)

shabu drug arrest

TATLONG  hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City,kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Michael Dulay, Adrian Dansey, at Rocco Japsay,  kapwa residente sa Barangay Parada ng nasabing lungsod.   Batay sa ulat, dakong 1:00 am nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) …

Read More »

P1.3-M shabu 3 drug suspects nasakote sa Parañaque

shabu

NASABAT ng mga operatiba ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque City Police ang tinatayang 187 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,271,600 sa tatlong drug suspects sa ikinasang buy bust operation sa Parañaque City, nitong Linggo ng gabi.   Kinilala ni Parañaque City police chief Col. Robin King Sarmiento ang mga suspek na sina Narding Kasinm, alyas …

Read More »

Motor napper nang-hostage ng minor kulong

arrest prison

DERETSO sa kulungan ang isang lalaki na nang-agaw ng motorsiklo ng isang rider at nang-hostage pa ng isang menor de edad sa Barangay Pag-asa, Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya.   Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo ang suspek na si Mateo Bajandi, 38, residente sa Camarines Sur.   Batay sa ulat ng QCPD, …

Read More »

Bading natagpuang tadtad ng saksak (Dahil sa masangsang na amoy)

Stab saksak dead

PATAY na dahil sa rami ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang madiskubre ang isang bading sa loob ng kanyang inuupahang tindahan nang umalingasaw ang masangsang na amoy sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.   Batay sa nakarating na ulat kay Malabon Police chief Col. Angela Rejano, dakong 1:40 pm nang matagpuan ang bangkay ng biktimang …

Read More »

2 ASG arestado ng NBI  

NBI

NADAKIP ng mga ahente ng National Bureau of  Investigation (NBI) ang dalawang miyembro ng Abu Sayaff Group sa isinagawang operasyon sa Pasay City kamakailan.   Sa naganap na press briefing, iniharap sa media ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin at PIO chief Nick Suarez, ang dalawang suspek na sina Jamar Iba, alyas  BAS, at Raden Jamil, alyas Tamiya, kapwa miyembro  …

Read More »

P4-B ipauutang sa SMEs para sa 13th month pay ng mga empleyado  

MAGLALAAN ng P4 bilyon ang gobyerno para ipautang sa small and micro-enterprises (SMEs) upang ipambayad sa 13th month pay ng kanilang mga empleyado, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).   Sa Palace virtual press briefing kahapon, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nakahanda ang Department of Trade and Industry (DTI) na ilaan ang P4 bilyong pondo …

Read More »

Duterte ‘umamin’ sa drug war killings

NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na panagutan ang mga patayan bunsod ng isinusulong na drug war ng kanyang administrasyon. “If there’s killing there, I’m saying I’m the one… you can hold me responsible for anything, any death that has occurred in the execution of the drug war,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address kamakalawa ng gabi. Ito ang unang …

Read More »

Kung dehado, pasaklolo sa Korte Suprema (Palasyo sa kritiko ng Anti-Terror Law)

ITINUTURING ni National Union of People’s Lawyers (NUPL) chairman Edre Olalia na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terror Act ay paglabag sa batayang karapatang pantao at Konstitusyon. Gayonman, hinimok ng Palasyo ang mga kritiko ng Anti-Terror Act na magpasaklolo sa Korte Suprema kung sa tingin nila’y dehado sila sa inilabas na IRR ng Department of Justice (DOJ) para …

Read More »

Asunto vs pulis na nakapatay ng drug suspect utos ni Miranda

gun dead

NASA balag ng alanganin ang karera sa pagpupulis ng isang miyembro ng Manila Police District (MPD) na sinasabing nakabaril at nakapatay ng isang nadakip na suspek sa ilegal na droga na naganap sa loob mismo  ng Manila Police District –  Moriones Station (MPD-PS2) noong linggo ng gabi sa Tondo, Maynila. Nabatid na ipinag-utos ni MPD Director P/BGen.  Rolando Miranda na …

Read More »