Monday , May 29 2023

Netizens duda sa ‘proof of life’
KALUSUGAN NI DUTERTE NAKOMPROMISO

020422 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario               

SAMPUNG araw mula nang huling makita ng publiko si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang kumalat ang impormasyon na nasa kritikal siyang kondisyon sa isang pagamutan, kinompirma kahapon ng Palasyo na nakompromiso ang kalusugan ng Punong Ehekutibo.

Pasado 5:00 ng hapon, inilabas sa media ng longtime aide ni Pangulong Duterte na si Sen. Christopher “Bong” Go ang larawan niya kasama sa sasakyan ang Punong Ehekutibo na nakasuot ng personal protective equipment (PPE) at sinabing kanyang personal physician.

Hindi binanggit ni Go kung kalian kuha ang larawan.

Nauna rito’y inihayag ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na nasa quarantine si Pangulong Duterte matapos ma-expose sa isang household staff na nagpositibo sa CoVid-19 noong 30 Enero 2022.

Mula noo’y dalawang beses sumailalim sa RT-PCR test ang Pangulo at parehong negatibo ang resulta, ayon kay Nograles.

Aniya, nagtungo sa Cardinal Santos Medical Center ang Pangulo para sa regular check-up ngunit walang petsang binanggit kung kailan ito nangyari.

Iginiit ni Nograles, hindi labag sa quarantine protocol ang pagpunta ni Duterte sa regular check-up sa Cardinal Santos Medical Center kahit nasa ilalim siya ng quarantine.

“There is no violation. Based on the assessment of the President’s physician, he was cleared to go and have his medical check up.”

Kaugnay nito, nagduda ang ilang political observers sa timing ng pagsasapubliko na nakompromiso ang kalusugan ng Pangulo.

Posible umanong naghahakot ng simpatya ang Pangulo matapos irekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na sampahan siya ng kaso kaugnay sa maanomalyang Pharmally deal at pagbisto ni datig Comelec commissioner Rowena Guanzon na isang senador na malapit sa kanya ang nag-iimpluwensiya sa poll body para hindi ibasura ang disqualification case laban kay presidential aspirant  at anak ng diktador Ferdinand “Bongbong” Marcos.

About Rose Novenario

Check Also

Mr DIY Kramers

MR.DIY introduces Team Kramer as new brand ambassadors

Doug, Cheska, Kendra, Scarlett and Gavin are the new faces of MR.DIY in its ‘Family …

Nelson Santos PAPI RTC

Pagpili ng ‘PAPI’s Outstanding Court Sheriff inilunsad na

BINUKSAN na ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang pagpili sa natatanging sheriff …

Bonsai exhibit SM Mall of Asia MOA

The grandest Bonsai exhibit at the SM Mall of Asia

Get ready for the grandest bonsai exhibition in Asia, presented by SM Mall of Asia …

DOST 10 PAPI DOST Flores Lantapan, Bukidnon Pineapple Fiber

DOST, Congressman Flores ink partnership to launch project on Pineapple Fiber Extraction in Lantapan

The Department of Science and Technology (DOST) and Representative Jonathan Keith Flores of the 2nd …

DOST 10 Subanen S&T Digital library

628 Subanen learners benefit from DOST’s S&T Digital library

Six hundred twenty-eight Subanen learners from Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) in Conception, Misamis …