Saturday , May 28 2022
Bongbong Marcos Sara Duterte Ryan Singson Chavit Singson

Tropa ng United Ilocosurians  para sa Uniteam

SA PANGUNGUNA ni Governor Ryan Singson, League of Municipalities (LMP) President Chavit Singson at libong residente ng Ilocos Sur,  malugod na sinalubong sina presidential at vice presidential candidates Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Sara Duterte, at ng kanilang grupo nang bisitahin nila ang probinsiya nitong 17 Pebrero 2022.

Binaybay ng Uniteam caravan ang Sinait patungong Vigan City. Dito naganap ang magarbong  rally sa Quirino Stadium kung saan maalab na sinalubong ang contingent saliw ang masigabong sigawan ng libu-libong sumusuportang dumalo sa pagtitipon.

Nagkaroon pa ng maikling pagpupulong ang mga miyembro ng Uniteam sa mga opisyal ng  LGU sa bagong pinasinayaang Provincial Farmers Livelihood Development Center,  pagkatapos kung saan ang  caravan ay dumiretso sa Narvacan Farmers Market para makadaupang palad naman ang kanilang masugid na tagasuporta.

Nagpahayag ng buong suporta si Gov. Ryan para sa  Uniteam electoral slate at dagdag pang si LMP President Chavit ay mariing nasa likod para sa pampulitikang desisyon ni  Gov. Ryan.

Ayon kay Gov. Ryan, nandiyan ang Solid North para suportahan ang anak ni Apo Lakay at kanyang  running mate, na may tinatayang 90 porsiyento ng boto ng rehiyon ay nakatali na para sa tambalan ng partido.

Sa pagbisita sa lalawigan, iniulit   ni Marcos Jr.  ang kanyang panawagan ng pagkakaisa ng bansa at gayundin ang paghayag niya ng kagalakan at pasasalamat kay Sara Duterte sa pagpayag nitong maging  running mate  niya sa pambansang halalan.

“I feel that I am the luckiest presidential candidate because my partner running for vice presidents is Mayor Sara Duterte, one of the best and greatest, and most importantly, someone with conviction in her dreams and desires for our beloved Philippines. We both agreed on what course of action is needed to be done for Filipinos to rise up from the crises that we are undergoing – both the pandemic and economic crisis. We might not see eye to eye on other things, but I fervently hope that we can all agree that we can surpass this. That we can face the world and proudly say that we are Filipinos, with heads held high,” ani Marcos,  Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …