SUNOD-SUNOD na nadakip ang limang wanted persons at apat na drug suspects sa magkakahiwalay na manhunt at buy bust operations na ikinasa ng Bulacan police hanggang kahapon, 22 Nobyembre. Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, inaresto ang limang wanted persons sa magkakaibang manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng Malolos CPS, Meycauayan CPS, at …
Read More »Kelot, timbog sa boga, P680-K shabu
TIMBOG ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makompiskahan ng higit sa P.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang narestong suspek na si Ruel Sangines alyas Ginto, 38 anyos, residente ng Block 16, Lot …
Read More »Tarpo ng mga trapo bawal sa Maynila (Iba pang political materials)
MAHIGPIT na ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagpapaskil ng political materials sa bawat sulok ng lungsod. Pahayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, masigasig ang kanilang paglilinis sa lungsod mula sa gulo at pangit na sitwasyong iniwanan ng nakalipas na administrasyon, kaya hindi nila hahayaan na muli itong masalaula o marumihan ng political materials, na eye sore …
Read More »Vice mayor inireklamo sa ‘online game show’
INIREKLAMO ang bise alkalde ng San Pascual, Batangas sa Office of the Ombudsman, Department of Interior and Local Government, at sa Civil Service Commission, dahil sa sinabing paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, dahil sa ginawang “online game show” habang nasa oras ng trabaho. Sa tatlong-pahinang reklamo na ipinadala …
Read More »20 law breakers nalambat sa Pampanga (Sa pinaigting na anti-crime campaign)
UMABOT sa 20 kataong lumabag sa iba’t ibang uri ng batas ang nadakip sa pinaigting na kampanya kontra krimen ng PRO3 PNP nitong Sabado, 21 Nobyembre, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Batay sa ulat mula sa tanggapan ni P/BGen. Valeriano “Val” De Leon, nasakote ang mga suspek na kinilalang sina alyas Eman, miyembro ng Bahala Na Gang, alyas …
Read More »2 Aeta mula Zambales unang ‘casualty’ ng Anti-Terror Law
NAITALA ang unang kaso sa ilalim ng Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020 laban sa dalawang katutubong Aeta mula sa lalawigan ng Zambales dahil sa hinalang sangkot sila sa barilang nauwi sa kamatayan ng isang sundalo noong Agosto ng taong kasalukuyan. Ayon sa manipestasyon ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), kinatawan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na …
Read More »P620-M to P15-B infra budget ng solons ipaliwanag — Sen. Lacson
PINAGPAPALIWANAG ni Senator Panfilo Lacson ang House Leadership sa inaprobahan nitong infrastructure projects sa congressional districts na nakapaloob sa P4.5 trilyong national budget na nasa P620 milyon hanggang P15 bilyon ang alokasyong nakita sa bawat kongresista. Sa deliberasyon ng Senado sa panukalang P659 bilyong budget para sa Department of Public Works and Highway (DPWH), sinabi ni Lacson na halos kabuuan …
Read More »2 tulak piniling mamatay kaysa sumuko
PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa magkahiwalay na buy bust operations na ikinasa ng Bulacan PNP sa lalawigan hanggang kahapon ng umaga, 18 Nobyembre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, ang isa sa mga napatay na suspek na si Alnor Liwa, residente sa Barangay Gaya-gaya, sa lungsod ng San Jose …
Read More »2 motornapper dedbol sa enkuwentro sa Bulacan
NABAWASAN ang mga kawatang kumikilos sa Bulacan nang mapatay sa enkuwentro ang dalawang hinihinalang kawatan ng motorsiklo sa isang police operation sa bayan ng San Rafael, sa naturang lalawigan, nitong Martes ng madaling araw, 17 Nobyembre. Sa ulat ni P/BGen. Alexander Tagum, direktor ng PNP Highway Patrol Group, sinabi niyang napaslang ang dalawang hindi kilalang suspek sakay ng isang ninakaw …
