INIANUNSYO ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Atty. Hernando Cabrera na magbabalik-operasyon na ngayong linggong ito ang tatlong estasyon ng LRT Line 2, na pansamantalang isinara noong 2019 dahil sa sunog na tumupok sa power rectifier ng rail line sa Quezon City. Ayon kay Cabrera, maaari nang mag-operate muli ang kanilang Santolan, Katipunan, at Anonas stations dahil natapos na …
Read More »Duque, Galvez, mag-walkout kayo — Duterte (Kapag binastos sa Senate hearing)
INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawa niyang opisyal na mag-walkout sa Senate hearing kaugnay sa national vaccination program kapag binastos ng mga senador. Narinig umano ni Presidential Spokesman Harry Roque ang direktiba ni Pangulong Duterte kina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez, Jr., sa kanilang pulong noong Lunes. Humingi aniya ng pahintulot si Galvez sa …
Read More »Vintage bomb natagpuan sa barangay hall (Sa Laoag City, Ilocos Norte)
NAREKOBER ng pulisya at mga residente ang isang vintage bomb na bahagyang nakabaon sa harap ng kanilang barangay hall, sa lungsod ng Laoag, lalawigan ng Ilocos Norte, noong Lunes, 18 Enero. Sa loob ng maraming taon, nagsilbing dekorasyon ang bomba sa harapan ng barangay hall, ani Kapitan Jerry Alonzo ng Barangay 43-Cavit. Ayon kay P/Lt. Col. Rafael Lero, hepe ng …
Read More »Duterte, Sotto hinimok ni Go na magkasundo sa bakuna
HINIMOK ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senate President Vicente “Tito” Sitto III na magkaisa para ganap na maipatupad ng pamahalaan ang road map sa bakuna kontra CoVid-19. Ayon kay Go, kung patuloy ang pagkakaroon ng iringan sa pagitan ng dalawang sangay ng pamahalaan ay tiyak na magkakaroon ng epekto sa ating programa sa pagbabakuna …
Read More »2022 elections ‘di mapipigilan ng pandemya
BUO ang paniniwala ni Senadora Imee Marcos na kahit ang kasalukuyang pandemyang kinahaharap ng bansa at ng buong mundo ay hindi madidiskaril o mapipigilan ang nakatakdang 2022 presidential elections. Ito ay matapos ang unang pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms na pinamumunuan ni Marcos ukol sa pagtitiyak na matutuloy ang 2022 national at local elections. Magugunitang maging ang Pangulong …
Read More »Roque ‘sumabog’ sa hamon ng UP prof na tuligsain si Lorenzana
ni ROSE NOVENARIO MISTULANG machine gun na niratrat ni Secretary Harry Roque si The Source anchor Pink Webb nang hingin ang kanyang reaksiyon sa hamon ni UP journalism professor Danilo Arao sa lahat ng UP faculty at alumni na matataas na opisyal ng administrasyong Duterte na tuligsain ang pagkansela ni Lorenzana sa kasunduan. “There is one more reaction sir that …
Read More »Kanselasyon ng 1989 UP-DND accord diskarte ni Lorenzana (Duterte ‘di kinonsulta)
ni ROSE NOVENARIO SARILING diskarte ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at hindi ikinonsulta kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkansela sa 1989 UP-DND Accord, ang kasunduang nagbabawal sa mga pulis at militar na pumasok at kumilos sa loob ng mga campus ng University of the Philippines (UP). Inamin ito ni Presidential Spokesman Harry Roque isang araw matapos ihayag na suportado ng …
Read More »‘Bato’ natagpuan sa bahay guro sa CamSur arestado
NADAKIP ang isang guro ng public school matapos mabuking ng mga awtoridad sa kaniyang bahay ang tinatayang limang gramo ng hinihinalang shabu sa bayan ng Goa, lalawigan ng Camarines Sur noong Lunes ng gabi, 18 Enero. Kinilala ni P/Maj. Jeric Don Sadia, hepe ng Goa Municipal Police Station (MPS), ang nadakip na suspek na si Melvin Bumanglag, 48 anyos, matapos …
Read More »Buntot ni Digong ‘nabahag’ sa Senado
WALA pang 24-oras mula nang banatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senado sa imbestigasyon sa vaccine procurement deal ng administrasyon at akusahan ang ilang senador na pinapaboran ang paggamit ng mga bakuna ng Pfizer ay inatasan niya si vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na ipaalam kay Senate President Tito Sotto ang mga kasunduan sa pagbili ng gobyerno ng CoVid-19 vaccines. …
