Friday , June 2 2023
Navotas
Navotas

48 bedridden at hirap umalis ng bahay
NABAKUNAHAN NG BOOSTER SA NAVOTAS

UMABOT sa 48 bedridden na Navoteño at hirap umalis ng kanilang bahay ang nakatanggap ng booster ng bakuna kontra CoVid-19, ayon sa pamahalaang lungsod ng Navotas.

Binabahay-bahay sila ng mobile vaccination team ng lungsod para mabakunahan ng AstraZeneca booster.

Kabilang sa mga barangay na nabisita ng vaccination team ang barangays Tanza 1, Tanza 2, Tangos North, at Tangos South.

Personal na binisita ni Mayor Toby Tiangco para kumustahin at bigyan ng tig-limang kilong bigas at isang buong manok ang nabakunahang bedridden citizens at hindi makaalis ng bahay.

Panawagan ng alkalde sa mga pamilyang may kaanak na bedridden at nais magpa-booster, magpalista lang sa kani-kanilang barangay.

Puwede rin aniyang mag-TXT JRT o mag-message sa Navoteño Ako ng kanilang full name, address, at contact number.

Sa tala ng City Health Office, umabot sa 202,345 ang nakatanggap ng first dose ng CoVid-19 vaccine. Sa bilang na ito, 195,836 ang nakakompleto ng dalawang doses at 48,187 ang nakatanggap ng booster. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …