Saturday , January 11 2025

News

Human rights situation para aksiyonan ng UN at ICC, “Investigate PH” inilunsad

HINDI nababahala ang Palasyo sa inilunsad na independent investigation ng koalisyon ng civil society groups mula sa iba’t ibang bansa sa lumalalang human rights situation sa Filipinas. Inilunsad kahapon ang Independent Inter­national Commission of Investigation into Human Rights Violations in the Philippines o Investigate PH para simulan ang fact-finding probes sa mga umano’y paglabag sa karapatang pantao sa bansa at …

Read More »

Palasyo iwas-pusoy sa viral party ng celebrity sa Baguio City (Quarantine protocols nilabag)

IWAS-PUSOY ang Palasyo sa isyu ng viral Baguio City party na may mga paglabag sa ipinatu­tupad na quarantine protocols sa panahon ng pandemya sa bansa. Mismong si contact tracing czar at Baguio City Mayor, ay umamin na may mga paglabag sa pandemic protocols sa nasabing pagtitipon. Si Magalong at kanyang misis ay kabilang sa mga dumalo sa nasabing party noong …

Read More »

AFP intel chief sinibak sa palpak na NPA list

ni ROSE NOVENARIO SINIBAK ni Defense Secretary Delfin Lorenzana  ang deputy chief of staff for intelligence ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa inilabas na maling listahan na tumukoy sa ilang nagtapos sa University of the Philippines (UP) bilang mga nadakip o napatay na miyembro ng New People’s Army (NPA). Para kay Lorenzana, walang kapatawaran ang kapalpakan ni …

Read More »

FDA nagbabala sa pekeng anti-hypertension meds

PINAG-IINGAT ng Food and Drug Administration (FDA)  ang publiko sa pagbili ng gamot para sa hypertension sa nadiskubreng pekeng gamot na kumakalat sa merkado na may dalang panganib sa kalusugan. Sa FDA Advisory No.2021-0103-A , nagbabala ang FDA sa publiko laban sa pagbili at paggamit ng mga pekeng Losartan Potassium (Angel-50) 50mg film coated tablet. Sa pagsusuri ng FDA kasama …

Read More »

Parada, concert hindi magaganap sa Chinese New Year

IPAGBABAWAL muna ang pagkakaroon ng kahit anong aktibidad sa Chinese New Year sa 11 Pebrero, ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagdalo sa 120th founding anniversary ng Manila Police District (MPD). Ayon sa alkalde nagpupulong ang mga organisasyon ngunit tiniyak na walang paradang magaganap sa nasabing pagdiriwang. Aniya, maagang naabisohan ang mga Filipino Chinese community sa …

Read More »

Kelot nagbigti (Dahil sa depresyon)

TINAPOS ng isang lalaki ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon sanhi umano ng pagkasira ng kanilang pamilya sa Malabon City, kahapon ng hapon. Kinilala ang biktimang si Jomar Urbano, 24 anyos, residente sa Mabolo Road, Brgy. Potrero ng nasabing lungsod. Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong 1:00 pm, …

Read More »

Sobejana in, Gapay out (Bilang AFP chief of staff)

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang medal of valor awardee bilang bago at ika-siyam na Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff ng kanyang administrasyon. Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, si Philippine Army commanding general Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang bagong pinuno ng AFP kapalit ni  Gen. Gilbert Gapay na nakatakdang magretiro sa susunod na linggo. …

Read More »

Presyo ng manok at baboy ididikta ng EO ni Digong — Go

Rodrigo Dutete Bong Go

TINIYAK ni Senador Lawrence Christopher “Bong” Go na maglalabas ng Executive Order (EO) si Pangulong Rodrigo Duterte para sa tamang presyo ng baboy at manok nang sa ganoon ay mabigyan ng proteksiyon ang kapakanan ng mga mamimili at ganoon din ng mga namumuhunan. Inamin ni Go, kasalukuyang pinag-aaralan ng tanggapan ng Pangulo ang lalamanin ng naturang EO na kanyang lalagdaan. “Lagi ko …

Read More »

SWEAP kumalas sa COURAGE

PORMAL nang umalis ang Social Welfare Employees Association of the Philippines (SWEAP-NATIONAL) bilang kasapi ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE). Ang aksiyon ng nasabing labor union ay kaugnay ng pagtatatak sa COURAGE na umano’y kabilang sa communist terrorist group (CTG) front organization. Sa ilalim ng SWEAP-National Council Resolution No. 001 series of 2021 na inilabas …

Read More »

Doctor nandaya ng maraming Covid-19 swab test results (2011 PLE top-notcher)

NAGSAMPA ng kasong kriminal ang pangulo ng isang kilalang medical at diagnostic clinic sa Bulacan laban sa isang kapwa niya doktor na sinabing nameke at gumawa ng daan-daang CoVid-19 swab test results gamit ang mismong molecular laboratory ng una. Bukod dito, pormal na naghain ng reklamong administratibo si Dr. Alma Radovan-Onia, taga-lungsod Quezon at medical director ng Marilao Medical and …

Read More »

P15-B pondo ng PhilHealth hindi nawala — Gierran

HINDI nawawala o napunta sa katiwalian ang P15 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at 92 porsiyento nito’y nai-liquidate o natuos na. Sinabi ito ni PhilHealth chief Dante Gierran sa virtual Palace press briefing kahapon. Hindi umano siya papayag na mawawala ang pera ng PhilHealth lalo’t galing siya sa National Bureau of Investigation (NBI). Inulan ng batikos ang …

