Bilang host ng 2027 Mindanao Youth Games
Lanao del Norte, bagong sentro ng sports tourism sa Mindanao

Lanao del Norte Mindanao Youth Games

TUBOD, Lanao del Norte — Mula sa pagiging lalawigang minsang nakilala sa kaguluhan, unti-unti nang binabago ng Lanao del Norte ang imahe nito bilang bagong sentro ng palakasan, pagkakaisa, at sports tourism sa Mindanao.

Mas lalong paiigtingin ito sa pagho-host ng kauna-unahang Mindanao Youth Games sa Marso 17 hanggang 21, 2027, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), bilang hakbang upang maipakita ang bagong mukha ng lalawigan bilang pangunahing destinasyon ng mga malalaking kompetisyong pampalakasan.

Nasa sentro ng adhikaing ito ang Mindanao Civic Center Sports Complex sa Tubod, isang 66-ektaryang pasilidad na may FIFA-certified football field, World Athletics-standard track and field oval, Olympic-size swimming pool, 5,000-seat gymnasium, at mga pasilidad para sa archery, tennis, combat sports, at weightlifting.

Nakatakda ring maitayo rito ang baseball at softball diamond sa tulong ng PSC at Philippine Amateur Baseball Association.

Ayon kay PSC Chairman Patrick Gregorio, maituturing na isa ang pasilidad sa pinakamahusay sa bansa.

“Sa palagay ko, isa ito sa pinakamagagandang sports facilities sa Pilipinas. Maaaring hindi ninyo ito napapansin, pero tunay itong world-class,” ani Gregorio.

Hindi na rin bago sa malalaking torneo ang nasabing sports complex matapos itong maging punong venue ng Palarong Pambansa noong 2003. Sa patuloy na pagpapaganda ng mga pasilidad, nakatakda itong maging host ng Batang Pinoy sa 2028 at posibleng muling pagdausan ng Palarong Pambansa.

Binigyang-diin din ni Gregorio na layunin ng PSC na mailapit ang malalaking sporting events sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

“Ipinapakita natin na hindi lamang sa Maynila idinaraos ang malalaking kompetisyon. Dinadala natin ito sa Visayas at Mindanao. Kasabay nito ang pagpapaunlad ng regional training centers upang magkaroon ng pagkakataon ang mga lalawigan na maging host ng iba pang malalaking torneo,” aniya.

Lalahukan ang Mindanao Youth Games ng pinakamahuhusay na atletang may edad 18 pababa mula sa anim na rehiyon ng Mindanao na magtatagisan sa hindi bababa sa 12 sporting events.

Para kay Lanao del Norte First District Rep. Imelda “Angging” Quibranza-Dimaporo, matutupad na ang matagal nang pangarap ng lalawigan.

“Ang pagho-host na ito ay isang pangarap na magiging realidad para sa aming lalawigan. Sana ay maisama ng ating mga kababayan ang Lanao del Norte sa kanilang bucket list. Ito ang lupain ng kagandahan at kasaganaan kung saan matatagpuan ang kapayapaan at mababait na mamamayan,” ani Dimaporo.

Bukod sa pagpapakita ng husay ng mga batang atleta, inaasahang magsisilbi rin ang torneo bilang daan sa paglago ng ekonomiya, pagpapalakas ng sports tourism, at pagpapaunlad ng kabataan.

Para kina Governor Muhammad Khalid Dimaporo at Rep. Dimaporo, ang pamumuhunan sa sports ay hindi lamang tungkol sa pagtatayo ng mga pasilidad kundi isang epektibong hakbang para sa kapayapaan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng sports, nais nilang palitan ang dating imahe ng lalawigan at buksan ito sa turismo at pandaigdigang pagkilala.

Nagsimula na rin ang pagbabagong ito matapos italaga ng PSC ang Mindanao Civic Center bilang magiging regional training hub para sa football at baseball upang matiyak ang tuloy-tuloy na paggamit ng mga pasilidad kahit matapos ang torneo.

Samantala, matagumpay ring isinagawa noong Hulyo 28 at 29 ang Lanao del Norte Sports and Youth Summit, kung saan nagsama-sama ang mga eksperto sa coaching, sports psychology, marketing, at media promotion bilang bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman at pagpapatibay ng sports development sa lalawigan.

Pinangunahan ni Gregorio ang delegasyon ng PSC kasama sina Commissioner Matthew Gaston, National Academy of Sports Executive Director Francis Carlos Diaz, PSC Sports Psychology consultant Prof. Karen Trinidad, Pilipinas Sepak Takraw Association president Karen Caballero, at PSC Chief of Staff Loujaye Sonido bilang patunay ng kanilang buong suporta sa bisyon ng Lanao del Norte.

Habang papalapit ang Marso 2027, tumitindi rin ang pananabik hindi lamang para sa mismong kompetisyon kundi sa mensaheng hatid nito—na ang isang lalawigang minsang naging simbolo ng kaguluhan ay maaari ring maging huwaran ng katatagan, pagkakaisa, mabuting pagtanggap sa mga bisita, at pag-unlad sa pamamagitan ng palakasan. (PSC/HNT)

PIN4D

PIN 4D

Login PIN4D

Daftar PIN4D

Link PIN4D

Link alternatif PIN4D

Situs PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D