Read More »Pondo vs CoVid maliit dapat dagdagan — Solon
PINUNA ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang maliit na pondong inilaan ng gobyerno sa paglaban sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Aniya, kailangang dagdagan ang pondo para maka- recover ang bansa sa problemang pang-ekonomiya. Sa privilege speech sinabi ni Quimbo, ang pondo na nagkakahalaga ng P248-bilyones ay sobrang liit kompara sa P838.4 bilyon kasama ang P590 bilyon para sa massive infrastructure …
Read More »VP Robredo ‘di nag-C-130 patungong Catanduanes (Panelo nakoryente)
NAKORYENTE si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pahayag na sumakay sa C-130 plane si Vice President Leni Robredo para mamigay ng relief good sa Catanduanes kamakailan. Mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay humingi ng paumanhin kay Robredo dahil sa maling ulat na sumakay siya ng C-130 plane ng Philippine Air Force patungong Catanduanes. Nauna nang tinawag ni …
Read More »Luzon-wide state of calamity, idineklara ng Pangulo
ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang buong Luzon batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa ilalim ng state of calamity ay iiral ang automatic price freeze ng basic commodities at bawat ahensiya ay ipatutupad ang Price Act, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. “Department of Agriculture: rice, corn, cooking oil, …
Read More »UP umalma sa red-tagging ni Duterte
UMALMA ang University of the Philippines (UP) community sa red-tagging na ginawa laban sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi. Inakusahan ni Pangulong Duterte na walang ginawa kundi mag-recruit ng mga komunista kaya binantaan niyang tatanggalan ng pondo. Sinabi ni Anakbayan UP Diliman Spokesperson Ajay Lagrimas, inilantad ni Pangulong Duterte ang sarili bilang pasista at walang intensiyon na …
Read More »Massive flood sa Cagayan at Isabela isinisi sa black sand mining
SINISI ng isang peasant group ang talamak na black sand mining, isa sa dahilan ng dinanas na “worst flood” sa Cagayan at Isabela sa pananalasa ng bagyong Ulysses. Ayon sa grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) bukod sa black sand mining, talamak din ang illegal at legal logging sa lalawigan kaya hindi na nakapagtataka na ngayon ay nararanasan ang epekto …
Read More »Realignment ng 2021 budget target ni Ping (Pondo para sa LGUs na tinamaan ng bagyo)
DETERMINADO ni Senator Panfilo Lacson na tanggalan ng pondo sa 2021 proposed national budget na inaprobahan ng House of Representatives ang mga tinukoy nitong corrupt-ridden at skeleton multi-purpose building projects at ilipat ang budget para pondohan ang rehabilitasyon ng local government units (LGUs) na nahagupit ng bagyong Ulysses. Ayon kay Lacson, may P68 bilyong alokasyon ang natukoy na kuwestiyonableng proyekto …
Read More »House ‘probe’ inismol (Pagpapasara sa mining operations iginiit)
MINALIIT ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang imbestigasyong gagawin ng House of Representatives sa nangyaring massive flooding sa Cagayan at Isabela. Tinawag itong isang band-aid solution na walang kahihinatnan dahil tanging ang pagpapakawala ng tubig ng mga dam ang sakop ng gagawing imbestigasyon at hindi kasama ang pag-iimbestiga sa ilegal at legal na logging at illegal mining operations. …
Read More »Reservoir hiniling ng Bulacan (Para sa sobrang tubig sa 3 dam)
IGINIIT ni Bulacan Governor Daniel Fernando sa pamahalaang nasyonal na isama sa mga prayoridad ang konstruksiyon ng mga reservoir upang maipon ang mga sobrang tubig mula sa tatlong dam sa lalawigan. Ito ay upang maisakatuparan ang proyektong ilang dekada nang pinag-uusapan at ipinapanukala upang tuluyan nang maresolba ang matagal nang problema ng pagbaha sa Bulacan tuwing may kalamidad. Nagbunsod ang …