Read More »

‘Militarisasyon’ ng mass vaccination program kasado na

IKINASA na ang mahalagang papel na gagampanan ng militar sa mass vaccination program ng gobyerno. Sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi, inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tinanggap na ng kanyang kagawaran ang alok ng negosyanteng si Joey Concepcion na isailalim sa pagsasanay ang military-medical personnel sa vaccination drive lalo sa mga lalawigan. Mag-uumpisa aniya …

Read More »

Limited face-to-face classes para sa medical & allied health programs sa GCQ at MGCQ areas

philippines Corona Virus Covid-19

BINIGYAN ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkaka­roon ng limited face-to-face classes para sa medical and allied health programs sa mga institusyon sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque ang desi­syon ng Pangulo ay batay sa rekomenda­syon ng Commission on Higher Education (CHED) upang hindi maubusan ang …

Read More »

Bakuna sa wetpaks mas kursunada ni Pang. Duterte (Kaya hindi isasapubliko)

WALANG plano si Pangulong Rodrigo Duterte na ipakita sa publiko ang pagpapa­bakuna laban sa CoVid- 19 dahil sa puwit niya ito ipatuturok. Paliwanag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque hinggil sa pribadong pagpapa­bakuna ni Duterte taliwas sa ginawa ng ilang world leader na napanood ng buong mundo ang pagturok sa kanila ng CoVid-19 vaccine. “I think so, he has said …

Read More »

Ignoranteng coast guard inireklamo ng BoC-NAIA (Lady Customs Officer tinakot)

ISANG Philippine Coast Guard (PCG) personnel ang inireklamo ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa tahasang paghihimasok sa operasyon ng ibang ahensiya sa pangunahing paliparan ng bansa. Sa liham ni Atty. Ma. Lourdes Mangaoang, Deputy Collector ng Passenger Service Bureau of Customs, sa NAIA, tinukoy niya ang isang PCG personnel na kinilalang si PO2 …

Read More »

3-buwan P10K ayuda at price control dapat ibigay ng gobyerno sa mahihirap (Para makabangon sa epekto ng pandemya)

KAGYAT na bigyan ng P10,000 ayuda sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan ang mga pamilyang mahihirap at kontrolin ang presyo ng mga bilihin, ang dapat iprayoridad ng administrasyong Duterte upang maisalba sa matinding dagok ng pandemya sa kanilang kabuhayan. Ipinanukala ito ng research group na Ibon Foundation sa pamahalaan sa gitna ng kawalan ng trabaho at pagbagsak ng kita …

Read More »

Motorista ginagatasan ng DOTr, LTO sa PMVIC

MAGLULUNSAD ng noise barrage nationwide ang mga motorista dahil  ginagawa silang gatasan ng Department of Transportation (DOTr) at ng  Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng itinatag na monopolyadong Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVIC) na naging epektibo noong 29 Disyembre 2020. Sa press concerence kahapon, sinabi ni Dr. Larry Pitpit, pangulo ng Clean Air Movement Philippines Inc., (CAMPI), pahirap …

Read More »

Nagbigay ng maling info sa DOH target ni Ping (Sa presyo ng Sinovac)

“SINO’NG nagbigay ng maling info sa Department of Health (DOH)?” Ito ang tanong ni Senador Panfilo “Ping” Lacson matapos mabun­yag ang mababang presyo ng bakunang Sinovac kada dose nito sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole na pinamumunuan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ukol sa road map plan ng pamahalaan sa bakuna laban sa CoVid-19. Ayon kay …

Read More »

Minors 10-14 anyos stay at home pa rin

philippines Corona Virus Covid-19

KINATIGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng mga doktor na huwag munang pahin­tulutang makalabas ng bahay ang mga batang may edad 10 hanggang 14 anyos. Ang desisyon ng Pangulo ay taliwas sa naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Emerging Infectious Disease na payagan nang lumabas ang mga batang 10-14 anyos sa mga lugar na nasa ilalim …

Read More »

Pera ng Juan, sulit sa Iskolar ng Bayan

NAPAPAKINABANGAN ng sambayanang Filipino ang mga resulta ng pagsasaliksik ng mga nagtapos sa University of the Philippines (UP) lalo sa pagtugon sa CoVid-19 pandemic taliwas sa akusasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kuta ang unibersidad sa pagrerekluta ng mga komunistang grupo. Sa paglulunsad ng Saliva CoVid-19 testing ng UP katulong ang Philippine Red Cross kahapon ay ipinagmalaki …

Read More »

Bintang na PLM pugad ng NPA recruiter, insulto — PLM prexy

TINAWAG na insulto ng pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ang akusasyon ng militar na isa sa mga unibersidad na nagre­rekrut ng mga estudyante para maging kasapi ng New People’s Army (NPA). Ayon kay PLM President Emmanuel Leyco, malaking insulto sa kanilang faculty, masisipag na staff, at magagaling na estudyante na inihahanda nila para maging lider ng bansa …

Read More »

Sorry ng AFP hindi sapat — Colmenares

ni Gerry Baldo HINDI sapat na mag-sorry lamang ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga taong ‘binansagan’ nilang mga komunista. Ayon kay Bayan Muna Chair Neri Colme­nares, ang nararapat ay itigil na ang “red-tagging.” “Ang ‘sorry’ ng AFP ay hindi sincere hanga’t hindi nila ihihinto ang red-tagging,” ayon kay Colmenares. Sa isang press briefing kahapon sa …

Read More »