Monday , August 15 2022

Sa Tuguegarao Airport
KANO TIKLO SA ‘BOMB JOKE’

ARESTADO ang isang American national nang magbirong may lamang bomba ang kaniyang baga­he sa paliparan ng lungsod ng Tuguegarao, lalawigan ng Cagayan, nitong Biyernes, 5 Nobyembre.

Ayon kay P/Maj. Junvie Velasco, hepe ng Tuguegarao City Police Airport, dinakip ang suspek na kinilalang si George Adrien Favarielle, mula New Jersey, USA, nang magbirong may bomba ang kanyang maleta habang sinisiyasat ng mga kawani ng Cebu Pacific.

Bagaman nagpa­liwanag ang dayuhan na biro lamang ang kaniyang ginawa ay dinakip pa rin si Favarielle ng airport police at dinala sa himpilan ng Tuguegarao City PNP.

Ayon kay P/Maj. Velasco, paglabag sa Anti-Bomb Joke Law ng bansa ang ginawang bomb joke ng banyaga at hindi maaaring palagpasin ng kanilang hanay.

Kasama ng suspek ang kanyang asawang kinila­lang si Rowena Pascua, tubong-Gonzaga, Cagayan.

Nabatid na dumalo ang mag-asawa sa selebrasyon ng kaarawan ng ina ni Pascua at pabalik na sana sa Amerika ng araw na iyon.

About hataw tabloid

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

Bulacan, kaisa sa paghubog ng mga lider para sa susunod henerasyon

BILANG PAKIKIBAHAGI sa bansa sa obserbasyon ng Linggo ng Kabataan 2022, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan …

arrest posas

Kumagat sa pain
TULAK TUWING MADALING ARAW TIMBOG SA PARAK

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy …

prison rape

Lolong manyakis naihoyo sa Zambales

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang matandang lalaking may kasong panggagahasa sa inilatag na manhunt …

Dalagita nasagip sa cybersex den 3 suspek arestado

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang isang babaeng menor de edad mula sa isang cybersex den …

Road Expressway

Para sa mas mabilis na biyahe
CAVITEX C5 LINK FLYOVER EXTENSION BINUKSAN NA 

INIANUNSYO ng Toll Regulatory Board (TRB) ang grantor ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP) kasama …