Friday , January 27 2023
MMDA, NCR, Metro Manila

Alert level 3 ngayon sa Metro Manila

SIMULA ngayong araw ng Lunes, 3 Enero 2022, ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Alert Level 3 sa buong Kalakhang Maynila dahil sa pagdami ng CoVid-19 cases kabilang ang Omicron variant.

Sa pahayag ng MMDA, sinabing mataas kaso ng CoVid-19 kada araw, at nitong nakaraang linggo ay nasa 783 porsiyento at hindi pa malaman kung ito ay Omicron kaya mariing pinag-iingat ang lahat.

Nagkaroon ng pagpupulong ang Metro Manila Council (MMC) na kinabibilangan ng Metro mayors, ang policy making body ng MMDA para sa mobility.

Binanggit ang ilang guidelines para sa pagpapatupad ng Alert level 3.

Hindi pinapayagan ang operasyon para sa  face to face classes, contact sports, fun fares, venues na mayroong  live voice at  instrument performances, casino, gaming establishments,  pagtitipon sa mga tahanan.

Sa pagbiyahe, ang interzonal at  intrazonal travel ay papayagan na mayroong regional restrictions na ipatutupad ng mga LGU at para sa indoor three Cs (closed, closed contact and crowded areas), 30 porsiyento na lang ang papayagan.

Ngunit kung mayroong safety seal, may karagdagan itong 10 porsiyentong kapasidad na papayagan.

Ang 18-anyos kabataan pababa at may comorbidities ay puwede sa mga establisimiyento para sa essential goods.

Para sa Metro Manila Film Festival (MMFF), nabatid na 30 porsiyento lamang ang papayagan sa mga sinehan  hanggang 7 Enero.

Pinag-uusapan din ang papel ng technical working group at ang enhanced vaccination mandate at iba pang polisiya para sa mga bakunadong residente.

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos, Jr., ang ilan sa challenges nito na maraming fake vaccination card, legal, at constitutional issues na dapat aniya’y huwag palagpasin ang pagbibigay ng booster shots sa publiko.

Pag-uusapan rin ng Metro mayors na kailangan higpitan ang establishments na may quarantine facilities dahil malalagay sa balag ng alanganin ang kaligtasan ng komunidad.

Ayon kay Abalos, dapat  parusahan  ang mga  lalabag.

“Ngayong season, we must be prepared with anti- gen test bilang self test. Kung kinakailangan mag-self test. Sapat pa ang contact tracers ng LGUs. Pagpasok ng bagong taon may challenges pero ito ay kakayanin natin,” ayon kay Abalos.

Sa usapin ng public transport, makikipag-coordinate  ang MMDA sa DOTR dahil ipinaalis ang plastic, na aniya’y dapat maisaalang-alang sa safe distancing.

Balik na rin ngayon ang pagpapatupad ng number coding sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Arnell Ignacio OWWA

Health and wellness ng mga OWWA employee tututukan ni Admin Arnell

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang concern ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Arnell Ignacio hindi …

SAF 44 National Day of Remembrance bulacan

Bulacan cops ginunita ang Fallen SAF 44 sa National Day of Remembrance

PARA sa National Day of Remembrance ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), …

Arrest Posas Handcuff

Puganteng rapist at kilabot na kawatan, timbog

Dalawang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Bulacan ang magkasunod na naaresto sa …

dead gun

Ika-5 suspek sa pagpatay sa 2 pulis sa Mabalacat, Pampanga, patay sa shootout

ANG ikalimang  suspek at lider ng Flores group na pumatay sa dalawang anti-drug cops ng …

dead gun

Wanted patay sa engkuwentro

Patay ang  lalaking wanted sa kasong robbery nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa …