Sunday , November 24 2024

News

P1-M shabu kompiskado 3 drug suspects arestado

shabu

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit sa P1-milyon halaga ng shabu sa tatlong tulak ng droga kabilang ang No. 1 sa Top 10 drug personalities ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Valenzuela cities, kamalawa ng gabi. Ayon kay NPD Director P/BGen. Ronaldo Ylagan, dakong 7:00 pm nang magsagawa ng buy bust operation …

Read More »

Mangingisda, timbog sa shabu (Lumabag sa curfew)

Navotas

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang mangingisda matapos makuhaan ng shabu nang sitahin ng mga tauhan ng Maritime Police dahil sa paglabag sa curfew hours sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Maritime Police Station (MARPSTA) Major Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Arnel Alegue, 40 anyos, residente sa Isda St., Navotas Fish Port Complex (NFPC), …

Read More »

P50K sa bawat Centenarian inilaan ng Vale gov’t

Valenzuela

LAKING-TUWA ng mga kaanak ng 12 Centenarian na residente ng lungsod dahil full support ang Valenzuela city hall sa kanila upang mabigyan sila ng cash incentives kamakailan. Sa pangunguna ni Mayor Rex Gatchalian ay namigay ang punong-lungsod ng halagang P50,000 para sa mga centenarian sa selebrasyon ng Elderly Filipino Week. “The local government has been giving out cash incentives to …

Read More »

Walang ‘water hike’ sa 2021 — Manila Water

INIHAYAG ng opisyal ng Manila Water na hindi sila magpapatupad ng water hike sa taon 2021. Ayon kay Jeric Sevilla, Information Officer ng Manila Water, nagdesisyon sila na ipagpaliban ang dagdag-singil upang makatulong na maibsan ang paghihirap na nararanasan ng publiko dahil sa pandemya. Aniya, ang P2 ipatutupad sana nilang dagdag-singil sa susunod na taon ay hindi na matutuloy. “With …

Read More »

Eleksiyon sa Amerika wa epek sa PH (VFA extended hanggang Hunyo 2021)

WALANG mababago sa relasyon ng Filipinas sa Amerika kahit sino ang manalo kina Donald Trump at Joe Biden sa katatapos na US presidential elections. “You see the state department ensures continuity as far as US foreign policy is concerned. So we don’t expect any major changes on the bilateral relations between the Philippines and the United States,” ayon kay presidential …

Read More »

Kolehiyala natagpuang patay sa loob ng bahay (Sa Olongapo)

dead

NATAGPUANG may mga saksak sa katawan at wala nang buhay ang isang 20-anyos babae sa loob ng sariling bahay nitong Lunes ng umaga, 2 Nobyembre, sa lungsod ng Olongapo, lalawigan ng Zambales.   Kinilala ang biktimang si Jennifer Dela Cruz, residente sa Barangay New Cabalan, may tatlong saksak ng kutsilyo sa kaniyang leeg.   Ayon sa pulisya, mayroon na silang …

Read More »

Barangay chairman sa Abra patay sa pamamaril

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang isang kapitan ng barangay nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek, nitong Martes ng umaga, 3 Nobyembre, sa bayan ng Bangued, lalawigan ng Abra.   Kinilala ng mga imbestigador ang biktimang si Jason Bergonia Garcia, 34 anyos, residente at kapitan ng Barangay Lingtan, sa naturang bayan, na nagmamaneho ng isang trak nang pagababarilin ng mga suspek …

Read More »

16 law breakers timbog sa serye ng police ops (Sa Bulacan)

  PINAGDADAMPOT ng mga awtoridad ang 16 kataong lumabag sa batas sa serye ng police operations laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 3 Nobyembre.   Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, nagresulta ang manhunt operations na ikinasa ng tracker teams ng municipal/city police stations ng Angat, Marilao, San Jose …

Read More »

3 bebot nasakote sa P36-M shabu

shabu drug arrest

DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong babaeng high-value individual (HVI) makaraang makompiskahan ng P36 milyong halaga ng shabu sa anti-illegal drug operation nitong Lunes ng gabi sa  Bacoor City, Cavite. Sa ulat ni P/BGen. Ronnie Montejo, kinilala ang mga suspek na sina Anabel Natividad, a.k.a Anabel Mayol, 52, Teresita Daan, 52, at Riza Aguiton, 43, pawang residente …

Read More »

Militar enkargado sa CoVid-19 vaccine, ilalagak sa kampo

IPAUUBAYA sa militar ang pagbibiyahe sa CoVid-19 vaccine at magsisilbing imbakan nito ang mga kampo militar sa buong bansa. Inihayag ito ni National CoVid-19 task force chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez, Jr., kahapon sa virtual press briefing sa Palasyo. “Ang nakikita ko iyong sinabi ni Presidente na greatly involved ang ating Armed Forces at saka PNP kasi talaga …

Read More »

Red-tagging sa akin itigil — Liza Soberano

NANAWAGAN ang aktres na si Liza Soberano na huwag lunurin ang isyu ng sekswal na pang-aabuso sa babae sa pamamagitan ng red-tagging sa mga personalidad na nagsusulong ng karapatan ng kababaihan. “As always, some people are resorting to red tagging me instead of actually understanding the real issue. Why drown the issue of sexual abuse, which is rampant and almost …

Read More »

QCPD-DMFB chief kulong sa 3 kilong ‘chicken drumsticks’ 

ISANG opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) ang nakalaboso matapos tumanggap ng suhol na tatlong kilong  ‘fresh chicken drumsticks’ mula sa grupo ng  motorcycle riders na pinayagang makalampas sa quarantine control point kahit walang naipakitang mga dokumento nitong Lunes ng umaga.   Si P/Lt. Rodrigo San Pedro Olaso, 43, nakatalaga sa District Mobile Force Battalion (DMFB) ng QCPD, at …

