Sunday , May 29 2022
shabu drug arrest

4 tulak ng shabu, nalambat sa Navotas

APAT na tulak ng ilegal na droga ang naaresto sa magkakahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

Batay sa ulat ni Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging, dakong 1:50 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr., ng buy bust operation sa Badeo 5, Brgy. San Roque.

Dito nagawang makaiskor ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na posuer buyer at kaagad na nasakote ang kanilang target na si Maribel Lacambra, 36 anyos (pusher/listed), at Redford Dela Cruz, alyas Empot’l, 33 anyos ng nasabing lugar.

Tinanggap ng mga suspek ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu at makuha ang tinatayang 2.48 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P16,846 at marked money.

Nauna rito, 11:20 pm nang madakma rin ng kabilang team ng SDEU sina Romeo Alvaro, 29 anyos, at Rolando Centeno, 53, sa buy bust operation sa Bagong Silang St., Brgy. San Jose.

Nakukha sa mga suspek, ang tinatayang nasa 1.2 grams ng hinihinalang shabu, may standard drug price (SDP) P8,160 at P500 marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …