Wednesday , July 24 2024
Aica Veloso

Aica Veloso, happy sa takbo ng showbiz career

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYA ang newcomer na si Aica Veloso sa nangyayari sa kanyang showbiz career. Siya ay 18 years old at tubong Leyte.

Aminado si Aica na bata pa lang ay dream na niyang mag-artista, kaya ngayong nagkaroon ng katuparan ay masayang-masaya ang sexy newbie actress.

Wika ni Aica, “Bale, natuklasan po iyon ng mother ko since nasa kinder level po ako, lagi na po akong nagpa-pageant.

“Na-try ko na rin po ang mag-audition sa Goin Bulilit noon. But sadly, hindi po ako nagtuloy-tuloy doon dahil hindi po sapat ‘yung pera na magagastos namin para magpabalik-balik ako. Plus, simula kinder hanggang before mag-pandemic, ako po lagi ‘yung naaatasan maging muse ng classroom, kaya super na-e-enjoy ko po ‘yung pagpa-pageant talaga.”

Dagdag niya, “Definitely yes po, nag-e-enjoy ako sa nangyayari sa career ko and sana po ay tuloy-tuloy na ‘yung karera ko sa pagganap sa mga movies na ibibigay ng Viva.”

Hanggang saan ang kaya niyang ipakita pagdating sa pagpapa-sexy sa pelikula?

Aniya, “Like, ‘yung sexy scenes, mga daring na eksena, love scene na girl to girl… iyong mga ganoon po. Actually, kung ano po ‘yung kailangan ng director ng movie namin, ibibigay ko po, ready po ako sa lahat.”

So far, saang pelikula siya pinakanag-daring at ano-ano na ang nagawa niyang movies?

“Iyong movies po na nagawa ko so far, iyong Sanggano, Sanggago’t Sangguwapo, Palitan, Expensive Candy, at Kaliwaan.

“Ang pinaka-daring naman po na nagawa kong movie ay ang Palitan, directed by Brillante Mendoza po,” wika pa niya sa pelikulang pinagbidahan nina Jela Cuenca, Cara Gonzales, Luis Hontiveros, at Rash Flores na pumatok nang husto sa Vivamax.

Ngayon ay katatapos lang gawin ni Aica ang pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana, titled Expensive Candy. Ito ay tinatampukan nina Julia Barretto at Carlo Aquino.

Ano ang role niya sa pelikula?

Tugon ni Aica, “Friend po ako ni Julia and dancer po ‘yung role namin doon, nandoon din po si Carlo Aquino na katambal ni Julia and ito po ay directed by Jason Paul Laxamana.”

Kumustang ka-work sina Julia at Carlo?

Esplika ng magandang talent ni Jojo Veloso, “Wala po talaga kaming eksena ni Carlo Aquino, na ‘yung magkasama kami talagang dalawa.

“Karangalan pong maka-work ang mga artista ng iba’t ibang TV network, masasabi kong ang professional nila ka-work and madali makuha ang mga eksena… magagaling po sila.”

Nabanggit pa niyang ang bidang aktres ng Expensive Candy na si Julia ay cowboy at walang ere sa katawan pagdating sa trabaho.

“Actually, hindi ko po expected na ganoon siya, na makikihalubilo lalo sa mga starting pa lang na Viva artist, like me.

“Nagtanong pa siya ng mga steps na gagawin namin sa isang scene, kasi pina-on the spot ni Direk ‘yung dance po namin doon.”

Magaling ba siyang sumayaw?

“Uhm… hindi naman po ako ganoon kagaling pagdating sa sayaw, but I do have Tiktoks po on my tiktok account. Simple steps lang naman po ang in-ask na gawin namin ni Julia,” nakangiting pahayag ni Aica.

About Nonie Nicasio

Check Also

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

Gary Valenciano Inspired

Gary Valenciano pinakaba ang netizens sa black & white poster

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang matawa ni Gary Valenciano sa naging reaksiyon ng netizens sa black and …

GMA Gala PBB Gen 11

PBB at GMA Gala nagtapatan, sino ang nag-trending?

I-FLEXni Jun Nardo KATAPAT sa  streaming ng GMA Gala ay ang pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya …

Barbie Forteza Herlene Budol Kyline Alcantara Kobe Paras

Barbie patakbong tinulungan si Herlene; Kyline nakaw-eksena sa kasamang escort 

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN si Barbie Forteza na nakuhanang tumulong kay Herlene Budol nang mahulog ito sa isang bahagi …

blind item

Bagong gay series bokya, ‘hindi kinagat 

HATAWANni Ed de Leon AY sorry, mukhang hindi kinagat ng mga bading iyong isang bagong …