Nocum bayani ng Rain or Shine! Game-winner, pinatumba ang magnolia

Adrian Nocum RoS vs TnT PBA

GUMAWA si Adrian Nocum (No. 1) shooting guard ng Rain or Shine ng bagong career-high na 31 puntos sa kanilang panalo laban sa Magnolia sa PBA Governors' Cup nitong Biyernes sa MOA Arena. (HENRY TALAN VARGAS)

PINATUNAYAN ni Adrian Nocum na sulit ang tiwala ni coach Yeng Guiao!

Isinalpak ni Nocum ang game-winning drive sa mga huling segundo upang itakas ang Rain or Shine sa dikdikang 98-97 panalo kontra Magnolia, kasabay ng pagtatala niya ng bagong career-high na 31 puntos, sa unang game ng PBA 50th Season Governors’ Cup sa MOA Arena sa Pasay Ciy. 

Dahil sa panalo, naiposte ng Elasto Painters ang kanilang ikatlong sunod na tagumpay.

Hindi naging madali ang panalo ng Rain or Shine matapos mabura ang maagang 12 puntos na pagkakahabol, malagpasan ang walong beses na tabla at siyam na pagpapalitan ng lamang sa kabuuan ng laban.

Sa panig ng Hotshots, humataw si Buffen ng 31 puntos, 17 rebounds at limang assists. Nagdagdag naman sina Zavier Lucero, Ian Sangalang, Paul Lee at Mark Barroca ng tig-11 puntos o higit pa.

Nagbalik ang Magnolia sa unahan nang maipasok ni Ian Sangalang ang kanyang ika-14 na puntos may 24.8 segundo pang nalalabi para sa 97-96 abante.

Ngunit sa pinakamahalagang sandali, sumagitsit si Nocum sa depensa at naibuslo ang panalong basket na tuluyang nagselyo sa 98-97 panalo ng Rain or Shine. (HNT)

PIN4D

PIN 4D

Login PIN4D

Daftar PIN4D

Link PIN4D

Link alternatif PIN4D

Situs PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D