Friday , December 5 2025

News

Mas mataas na multa, kulong vs employers na lalabag sa wage orders isinusulong

money peso hand

MULTA na nagkakahalaga ng ₱25,000 at pagkakakulong ng isa hanggang dalawang taon ang maaaring kaharapin ng mga employer na hindi susunod sa itinakdang ₱50 dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners sa Metro Manila simula 18 Hulyo. Ito ang babalang inihayag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada kasabay sa pagsusulong ng kanyang panukalang batas na magpapataw …

Read More »

Sa San Juan City
E-bikes tinangay 2 suspek timbog

San Juan Police PNP

ARESTADO ang dalawa katao na sinabing nagnakaw ng mga e-bike sa Brgy. Salapan, lungsod ng San Juan, nitong Huwebes ng umaga, 17 Hulyo. Kinilala ang mga suspek na sina alyas Hanz, 23 anyos, alyas Mimay, 25, kapwa mga residente sa Tondo, lungsod ng Maynila. Ayon sa ulat mula sa pulisya, dumating ang dalawang suspek sakay ng tricycle sa lugar na …

Read More »

Sa Las Piñas City
743 senior citizens tumanggap ng libreng pneumonia vaccine

Las Piñas 43 senior citizens free pneumonia vaccine

NASA kabuuang 743 senior citizens ang nakatanggap ng libreng  pneumonia vaccines sa isinagawang  health drive na inorganisa ng Las Piñas City Health Office sa SM Center Las Piñas. Pinangunahan ito ni Mayor April Aguilar bilang bahagi ng tuloy-tuloy na hakbang ng pamahalaang lungsod upang protektahan ang mga nakatatanda mula sa respiratory illnesses. Binisita ni Mayor Aguilar ang venue at personal …

Read More »

Maling akala vs panukalang “Parents Welfare Act” klinaro

Nursing Home Senior CItizen

NAIS itama ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang ilang maling akala at malisyosong paratang ng ilang sektor tungkol sa kanyang Senate Bill 396, o ang “Parents Welfare Act of 2025.” Ani Lacson, bagama’t layunin ng panukala niya ang tiyaking susuportahan ang mga magulang sa oras ng pangangailangan, hindi kasama ang mga magulang na napatunayang nang-abuso, nanakit at nang-abandona ng anak. …

Read More »

Legal adoption at anti-human trafficking nais palakasin
‘BABIES FOR SALE’ ONLINE ISASALANG SA SENADO

071825 Hataw Frontpage

ni Niño Aclan “BABIES are not commodities.” Binigyang-diin ito ni Senadora Pia  Cayetano kasabay ng panawagan para sa isang imbestigasyon sa Senado kaugnay ng nakababahalang pagdami ng mga kaso ng pagbebenta ng mga sanggol sa social media. Ito ay kasunod ng ulat mula sa Commission on Human Rights (CHR) at Philippine National Police (PNP) ukol sa mga sindikatong nang-aabuso sa …

Read More »

Dahil sa pagiging co-equal branch of government
SC PINAALALAHANAN NI CARPIO SA PAG-USIG vs MAMBABATAS

Antonio Carpio SC Supreme Court

PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema kaugnay sa pagkuwestiyon at pagtatanong sa mga mambabatas lalo na’t sa ilalim ng Saligang Batas ay mayroong tinatawag na co-equal branch of government. Ayon kay Carpio walang karapatan ang Korte Suprema na tanungin ang bawat mambabatas na lumagda sa resolusyon na nag-impeach kay Vice President Sara Duterte kung …

Read More »

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo, lalaki sa Bulacan tiklo

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo lalaki sa Bulacan tiklo

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng gabi, 16 Hulyo. Kinilala ang suspek na si alyas JB, 30 anyos, residente ng SJDM Heights, Brgy. Muzon, sa nabanggit na lungsod, na naaktuhang kinakatay ang isang ninakaw na motorsiklo sa loob ng kaniyang …

Read More »

Batangas SP nananawagan ng pagkakaisa para sa sesyon

Batangas Money

NANANAWAGAN ng pagkakaisa ang mga board members at lupon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas dahil hindi pa rin naipapasa ang Internal Rules of Procedure (IRP) o ang kanilang magiging gabay para sa pagganap ng mga sesyon ng lalawigan. Nabatid na hindi pa naaaprobahan ang committee report na nilagdaan ng lahat ng Board Members sa isinagawang 2nd Regular Session noong …

Read More »

Para sa State of the Nation Address
MGA BOMBERO KATUWANG SA SEGURIDAD NI PBBM

BBM Bongbong Marcos BFP

MAGIGING bahagi ang Bureau of Fire Protection (BFP) para magbigay seguridad  sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa 28 Hulyo, huling Lunes ng buwan. Ito ang inihayag kahapon ni Fire Director Jesus Fernandez sa  isinagawang Meet the Press sa national headquarters ng BFP sa Quezon City. Sinabi ni Fernandez, ilang mga bombero …

Read More »

Gunman, 1 suspek sa pinaslang na congress exec, arestado sa buybust             

QCPD Quezon City

NASAKOTE ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawa pang suspek, kabilang ang gunman (tinukoy na sangkot sa ilegal na pagbebenta ng baril) sa pinaslang na opisyal ng Kongreso, sa buybust operation sa lungsod nitong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge, ng QCPD, ang mga suspek na sina alyas …

Read More »

Dating rebelde sa Bulacan sumuko

cal 38 revolver gun

Isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang sumukong rebelde na si alyas “Ka Rosa,” 66 anyos, at residente ng Brgy. Pitpitan, Bulakan, Bulacan, na dating kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na kumikilos sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Zambales, at Bataan. Si Ka Rosa ay …

Read More »

Pag-aari ng ex-Congressman
HIGIT P21-M BUTANE CANISTER NADISKUBRE SA BULACAN

P21-M BUTANE CANISTER Sta Maria BULACAN

NADISKUBRE ang hindi bababa sa 400,000 piraso ng butane canister na nakasilid sa halos 4,000 na tinatayang nagkakahalaga ng higit P21 milyon sa isang warehouse sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng hapon, 15 Hulyo. Sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) ng Malolos, Bulacan, sinalakay ng Philippine National Police – …

Read More »

House Committee on Appropriations, dapat independent — Tiangco

Kamara, Congress, money

ISANG independent na House Committee on Appropriations na hindi nagpapadikta kahit kanino at tanging kapakanan ng mamamayan ang isinasaalang-alang, ito ang iginigiit ni Navotas Rep. Toby Tiangco Ayon kay Tiangco nakahanda siyang akuin ang hamon ng trabaho bilang chairman ng Appropriations ngayong 20th Congress kung susuportahan siya ng kanyang mga kasamahan na ayusin ang proseso sa pagbuo ng 2026 national …

Read More »

Karl Eldrew Yulo, Positibong Tatapatan ang Presyon sa World Juniors sa Maynila

Karl Eldrew Yulo Cynthia Carrion

BAGAMAT aminado sa presyon ng pagiging host country, nananatiling positibo si Karl Eldrew Yulo na magtatagumpay siya sa harap ng mga kababayan sa 3rd Artistic Gymnastics Junior World Championships na gaganapin mula Nobyembre 20 hanggang 24 sa Manila Marriott Hotel Grand Ballroom, Newport World Resorts, Pasay City. “Nais kong makapagpakita ng magandang performance dahil gusto kong maging isa sa pinakamahuhusay …

Read More »

LRTA, mas pinalakas ang kampanya para sa FIVB Men’s World Championship

LRTA FIVB Mens World Championship

LUBOS na ang pagpapaigting ng kampanya para sa pagho-host ng Pilipinas ng 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship matapos ang paglulunsad ng pakikipag-ugnayan sa Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Martes, sa pamamagitan ng makulay na biyahe ng tren mula Recto Station hanggang sa depot ng LRT-2 sa Santolan, Pasig City. “Simula ngayong araw [Martes], makikita ng mga pasahero ng …

Read More »

Sa Talisay, Negros Occidental
P2.2-M ninakaw na underground internet cable wire narekober

underground internet cable wire

NABAWI ng mga awtoridad ang P2.2-milyong halaga ng ninakaw na underground internet at cable wire habang nadakip ang hindi bababa sa 11 katao sa Brgy. Concepcion, lungsod ng Talisay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Lunes, 14 Hulyo. Ayon kay P/Capt. Reynaldo Bauden, Jr., hepe ng Bacolod Maritime Police Station, nagresponde ang kanilang grupo sa ulat mula sa isang concerned citizen …