Read More »

Public officials maging mabuting ehemplo — Go

WELCOME development kay Senator Christopher “Bong” Go ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga alegasyon ng pang-aabuso na sinabing ginawa ni Philippine Ambassador to Brazil, Marichu Mauro, laban sa kanyang Filipino household staff member. “Paalala ko lang na ang mga opisyal ay public servants — trabaho natin na mapangalagaan ang kapakanan ng bawat Filipino. Dapat …

Read More »

House leadership hinamon maglabas din ng SALN

MATAPOS isapubliko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), hinamon din ni Act Teachers Partylist Rep. France Castro ang mga kapwa mambabatas sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco, House Majoriy Leader Martin Romualdez at iba pang matataas na opisyal ng Kamara na ilantad din ang kanilang assets alinsunod sa itinatakda sa Republic Act 6713 (An …

Read More »

P58-M naabo sa Legazpi Mall

fire sunog bombero

TINATAYANG aabot sa P58,000,000 ang naiwang pinsala nang masunog ang warehouse at convention center ng LCC Mall sa lungsod ng Legazpi, sa lalawigan ng Albay, kamakalawa ng gabi, 1 Nobyembre.   Ayon kay Fire Senior Supt. Renato Capuz, direktor ng BFP Bicol, natupok ng apoy ang tatlong warehouse ng LCC Department Store at Concourse Convention Center sa Barangay Baybay, sa …

Read More »

P2-M shabu nasamsam sa 3 detainees (Guiguinto municipal jail sinorpresa)

shabu drug arrest

NAKOMPISKA ng mga operatiba ang 22 malalaking plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P2,000,000 sa ikinasang ‘sorpresang pagbisita’ sa Guiguinto Municipal Jail, sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 1 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay PRO3 Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon, nakompiska ng magkasanib na puwersa ng Guiguinto Municipal Police Station (MPS), Bulacan Intelligence …

Read More »

Laborer bugbog sarado sa lasing

suntok punch

BUGBOG-SARADO ang lasing na construction worker habang kalaboso ang lasing niyang kapitbahay matapos ang kanilang mainitang pagtatalo sa Valenzuela City, kahapon  ng madaling araw. Nakaratay pa sa Valenzuela Medical Center  (VMC) ang biktimang kinilalang si Jovic Altoveros, 43 anyos, ng Baldomero St., Barangay Coloong 2 matapos grabeng mapinsala sa mukha at ulo. Agad nadakip ng mga nagrespondeng opisyal ng barangay …

Read More »

5 sabungero arestado sa tupada

Sabong manok

  ARESTADO ang anim na indibidwal nang maaktohan ng mga pulis na nagsasabong sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rolly sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.   Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Fernando Ortega, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) ng isang text message mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) tactical operation command hinggil …

Read More »

Kelot kritikal sa saksak  

knife saksak

KRITIKAL ang kalagaya sa pagamutan ng isang mister matapos dalawang beses na undayan ng saksak ng kabarangay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.   Inoobserbahan sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang kinilalang si Richard Segovia, 44-anyos, residente ng Guyabano Road, Barangay Potrero ng nasabing lungsod sanhi ng saksak sa kanang dibdib at kaliwang braso.   …

Read More »

Presyo ng bilihin sa mga palengke pinababantayan (Sa Maynila)

INATASAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Market Administrator Zenaida Mapoy na tiyaking walang aabuso sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pampublikong pamilihan sa Lungsod ng Maynila matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly.   Ito’y upang masiguro na makakakain nang sapat at masustansiya ang bawat pamilyang Manileño sa gitna ng pandemya at kalamidad.   Siniguro ng Market …

Read More »

Permanenteng evacuation centers kailangan – Gatchalian

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian na isaalang-alang ang pagpapatayo ng matitibay at may sapat na pasilidad na evacuation centers para sa mga ililikas tuwing may kalamidad. Higit sa lahat, dapat ay permanente ito.   “Dapat natuto na tayo base sa naging karanasan natin noong manalasa ang hindi makakalimutang super typhoon na Yolanda at pag-aralang maigi ang mga diskarte sa emergency …

Read More »

Duque etsapuwera Galvez itinalaga bilang vaccine czar (Sa CoVid-19 immunization)

INETSAPUWERA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa alinmang negosasyon kaugnay sa pagbili ng bakuna para sa CoVid-19.   Itinalaga ni Pangulong Duterte si Presidential Adviser on the Peace Process  at National Task Force against CoVid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez, Jr., bilang “vaccine czar.”   Sa kanyang public address kagabi, binigyan ng kapangyarihan ng Pangulo …

Read More »

Quarrying ops ng Mayon suspendido (Prov’l gov’t, 12 operators sinisi sa baha, lahar at malalaking bato)

IPINATIGIL ni Environment Secretary Roy Cimatu ang lahat ng quarrying operations sa paligid ng bulkang Mayon halos dalawang oras matapos siyang utusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ito. Nagsagawa ng aerial inspection kahapon si Pangulong Duterte kasama si Sen. Christopher “Bong” Go sa Catanduanes at Albay upang makita ang lawak ng pinsalang idinulot ng bagyong Rolly sa dalawang lalawigan …

Read More »

P1.632-B droga nasabat 2 Intsik arestado

DALAWANG Chinese nationals ang nasakote ng mga awtoridad matapos lumantad para ‘kunin’ ang P1.632 bilyong halaga ng kontrabando sa isang ‘controlled delivery’ nitong 30 Oktubre 2020, sa Cabanatuan City. Sa konsolidadong ulat ng Bureau of Customs – NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADTG) dakong 11:00 pm nitong Biyernes, inaresto ng grupo …

Read More »