Tuesday , July 16 2024
prison rape

Rapist ng Tacloban timbog Bulacan

NADAKIP ng mga awtoridad sa lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan ang isang lalaking may kinahaharap na reklamong panggagahasa sa menor de edad niyang nobya sa lungsod ng Tacloban, lalawigan ng Leyte.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel Ochave, Bulacan police director, kinilala ang suspek na si Raymart Adolfo, 23 anyos, isang bartender.

Nadakip ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng city police station (CPS) ng Tacloban at Malolos, matapos gamitin ng mga awtoridad bilang pain ang babaeng nakilala at nakausap sa social media.

Dinakip si Adolfo sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Tacloban Regional Trial Court kaugnay sa tatlong bilang ng kasong rape sa menor de edad niyang nobya.

Ayon kay P/Lt. Barry Baluyot, tracker team head ng TCPO, naganap ang panghahalay noong 2016, nang pagbantaan ng suspek ang biktima na ibubulgar niya sa mga magulang ang nangyari sa kanila kung hindi siya papayag na makipagtalik muli.

Pumapayag ang menor de edad dahil sa takot at may mga pagkakataon pang binibigyan ni Adolfo ang biktima ng softdrinks at pagkain na may pampahilo.

Nang sampahan ng kaso, nakarating ng Bulacan ang suspek mula Eastern Visayas upang magtago hanggang matunton ng pulisya ang kanyang kinaroroonan.

“Base sa aming intelligence information, mahilig siyang makipag-date, makipagkaibigan sa mga babae through social media or other platforms. Kaya naniniwala kami sa pamamagitan noon, makukuha namin ‘yung whereabouts nitong suspek na ito,” ani Baluyot.

Agad ibabalik sa Tacloban si Adolfo upang humarap sa korte kapag nakompleto na ang travel requirements kaugnay ng CoVid-19 pandemic. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …

Francis Tolentino

Sakripisyo, galing, at husay ng Pinoy nurses kinilala
Tolentino tiniyak PH Nursing Act of 2022 mahigpit na tututukan

PINURI ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang sakripisyo ng mga Pinoy nurses hindi lamang …

Bongbong Marcos Francis Tolentino

Tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa Calabarzon Region sa pamamagitan ng TUPAD program ikinasa

MAHIGIT sa 12,000 mangingisda at magsasaka mula sa lalawigan ng Cavite at Rizal ang nabigyan …

First Lady Liza Araneta-Marcos Pasig River Esplanade

Pasig River Esplanade pasyalang paraiso sa Pasig River –  First Lady

NAGBIGAY ng buong suporta si First Lady Liza Araneta-Marcos para mapadali ang ginagawang Pasig River …

Marcoleta Miru

Miru Systems’ 18 Billion Peso Contract for Philippine Elections Sparks Major Concerns

Manila, Philippines — On July 9, 2024, Hon. Rodante D. Marcoleta, Party List – SAGIP, …