Read More »294 pamilyang nasunugan pinaasistehan ni Fresnedi
MAGBIBIGAY ng pinansiyal na tulong para sa 294 pamilyang naapektohan ng sunog sa Barrio Bisaya, Alabang, nitong nakalipas na Linggo. Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, magpapasa ng isang resolusyon ang Muntinlupa City Council para sa ipagkakaloob na financial assistance, bukod pa sa mga pangunahing pangangailangan. Itinakda ang P10,000 financial assistance na ibibigay sa house owners, P5,000 sa house …
Read More »Duterte vs Kongreso sa new ABS-CBN franchise bill
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na kahit may prankisa ang isang kompanya ay hindi niya papayagan mag-operate kung hindi babayaran ang mga obligasyon sa gobyerno. “I assure you, all franchises will not be implemented. I will not implement them until they settle their full accounts with the government,” sabi niya sa kanyang public address kamakalawa ng gabi. “For all I …
Read More »Pagkamatay ng 25 Norwegians, ipinanakot ni Duterte sa mga senador
GINAWANG panakot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga senador na sinabing kursunada ang Pfizer CoVid-19 vaccine ang pagkamatay ng 25 Norwegian elders na naturukan ng bakunang gawa ng pharmaceutical company. “Ayan ‘yung sa Pfizer, gusto ninyong Pfizer, kayong mga senador, in Norway, 25 persons died after receiving Pfizer vaccination. Gusto ninyo? Mag-order kami para sa inyo,” ayon kay Duterte sa …
Read More »Ayon kay Ping: 44 Milyong free dose ng Covid-19 vaccine muntik makalusot
UMUSOK ang kontrobersiya mula mismo sa mga opisyal na inimbitahan sa Senado. Sinabi ito ni Senador panfilo “Ping” Lacsin kaugnay ng kontrobersiya sa bakunang Sinovac na sinabing pinapaboran ng administrasyon. “So the controversy is their own doing. It’s not the Senate, it’s not the senators. We’re performing our job, oversight. We did it in the Bureau of Customs, PhilHealth, and …
Read More »Protestang anti-terror ikinasa sa Diliman (Sa pagbasura ng UP-DND accord)
NAGTIPON nitong Martes, 19 Enero, sa University of the Philippines (UP) Diliman campus, sa lungsod ng Quezon ang mga miyembro ng iba’t ibang sektor upang magsagawa ng kilos-protesta laban sa pagsasawalang-bisa ng Department of National Defense (DND) sa UP-DND Accord na nagbabawal sa presensiya ng militar at pulisya sa mga campus ng UP nang walang pahintulot mula sa mga opisyal …
Read More »Duterte pabor sa kanselasyon ng 1989 UP-DND Accord
ni ROSE NOVENARIO PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkansela ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa 1989 UPD-DND Accord o ang kasunduang nagbabawal sa mga pulis at militar na pumasok at kumilos sa loob ng mga pamantasan ng University of the Philippines (UP) System. “Si Secretary Lorenzana is an alter ego of the President. Of couse, the President supports the …
Read More »Ginang binaril sa mata
PATAY ang isang ginang nang malapitang barilin sa mata habang naglalaro ng game sa cellphone sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Pag-asa, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw. Sa ulat kay P/Brig. Gen. Danilo Mancerin, Quezon City Police District (QCPD) Director, ang biktima ay kinilalang si Yolanda Cariaga, alyas Dian, 47 anyos, walang asawa, residente sa T. Sora …
Read More »13th person of interest sa Dacera case hawak na ng NBI (Cellphones ng respondents isusunod na)
ISUSUNOD ng National Bureau of Investigation (NBI) na isailalim sa forensic examination ang cellphone na ginamit ng mga respondent sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera. Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ito ay kasunod na rin ng pagtatapos ng NBI forensic team sa pagsusuri sa tissues na nakuha ng NBI sa katawan ng 23-anyos flight attendant bago …
