Saturday , January 11 2025

News

Rapist na most wanted timbog sa Manhunt Charlie (Sa Pampanga)

ARESTADO ang isang rapist sa isinagawang operation Manhunt Charlie ng mga awtoridad nitong Linggo, 7 Marso, sa bayan ng Bacolor, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon ang suspek na si Eric Cunanan, 34 anyos, residente sa Sta. Lucia, bayan ng Sasmuan, sinasabing kabilang sa most wanted persons ng nabanggit na lalawigan. Sa ulat, agad sinalakay …

Read More »

Binasted ng bebot, kelot naglasing, naghamon ng away

Drinking Alcohol Inuman

NAGPAULAN ng basag na bote ng serbesa sabay naghamon ng suntukan ang isang lasing na binata makaraang biguin ng nililigawang babae sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Sa kulungan na natauhan ang suspek na kinilalang si Joshua San Miguel, 20 anyos, residente sa Dulong Jacinto St., Brgy. Ibaba ng nasabing lungsod. Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Jeric Tindugan at …

Read More »

VP Leni hinamon maglabas ng ebidensiya sa ‘CALABARZON massacre’

HINAMON ng Palasyo si Vice President Leni Robredo na maglabas ng ebidensiya sa pagtaguring masaker ng mga pulis sa siyam na aktibista sa CALABARZON nitong Linggo. “Unang-una, kung personal na nakita ni Vice President iyong pangya­yari, aba’y magbigay siya ng ebidensiya. Kasi ang pananalita niya ay parang nakita ng dalawa niyang mata kung ano ang nangyari roon sa mga patayan …

Read More »

Pagtanggal ng NBI clearance sa gun license naunsiyami (Resolusyon ni Sinas nabitin)

KAILANGAN konsul­tahin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas ang iba pang ahensiya na tumulong sa pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Comprehensive Firearm and Ammunition Act bago ito amyendahan, ayon sa Palasyo. Napaulat na naglabas ng resolution si Sinas na nagtatanggal sa NBI clearance bilang isa sa mga requirements at pinanatili ang police clearance upang …

Read More »

Serye-exclusive: Influence-peddling ‘gasgas na gasgas’ sa multi-billion grand investment scam

ni ROSE NOVENARIO NAGING behikulo ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin ng DV Boer Farm ang pagpasok niya sa media upang makilala ang matataas na opisyal ng gobyerno at magamit sila sa kanyang multi-bilyong pisong investment scam. Ipinangalandakan ni Villamin ang mga video at larawan ng mga politiko at opisyal ng gobyerno sa kanyang social media account para palabasin …

Read More »

Search warrant ‘gamit’ ng PNP sa madugong raid sa CaLaBaRZon

ni ROSE NOVENARIO BUBUSISIIN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang paggamit ng search warrant sa mga inilulunsad na police operations. Inihayag ito ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Adrian Sugay, kinatawan ng Administrative Order 35 Inter-Agency Committee on Extralegal Killings, Enforced Disappearances and other Grave Violations of the right to Life, Liberty, and Security of Persons. “Iyan ho ay …

Read More »

Intel network peligrosong atakehin ng hackers

MALAKI ang posibilidad na malagay sa alanganin ang intelligence network at information ng bansa sa sandaling maitayo ang cell sites sa ilang kampo sa bansa batay sa kasunduang nilagdaan ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) at Dito Telecommunity. Sa ulat ng CNN Philippines, pinagkalooban ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang 3rd telco na kauna-unahang pribadong kompanya …

Read More »

Palawan frontliners tumanggi sa CoronaVac ng China

PUERTO PRINCESA CITY, PALAWAN — Hindi man lang umabot sa kalahati ng bilang ng mga frontline medical worker ng Ospital ng Palawan (OnP) sa Puerto Princesa ang sumang-ayon na mabakunahan ng China-made CoronaVac mula sa Chinese pharmaceutical firm na Sinovac. Naging available ang bakuna ng Beijing-based Sinovac Biotech Ltd., sa health workers sa Palawan noong Linggo, Marso 7, subalit 180 …

Read More »

Bulacan tumanggap ng Sinovac 900 doses (Vaccine rollout nagsimula na)

MATAPOS ang maingat na pagpaplano at pagha­handa para sa pagdating ng mga bakuna, naglaan ang Department of Health Regional Office III (DOH-3) ng 900 doses ng CoVid-19 vaccines mula sa drugmaker na Sinovac Biotech sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 7 Marso. Dinala ang mga bakuna sa itinalagang cold storage room sa lalawigan na matatagpuan sa Isidoro Torres Hall …

Read More »

Calbayog mayor, 2 police escorts patay sa ambush

HINDI nakaligtas sa pana­nam­bang ng armadong kalalakihan ang alkalde ng Calbayog City, sa lalawigan ng Samar, at ang kanyang dalawang police escort nitong Lunes ng hapon, 8 Marso, sa Laboyao Bridge, Brgy. Lonoy, sa nabanggit na lungsod. Sinabi ni P/Lt. Col. Bella Rentuaya, tagapag­salita ng PRO-VII PNP, natanggap nila ang pau­nang ulat na  napaslang si Mayor Ronald Aquino at ang …

Read More »

50 bahay giniba sa Fort Bonifacio

AABOT sa higit 50 bahay ang idinemolis ng Philippine Army sa loob ng kampo sa Fort Bonifacio, Taguig City, iniulat kahapon. Sa impormasyon, nabatid na tatlong dekada nang ginagamit ng mga sibilyan ang kampo at pinagkakakitaan ng ilang residente. Noong una, anim na pamilya umano ang pinayagang tumira sa loob ng kampo hanggang dumami ang mga naninirahan sa loob ng …

Read More »

Health protocols higpitan — Isko

PINAHIHIGPITAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagpapatu­pad ng health protocols sa kalsada at mga barangay. Kasunod ito ng ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domago­so kasama si MPD Director P/BGen. Leo Francisco at mga station commander na ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatu­pad ng health protocols upang matigil ang tumataas na bilang …

Read More »

2 resto bars sa Makati ipinasara ni Mayor Abby

IKINANDADO ng Makati city government ang dalawang high-end bars dahil sa paglabag sa general community quarantine (GCQ) protocols. Ipinasara ang ang Movida Fashion Food + Club at ang Royal Club, sa General Luna St., at Burgos St., sa Barangay Poblacion, Makati City, makaraang ipag-utos ni Makati City Mayor Abby Binay, dahil sa patuloy na paglabag sa health protocols. Layunin nitong …

Read More »

Misis ‘kosa’ na sa ‘food packs’ na may shabu (Para kay mister sa hoyo)

arrest prison

KASAMA nang nakakulong ng 19-anyos misis ang kanyang mister matapos pasalubungan ng pagkaing hinaluan ng shabu sa La Loma Police Station 1 sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Danilo Macerin ang nadakip na si Justine Kate Guinto, 19, residente sa C. Palanca St., San Miguel, Quiapo, Maynila. Sa ulat, dakong …

Read More »

Serye-exclusive: Media nagamit sa multi-billion grand investment scam (Ikalawang bahagi)

ni ROSE NOVENARIO MALAKI ang partisipa­syon ng overseas Filipino workers (OFWs) kaya naluklok sa Malacanang si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, bumuhos ang suporta ng mga migrante sa inaasa­han nilang lulutas sa mga suliranin ng lipunang Filipino. Kaya ganoon na lamang ang hangarin nilang suportahan ang programa ng administra­syong Duterte sa food security ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa …

Read More »

‘Kill, kill, kill’ order ni Duterte, legal — Palasyo

ni ROSE NOVENARIO LEGAL ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at militar na patayin ang mga rebeldeng komunista. “So under IHL (International Humanitarian Law) po, tama iyong order ng Presidente – kill, kill, kill kasi nga po kapag mayroong labanan, kapag ang labanan mo may baril na puwede kang patayin, alangan naman ikaw ang mag-antay na ikaw …

Read More »

‘Express swab test’ modus sa Maynila pinaiimbestigahan

Covid-19 Swab test

IPINABUBUSISI ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isang operasyon na nag-aalok g mahal ngunit pekeng CoVid-19 swab test sa Maynila na nais umuwi sa kanilang lalawigan. Ayon kay Mayor Isko, iniharap sa kanya ang dalawang suspek na nagpanggap na taga-city hall upang mambiktima ng mga Badjao, at pinagbabayad ng P1,000 kada swab test. Halos 100 pekeng swab test …

Read More »

Binatilyo sugatan sa saksak, mister sugatan sa bala

SUGATAN ang isang 16-anyos binatilyo at  isang 53-anyos mister matapos ang naganap na insidente ng pananaksak at pamamaril sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Batay sa ulat ni P/Cpl. Mayett Simeon, may hawak ng kaso, dakong 11:30 pm, sa loob ng isang computer shop na matatagpuan sa 8th St., Block 4 Lot 11, Brgy. Tañong ng nasabing lungsod. Nasa loob …

Read More »

P16-M ‘damo’ nasamsam sa buy bust 2 HVT drug dealers timbog sa Isabela

marijuana

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang tulak ng ipinagbabawal na gamot na hinihinalang high-value targets (HVTs) at nasamsam ang P16-milyong halaga ng mga bloke-blokeng marijuana, sa bayan ng Quezon, lalawigan ng Isabela, nitong Sabado, 6 Marso. Kinilala ni P/Col. James Cipriano, direktor ng Isabela PPO, ang mga nadakip na suspek na sina Anwar Sindatoc, 54 anyos, ng lungsod ng Las …

Read More »

P7-M ‘bato’ natiklo sa delivery boy sa Cebu

shabu drug arrest

NASAMSAM ang isang kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkaka­halaga ng P7,000,000 mula sa isang 36-anyos boy sa Brgy. Ermita, sa lungsod ng Cebu, nitong Sabado, 6 Marso. Kinilala ang suspek na si Carlo Magno Tude, nadakip sa ikinasang buy bust operation ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Cebu City Police Office (CCPO) pasado hatinggabi kama­lawa. Nabatid ng pulisya …

Read More »

Preso nabaril sa dibdib tigbak bagitong parak sa hoyo bumagsak

dead prison

HINDI lang dinis­armahan kundi tuluyang ipiniit ang isang bagong pulis sa lalawigan ng Aurora matapos mabaril at mapatay ang isang PDL (person deprived of liberty) nitong Sabado ng gabi, 6 Marso. Ipinag-utos ni P/Col. Julius Lizardo, hepe ng Aurora PPO, na isailalim si Pat. Christian Torres, 27 anyos, sa restrictive custody sa himpilan ng pulisya ng bayan ng San Luis …

Read More »

Top 1 most wanted sa Sta. Maria, Bulacan arestado

arrest posas

NAKORNER ng mga awtoridad ang itinuturing na top 1 wanted person ng Sta. Maria Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 6 Marso. Sa ulat mula kay Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, kinilala ang nadakip na suspek na si Mahid Ibrahim, alyas Mamao, may-asawa, at residente ng Sitio Gipit, Brgy. San Jose Patag, sa bayan ng …

Read More »

Pulis-Bulacan dinukot sa Norzagaray 2 kasama ipinosas

HINDI lamang sa Maynila may nangyayaring pag­dukot sa mga pulis, maging sa lalawigan ng Bulacan ay may naganap na kahalintulad na insidente. Naglabas ng kautusan si PRO3 Regional Director P/BGen. Valeriano de Leon sa mga miyembro ng Bulacan police na mag­sagawa ng masinsinang imbestigasyon at mala­limang pagsisiyasat sa sinasabing pagdukot kay P/Cpl. Nikkol Jhon Santos, kasalukuyang nakatalaga sa Pandi MPS, …

Read More »

Pagtupad ng NCIP sa EVOSS law garantisado na — Gatchalian

IKINALUGOD ni Senador Win Gatchalian ang pagtupad ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa mga probisyon ng Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS), dalawang taon matapos maging isang ganap na batas, at pasinayaan ang pagsusulong ng mga proyekto sa industriya ng enerhiya. Sa isang Commission En Banc Resolution, inaproba­han ng NCIP ang nakasaad na time frame sa paglalabas ng Certificate …

Read More »