Tuesday , May 30 2023
shabu drug arrest

Sa P.2-M shabu
LOLA TULAK, LOLO USER 4 PA KALABOSO

MAHIGIT sa P.2 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa anim na bagong identified drug personalities (IDPs), kabilang ang tulak na lola at isang user na lolo matapos maaresto sa isinagawang magkakahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

Ayon kay Malabon City police chief, Col. Albert Barot, dakong 11:30 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Lapu-Lapu Avenue cor. Dalagang Bukid St., Brgy. Longos.

Matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa pagbebenta ng shabu ni Lorena Estavillo, alyas Daisy, 63-anyos lola ng Navotas City ay agad isinagawa ang buy bust operation.

Walang kamalay-malay ang suspek na si Estavillo at ang kanyang kasabwat na si Arjay Ungui, alyas RJ, 28 anyos, isang posuer buyer na pulis ang kanilang ka-deal at dahil sa halagang P500 marked money kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

Kasamang dinakma ng mga operatiba ang tatlong parokyano ng dalawang suspek na kinilalang sina Reynaldo Castillo, 41 anyos, Albert Desabille, 39 anyos, at Zaldy Manio, 61 anyos, nakuhaan din ng tig-isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Ani P/SSgt. Jerry Basungit, tinatayang nasa 29 grams ng hinihinalang shabu, may Standard Drug Price na P197,200 ang narekober ng mga operatiba sa mga suspek, kasama ang marked money.

Dakong 2:00 am nang matimbog din ng mga operatiba ng SDEU sa buy bust operation sa Rizal Ave. Extension, Brgy.Tañong si Pol Bryan De Jesus, 35 anyos, nakuhaan ng walong gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P54,400 at P500 buy bust money.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DOH

Kontrobersiyal na Health official
‘DR. TROUBLEMAKER’ IMBESTIGAHAN NG DOH

HINILING ng grupo ng mga aktibo at retiradong kawani ng Department of Health (DOH) na …

Nelson Santos PAPI RTC

Pagpili ng ‘PAPI’s Outstanding Court Sheriff inilunsad na

BINUKSAN na ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang pagpili sa natatanging sheriff …

DOST 10 PAPI DOST Flores Lantapan, Bukidnon Pineapple Fiber

DOST, Congressman Flores ink partnership to launch project on Pineapple Fiber Extraction in Lantapan

The Department of Science and Technology (DOST) and Representative Jonathan Keith Flores of the 2nd …

DOST 10 Subanen S&T Digital library

628 Subanen learners benefit from DOST’s S&T Digital library

Six hundred twenty-eight Subanen learners from Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) in Conception, Misamis …

Bulacan Police PNP

Negosyante na may kasong sexual abuse nasakote; 24 pang law breakers siyut sa balde

Umiskor ng matagumpay na operasyon ang pulisya sa Bulacan nang mahulog sa kanilang mga kamay …