Read More »Harry Roque vs Vice Ganda, panlaba hanggang bakuna nag-upakan sa social media
BINUWELTAHAN ng Palasyo si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa pagbatikos sa administrasyong Duterte sa pahayag na hindi dapat maging choosy sa CoVid-19 vaccine dahil libre naman. Matatandaan, bilang sagot sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi puwedeng maging pihikan ang mga Pinoy sa CoVid-19 vaccine, sinabi ng Kapamilya comedian sa isang tweet, “Sa sabong panlaba nga choosy …
Read More »‘Pandemic quarantine’ gamit sa political agenda ng Duterte regime
ni ROSE NOVENARIO SINASAMANTALA ng rehimeng Duterte ang pandemya upang isulong ang political agenda mula Anti-Terror Law hanggang Charter change at supilin ang mga protesta. Inihayag ito ng Second Opinion, isang grupo ng mga doktor at siyentista na nagsisilbing alternatibong boses sa mga usapin kaugnay ng CoVid-19. “Quarantine is now being used to quell dissent while the Duterte regime pushes …
Read More »4 pulis-gapo, asset timbog sa 300 kg shabu (Shabu lab sa SBMA nabuking)
NASAKOTE ng mga awtoridad ang apat na pulis ng Olongapo City PNP kasama ang kanilang asset na hinihinalang nagbebenta ng ilegal na droga nitong Biyernes ng madaling araw, 15 Enero, na nagresulta sa pagkakabisto ng shabu laboratory sa loob ng Subic Free Port. Sa pahayag ni SBMA Chairman at Administrator Wilma Eisma, naglunsad ng anti-narcotics operation ang pinagsanib na puwersa …
Read More »PH senior citizens puwera sa bakuna — Galvez (23 Norwegian seniors patay sa vaccine)
ni ROSE NOVENARIO ETSAPUWERA muna ang mga senior citizen sa pila ng mga prayoridad na tuturukan ng CoVid-19 vaccine sa Filipinas. Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr., napag-usapan nila ni Health Secretary Francisco Duque III na uunahing bakunahan ang 18-anyos hanggang 59-anyos at saka na lamang tuturukan ng CoVid-19 vaccine ang senior citizens kapag mayroon nang bakuna na angkop …
Read More »44 bagong kaso ng CoVid-19 naitala sa MaNaVa (Dalawa patay)
HINDI nakaligtas ang isang pasyente sa Valenzuela City at isa rin sa Navotas City, habang 44 ang nadagdag na confirmed cases sa mga nasabing lungsod at sa katabing Malabon City nitong 13 Enero. Nabatid sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), umabot sa 128 ang active C0Vid-19 cases sa Valenzuela mula sa 108 noong nakalipas na araw. Umakyat sa 8,779 …
Read More »‘President Sara Duterte,’ tablado kay Tatay Digong
TABLADO kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-uudyok sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na lumahok sa 2022 presidential derby. “And my daughter inuudyok naman nila. Sabi ko, ‘My daughter is not running.’ I have told Inday not to run kasi naaawa ako sa daraanan niya na dinaanan ko,” aniya sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Skyway …
Read More »Duterte ‘med rep’ ng Sinovac
NAGMISTULANG medical representative ng Sinovac si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatanggol sa bakuna kontra CoVid-19 na gawa ng China. Sa kanyang talk to the people kamakalawa ng gabi, ginarantiyahan ni Pangulong Duterte na “safe, sure and secure” ang Sinovac dahil matalino ang mga Intsik na gumawa nito. “Now, the bakuna that Secretary Galvez is buying is as good as any …
Read More »Kahit #1 red-tagger Duterte BFF ng communist China
KAHIT nangunguna sa red-tagging sa ilang progresibong mambabatas at organisasyon sa Filipinas, itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na BFF o best friend forever ang komunistang bansang China. Kilalang red-tagger at ninanais ipatanggal ni Pangulong Duterte sa 1987 Constitution ang probisyon kaugnay sa partylist system upang hindi na makalahok sa eleksiyon ang mga progresibong partylist representatives na iniuugnay niya sa Communist …
Read More »