Saturday , May 21 2022
Arrest Posas Handcuff

Sa Angeles City, Pampanga
4 NAGPAPAKALAT NG PEKENG PERA NASAKOTE NG NBI

ARESTADO ang apat kataong pinaniniwalaang nagpapakalat ng mga pekeng pera sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.

Sa pahayag na inilabas ng ahensiya nitong Martes, 2 Pebrero, kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor ang mga suspek na sina Joeylyn Castro, Virgilio Yalung, Zenia Andres, at Marilyn Lucero.

Nabatid na unang nakipag-ugnayan ang NBI sa Payments and Currency Investigation Group, Office of the Assistant Governor, Payments and Currency Development Sub-Sector, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sa lokal na awtoridad upang mahuli ang mga suspek.

Nagtungo sa isang money changer sina Yalung at Castro ngunit hindi pinalitan ang dala nilang dolyar dahil peke at sa pagkakataong ito ay nilapitan na sila ng mga awtoridad at inaresto.

Nakompiska mula sa kanila ang 78 piraso ng pekeng US dollar bills na may iba’t ibang serial numbers.

Matapos ituro nina Castro at Yalung ang pinanggagalingan ng mga pekeng dolyar, agad nagsagawa ng follow-up operation ang NBI hanggang matimbog sina Andres at Lucero sa Bamban, Tarlac.

Kasalukuyan nang nakadetine ang mga suspek na nahaharap sa kasong Illegal Possession, at Use of False Treasury o Bank Notes. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

052022 Hataw Frontpage

Exclusive!
PAUL SORIANO BAGONG PALACE EXECUTIVE

ni ROSE NOVENARIO MAISASALBA na ang karerang muntik lumubog ni multi-awarded film director at mister …

051922 Hataw Frontpage

Hirit sa Korte Suprema,
MARCOS, JR., ‘PAG NA-DQ, ROBREDO ILUKLOK NA PANGULO

ni ROSE NOVENARIO SI VICE PRESIDENT Leni Robredo ang dapat iluklok na ika-17 Pangulo ng …

P3-M Ketamine kompiskado sa Taiwanese

P3-M Ketamine kompiskado sa Taiwanese

ARESTADO ang isang Taiwanese national sa 600 gramo ng ketamine na aabot sa P3,000,000 ang …

The Women Club Nova Villa Tetchie Agbayani Tina Paner

The Woman Club ng Kapitana Media umaarangkada na

I-FLEXni Jun Nardo MAPAPANOOD na onboard ng Emirates at Philippine Airlines ang digi-film na The Women …

Taguig

Sariling eco bags hinikayat sa Taguig mobile market

NANAWAGAN ang local government unit (LGU) sa mga mamimili sa Mobile Market na magdala ng …