Monday , March 27 2023

Wanted sa child sex trafficking
QUIBOLOY HAMON SA MARCOS-SARA TANDEM, at DUTERTE REGIME

020722 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

ISANG malaking hamon sa rehimeng Duterte at tambalang Marcos-Duterte ang pagiging malapit kay Kingdom of Jesus Christ church leader Pastor Apollo Quiboloy matapos ihayag ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Estados Unidos na ang spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kasama sa kanilang most wanted list bunsod ng patong-patong na kaso kabilang ang child sex trafficking.

Bukod sa pagiging leader ng sekta at itinuturing na spiritual adviser ni Pangulong uterte, si Quiboloy ay isa sa mga oligarka na nakasambot ng inatadong ABS-CBN frequencies.

“Malaking hamon sa Duterte regime at maging sa Bongbong-Sara tandem na huwag kanlungin si Quiboloy, lalo’t inendoso niya ang tandem ng administrasyon kamakailan. They are complicit in coddling the ‘wanted sex trafficker’ and in causing further injury to those victims who have come forward to expose Quiboloy’s crimes,” ayon kay Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas.

Hinimok ni Brosas ang Department of Justice (DOJ) na maglabas ng hold departure order (HDO) laban kay Quiboloy upang mamonitor ang anomang pagtatangkang lumabas ng bansa ang isang ‘wanted’ o pinaghahanap ng batas habang ikinakasa ang extradition request ng US government kahit kontra ito sa nais ni Pangulong Duterte.

“We again ask the DOJ to do whatever is necessary to facilitate the attainment of justice to all the victims of Pastor Quiboloy — even if those measures would run counter to Duterte’s wishes,” ani Brosas.

Nanawagan din ang mambabatas kay Quiboloy na sumuko na at harapin ang mga kaso imbes palabasin na siya pa ang biktima.

“Pa-victim itong si Pastor Quiboloy. E siya itong maraming binikti­mang kababaihan at menor de edad ayon sa indictment charges laban sa kanya. For someone who is accused of molesting minors and trafficking victims to the US, Quiboloy must really be thick-faced to liken himself to Biblical figures. Sumuko na lang dapat siya,” giit ni Brosas.

“Si Joseph, inapi kahit walang kasalanan. Si Pastor Quiboloy, nang-api at nang-abuso, wanted sex trafficker at sangkot sa napakaraming landgrabbing cases sa Mindanao. Napakalaki ng pagkakaiba,” dagdag ng mambabatas kaugnay sa taguri ni Quiboloy sa sarli na isang “modern-day Joseph.”

Inilabas ng FBI sa kanilang website ang wanted poster ni Quiboloy bunsod ng mga kasong  “conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, and sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion; conspiracy; bulk cash smuggling.”

Napaulat noong Nobyembre 2021 na nais ng mga awtoridad sa Amerika na kompiskahin ang mga ari-arian ni Quiboloy dahil ito’y ‘ill-gotten.’

Itinuturing ng FBI na “ill-gotten” ang properties ni Quiboloy sa US dahil resulta ito ng mga ginawang krimen.

Kabilang sa mga nanganganib na makom­piskang ari-arian ni Quiboloy sa Amerika ay ang Cessna Citation Sovereign, isang private aircraft na may current market value na $18 milyon, isang Bell 429 helicopter, ilang luxury cars at real estate properties, gaya ng isang million-dollar mansion sa Calabasas, California.

May mga bahay din umano si Quiboloy sa Las Vegas, Nevada, at sa Kapolei, Hawaii, at ang main headquarters ng KOJC na may address sa US na 14400 Block of Vanowen Street, Van Nuys, California.

Nagsimula umanong subaybayan ng US authorities ang mga aktibidad ni Quiboloy mula nang madetine siya nang isang araw sa Honolulu noong 13 Pebrero 2018 nang matuklasan ng customs officials sa kanyang luggage ang gun parts, $335,000 cash at $9,000 Australian dollars sa kanyang private aircraft.

Marami ang nag-aabang kung ipagta­tanggol ni Pangulong Duterte si Quiboloy gaya nang pagsangga niya sa dating economic adviser na si Michael Yang na nasangkot sa maano­malyang Pharmally deal at sa campaign financier niyang si Dennis Uy sa kuwestiyonableng Malampaya contract.

About Rose Novenario

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …