Friday , May 27 2022
Sa Cabanatuan City BEBOT, 3 KELOT TIMBOG SA BATO

Sa Cabanatuan City
BEBOT, 3 KELOT TIMBOG SA BATO

ARESTADO ang isang babae at tatlong lalaking pawang hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Martes ng tanghali, 1 Marso.

Kinilala ang mga suspek na sina Byron Kier Reyes, alyas Ron, 25 anyos; Mayean Santos, 27 anyos, kapwa residente ng Lexber Subdivision, Brgy. Bangad; Antonio Lumibao, Jr., 50 anyos, residente sa Lakewood Subdivision, Brgy. Sumacab Este; at

Rogelio Grajo, Jr., 39 anyos, residente sa Brgy. Kapitan Pepe, pawang sa naturang lungsod.

Nakompiska mula sa mga suspek ang limang selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng halos 28 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P170,000; at marked money na ginamit ng poseur buyer.

Isinagawa ang entrapment operation ng magkatuwang na puwersa ng mga tauhan ng Nueva Ecija Provincial Police Office at mga ahente ng PDEA Nueva Ecija.

Nakatakdang sampahan ng ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek sa korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Angat Dam

Antas ng tubig sa Angat Dam posibleng tumaas pa

Inihayag ng National Water Resources Board (NWRB) na posibleng tumaas ang antas ng tubig sa …

Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
KILABOT NA KAWATAN, SWAK SA SELDA

Sa pagpapatuloy ng kampanya laban sa mga kriminal na pinaghahanap ng batas, nadakip ng mga …

“Sambigkis Laban sa Kriminilidad” inilunsad sa Laguna

“Sambigkis Laban sa Kriminilidad” inilunsad sa Laguna

Pomal na inilunsad nitong Martes nga hapon, 24 Mayo, ang Sambigkis Advocacy Support Group kasabay …

Bongbong Marcos Sara Duterte Proclamation

Marcos – Duterte tandem iprinoklama na NBoC sa Kamara

ni Gerry Baldo Iprinoklama ng National Board of Canvassers ngayong hapon ang tandem nila Bong …

7 illegal E-sabong, naipasara na — DILG

Naipasara na ang pitong e-sabong websites na ilegal na nag-o-operate, matapos ipag-utos ni Department of …