Read More »15,000 bakwit siksikan sa Montalban
NANANATILING puno ang 16 evacuation centers ng mahigit sa 15,000 bakwit, habang lubog pa rin sa putik at tambak ng basura ang kanilang mga bahay na sinalanta ng nagdaang bagyong Ulysses sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal. Sa rekord ng lokal na pamahalaan, ilan sa mga ginawang evacuation centers ang Aranzazu covered court, Burgos Elementary School, Manggahan National …
Read More »Magnitude 6 lindol yumanig sa Surigao del Sur
INUGA ng magnitude 6 lindol ang bayan ng San Agustin, lalawigan ng Surigao Del Sur nitong Lunes ng umaga, 16 Nobyembre. Naunang iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na magnitude 6.4 ang tumama sa naturang bayan ngunit kalaunan ay nirebisa sa magnitude 6. Ayon sa Phivolcs, tectonic ang lindol na tumama 11 kilometro sa hilagang kanlurang bahagi …
Read More »21-anyos senior high patay sa hazing (Sa Zamboanga)
HINIHINALANG namatay ang isang 21-anyos estudyante ng senior high school sa lungsod ng Zamboanga, dahil sa initiation rites ng isang fraternity noong Linggo, 15 Nobyembre. Kinilala ang biktimang si Joselito Enviado, residente sa Sarangani Drive, Barangay San Jose Guzu, sa naturang lungsod, at Grade 12 student ng Zamboanga City National High School West. Idineklarang dead on arrival si Enviado sa …
Read More »10-anyos bata, 6 minero patay sa baha sa Quirino
BINAWIAN ng buhay ang pito katao, kabilang ang isang 10-anyos bata, dahil sa matinding pagbaha sa lalawigan ng Quirino dulot ng pananalasa ng bagyong Ulysses. Sa Laging Handa Public Briefing nitong Lunes, 16 Nobyembre, sinabi ni Quirino Governor Dakila Carlo Cua, kabilang sa mga namatay ang isang 10-anyos batang nalunod, at anim na empleyado ng isang minahan sa boundary ng …
Read More »Abusadong ina, tiklo sa pulisya (Anak ibinubugaw sa dating asawang dayuhan)
ARESTADO ang isang inang hinihinalang nagbubugaw sa sariling anak na dalagita sa dayuhan, sa isinagawang anti-crime drive ng Bulacan PNP sa lalawigan, nitong Sabado, 14 Nobyembre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang suspek na si Marilyn Pedrosa, 42 anyos, residente sa Barangay Sta. Cruz 2, sa lungsod ng San Jose Del Monte, lalawigan ng Bulacan, …
Read More »Ilang bayan sa Bulacan lubog pa rin sa baha
NANANATILING lubog sa baha ang ilang mga bayan sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 15 Nobyembre, tatlong araw matapos ang paghagupit ng bagyong Ulysses. Ayon sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang pagbaha sa ilang bahagi ng lalawigan na malapit sa Angat River ay dahil sa bagyong Ulysses at sa pagpapakawala ng tubig mula sa Angat Dam. …
Read More »Donasyon ideretso sa 49 evacuation centers — Teodoro (Sa mga magbibigay ng tulong)
SINABI ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa mga nais magbigay ng mga donasyon sa kaniyang mga kababayan na ideretso sa evacuation center dahil lubog pa rin sa putik at baha ang mga bahay at kabuhayan sanhi ng bagyong Ulysses. Higit aniya na nangangailangan ang mga residenteng nasa evacuation centers ng pagkain, malinis na tubig, gamot, vitamins, diaper, at gamit …
Read More »Makupad na tulong sa kalamidad itinuro sa Ombudsman
BINIGYAN katuwiran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mabagal na pagbibigay ng ayuda ng pamahalaan sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad. Ayon sa Pangulo, takot makasuhan sa Ombudsman ang mga opisyal ng pamahalaan kaya kailangan munang hintayin ang assessment sa pinsala ng kalamidad bago maglabas ng pera. “Istorya lang ‘yan, actually. Kailan pa ba — kailan pa ba na ito …
Read More »