Read More »

PWD patay sa umatras na bus driver, 4 katao, sugatan

Dead Road Accident

NAMATAY ang isang taong may kapansanan (PWD), habang lima ang sugatan kabilang ang driver nang umatras ang minamaneho nitong pampasaherong bus kamakalawa ng hapon sa  Brgy. Commonwealth, Quezon City. Patay na nang idating sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Leonora Duldulao, 53 anyos, habang sugatan sina Edgar Canitan, 54; Saidon Maruhom, 21; Anna Grace Fabi, 23; Marco …

Read More »

3 minero todas sa gumuhong tunnel sa Palawan

TATLONG minero ang namatay sa supokasyon nang biglang gumuho ang lupa sa loob ng isang tunnel na sinabing ilegal na pinagmiminahan ng ginto sa Sitio Unggong sa Barangay Tagnato sa Bataraza, Palawan nitong hapon ng Linggo. Kinompirma nitong Lunes ng local officials at ng Bataraza Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRDMO) na tatlong lalaki ang namatay dahil sa …

Read More »

Dis-oras ng gabi
Babae binugbog, sinaksak ng kinakasamang kelot
Nagpapatrolyang pulis nakasagip

Marikina PNP Police

NASAGIP ang isang babaeng sinaksak at sinuntok sa mukha ng kaniyang live-in partner, ng mga nagpapatrolyang pulis sa Brgy. Tumana, lungsod ng Marikina, nitong Lunes, 14 Hulyo. Ayon sa mga awtoridad, naganap ang insidente dakong 12:30 ng hatinggabi kamakalawa sa bahay ng biktima at ng suspek. Dahil sa selos at galit, sinaksak umano ng suspek ang biktima sa kaniyang kanang …

Read More »

Pag-aaral ng Nihonggo, libre sa Marikina

Maan Teodoro Marikina Sakai Japan

LIBRE nang makapag-aral ng salitang Nihonggo ang mga Marikenyo na alok para sa mga mag-aaral at bagong graduate na nais pumunta at magtrabaho sa Japan sa pamamagitan ng Nihonggo training program na inilunsad ng Marikina City local government unit (LGU) at ka-partner na bayan ng Sakai, Japan at Onodera User Run. Ang Nihonggo training program ay tatagal hanggang anim na …

Read More »

PH Blu Girls tinambakan SoKor sa China  
7-0 sa WBSC Women’s Softball Asia Cup

PH Blu Girls WBSC Womens Softball Asia Cup 2025

NAGPAKITA ng mahusay na laro ang Philippine Blu Girls sa WBSC Women’s Softball Asia Cup 2025 at tinambakan ang South Korea, 7-0, sa Xi’an, China, noong Martes.  Agad na umatake ang koponan, nakapuntos ng tatlo sa unang “inning” bago sinelyohan ang panalo sa apat na puntos na karagdagan sa ikalima. Ipinakita ng panalo ang determinasyon ng Filipinas na magkaroon ng …

Read More »

168 empleyado arestado
Online lending app na Easy Peso sinalakay ng NBI-ACG

168 empleyado arestado Online lending app na Easy Peso sinalakay ng NBI-ACG

SINALAKAY kahapon sa ikinasang operasyon ng magkakaibang ahensiya ang ika-22 palapag ng Robinsons Equitable Tower sa Pasig City, na kinilala bilang pangunahing sentro ng operasyon ng Creditable Lending Corporation, ang kompanya sa likod ng kontrobersiyal na online lending application na Easy Peso. Umabot sa 168 empleyado, pawang mga Filipino ang dinakip sa pagpapatupad ng Warrant to Search, Seize, and Examine …

Read More »

Rider ng kolong-kolong timbog sa ‘di lisensiyadong baril

No Firearms No Gun

ARESTADO ang isang lalaki matapos maaktuhang may sukbit na hindi lisensiyadong baril sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng madaling araw, 15 Hulyo. Ayon kay P/Lt. Col. Librado Manarang, Jr., hepe ng San Ildefonso MPS, kinilala ang suspek na si alyas Andrew, 32 anyos, at residente ng Brgy. Maasim, sa naturang bayan. Nabatid na dakong :30 …

Read More »