Wednesday , May 25 2022
CBCP

CBCP hindi neutral, magnanakaw at sinungaling kondenahin

NANINDIGAN ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi neutral ang kanilang hanay sa mga usapin sa politika.

Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP public affairs committee, kinokondena ng Simbahang Katolika ang mga magnanakaw at sinungaling.

“In the battle against evil, injustice, lies, etc., the Church has always been brave in expressing her stand — she is against evil, she is not neutral,” pahayag ni Secillano.

Paglilinaw ni Secillano, hindi magkapreho ang non-partisan at pagiging neutral.

“Being non-partisan” means her loyalty is neither with the candidate nor with any political party,” pahayag ni Secillano.

“It is with the people. She should always be for the people,” dagdag ng pari.

Pumalag si Secillano sa pahayag ng kampo ni presidential candidate at dating Senador Ferdinand Marcos, Jr., na ginamit ang mga pari para sa mapanira at negatibong uri ng pangangampanya.

“Ironically, when [the Marcos] camp received the seeming endorsement of a lay religious leader, they did not complain,” pahayag ni Secillano.

Una nang binatikos ng mga kritiko si Vice President Leni Robredo dahil sa umano’y paggamit sa Simabahan para sa kanyang political campaign.

“Masyado naman ’yung insulto sa Simbahan. Tingin ko, ang Simbahan, hindi naman magpapagamit,” pahayag ni Robredo sa media interview.

Ayon kay Secillano, ngayong mainit ang usapin sa politika, hindi maiwasan na magamit ang pangalan ng Simbahan Katolika.

“It is hypocritical to say that their candidate is the only best hope for the people,” pahayag ni Secillano.

Una nang sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na kapag neutral ang Simbahang Katolika, pumapanig ito sa kasamaaan.

“When there’s a murder … when you’re neutral you are for the murderer, because neutrality in the face of murder, favors the murderer,” pahayag ni Villegas.

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa Caloocan City
P55-M SHABU TIMBOG SA BIG TIME TULAK

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P55 milyong …

Marawi

462 units ng pabahay ipinamahagi sa Marawi

PORMAL nang naipamahagi ang 462 permanenteng bahay sa mga benepisaryong nawalan ng tirahan noong 2017 …

MMDA, NCR, Metro Manila

Pumping station sa Metro handa sa tag-ulan — MMDA

KINOMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na operational at nasa maayos na working conditions …

shabu drug arrest

P.4-M kompiskado sa nasakoteng 6 drug pushers

TINATAYANG 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000 ang nakompiska sa anim na …

shabu

P3-M droga tiklo, 8 tulak arestado

AABOT sa mahigit sa P3 milyon (P3,808,000) halaga ng hinihinalang ilegal na droga (shabu) ang …