HINDI nakalilgtasang 17-anyos anak ng alkalde ng Lucban, sa lalawigan ng Quezon, habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang kasama, nang makabanggaan ng minamanehong motorsiklo ang isang delivery truck nitong Lunes ng gabi, 13 Setyembre, sa nabanggit na bayan. Kinilala ang namatay na si Guitahm Oli Salvacion Dator, 17 anyos, anak ni Lucban Mayor Celso Olivier Dator. Patuloy na nakikipaglaban …
Read More »Alitang mag-asawa sa Kalinga mister patay, misis sugatan
PATAY ang isang 20-anyos mister habang sugatan ang kanyang maybahay nang manghimasok sa kanilang pagtatalo ang kapatid ng babae sa bayan ng Tanudan, lalawigan ng Kalinga, nitong Linggo, 12 Setyembre. Ayon sa mga imbestigador, binaril at napatay ng suspek na kinilalang si Milandro Maslang, ang kanyang bayaw na si Joey Gobyang, habang nakikipagtalo sa misis na si Carmen, 33 anyos, …
Read More »92K bakuna kontra CoVid-19 naiturok na sa Cainta
UMABOT sa 92,896 doses ng mga bakuna ang naiturok sa mga residente ng bayan ng Cainta, sa lalawigan ng Rizal. Ayon sa Facebook post ni Cainta Mayor Keith Nieto, kabilang sa kabuuang bilang ang 63,412 para sa unang dose, habang 29,484 para sa ikalawang dose. Aniya, naibahagi ang 6,532 doses sa frontliners; 29,398 sa senior citizens na nasa kategoryang A2; …
Read More »23 pasaway sa Bulacan sa kalaboso bumagsak
INARESTO ang pitong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, 14 sugarol, at dalawang iba pa sa sunod-sunod na operasyong inilatag ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan simula noong Lunes, 13 Setyembre, hanggang Martes, 14 Setyembre. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nasakote ang pitong drug suspects sa buy bust operations na ikinasa ng Station Drug …
Read More »Kabataang Pinoy nahaharap sa ‘learning crisis’ sa ikalawang taon ng remote schooling
MANILA — Sa pagtanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukala para sa pagbubukas muli ng mga primary at secondary schools sanhi ng pangamba na mahawaan ng CoVid-19 ang mga kabataan at ang mga nakatatanda, pinanatiling nakasara ng pamahalaan ang in-person classes simula nang magkaroon ng pandemyang. Nananatiling tahimik ang mga silid-aralan habang milyong mga kabataan ang nagsimula sa kanilang online …
Read More »Doktora tinangkang patayin, 37-anyos kelot suspek ligtas sa ‘hatol ng bayan’
SA KULUNGAN bumagsak ang isang lalaking pumasok sa isang klinika at tinangkang saksakin ang 51-anyos doktor sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Malabon City Police Chief P/Col. Albert Barot, dahil sa mabilis na pagdating ng mga tauhan ni Sub-Station 1 commander P/Lt. Joseph Almayda, ‘naisalba’ ang suspek na si Paulo Gonzales, 37 anyos, residente sa P. Concepcion St., …
Read More »‘No vaccination, No dine-in policy’ sa Cebu City, iimbestigahan ng DILG
BINUBUSISI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang napaulat na pagpapairal ng “no vaccination, no dine-in policy” sa Cebu City. Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang naturang polisiya ay hindi aprobado ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). Aniya, inatasan nila ang DILG regional office sa Cebu na makipag-ugnayan kay acting …
Read More »Imbestigasyon sa ‘illegal drug links’ ni Michael Yang giit ni De Lima
MATAPOS masangkot ang pangalan ni Michael Yang sa kontrobersiyal na pagbili ng pamahalaan ng facemasks, face shields, personal protection equipment (PPE), at test kits, muling isinusulong ni Senadora Leila de Lima ang pagsasagawa ng imbestigayon sa dating Presidential adviser sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga. Ayon kay De Lima, ngayong panibagong kontrobersiya ang kinasasangkutan ni Yang, marapat na hubarin …
Read More »Harry Roque isinuka ng UP
ISINUKA ng kanyang mismong alma mater na University of the Philippines (UP) si Presidential Spokesman Harry Roque. Sa isang kalatas, inihayag ng UP Diliman Executive Committee ang nominasyon para maging isa sa 34 na miyembro ng International Law Commission. “The UP Diliman Executive Committee at its 314th meeting held on 13 September 2021, resolves that it opposes the nomination of …
Read More »Alert Level 4 sa Metro Manila simula bukas
ISASAILALIM sa Alert Level 4 ang Metro Manila simula bukas, 16 Setyembre, alinsunod sa bagong quarantine classification scheme ng administrasyong Duterte Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, umpisa ito ng implementasyon ng granular lockdown upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng CoVid-19. Ibig sabihin ng Alert Level 4 ay lomolobo ang kaso ng CoVid-19 at mataas ang utilization rate ng …
Read More »‘Pharmally deals’ scam of the decade
ni ROSE NOVENARIO MAITUTURING na ‘scam of the decade’ ang maanomalyang paggagawad ng administrasyong Duterte ng P12 bilyong halaga ng kontrata sa Pharmally Pharmceutical Corporation para sa medical supplies. “The Pharmally Deals have the makings of a ‘scam of the decade’ that could rival the Napoles PDAF scam,” sabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, Jr. Mas malaki …
Read More »10K ayuda biyaya sa 10K benepisaryo
UMABOT sa 10,458 ang mga nakatanggap ng P10K ayuda sa ilalim ng programang Sampung Libong Pag-asa ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at mga kaalyadong kongresista sa BTS o Back To Service kasama si Congw. Lani Cayetano. Pangunahing layunin ng 10K ayuda na maiahon, hindi lamang maitawid sa kanilang lugmok na kalagayan ang mga Filipino dulot ng pandemyang CoVid-19. Kabilang …
Read More »Benepisaryo ng 10K ayuda nationwide, mahigit 10,000 na
BULABUGINni Jerry Yap ARAW-ARAW ay iba’t ibang ‘pasabog’ ang naririnig natin. Halos marindi ang ating mga kababayan sa kaliwa’t kanan at walang habas na banatan ng ‘wannabes’ para sa 2022 elections. Puro kuda at dada ang ginagawa para umingay ang kanya-kanyang kampo bago ang filing ng certificate of candidacy (COC) sa darating a-uno ng Oktubre. Imbes magkaisa sa epektibong anti-CoVid-19 …
Read More »Palakasan system umiral pa rin sa SIO promotion! (ATTN: SoJ Menardo Guevarra)
BULABUGINni Jerry Yap ANAK ng pating! “It’s not what you know but whom you know!” ‘Yan halos ang nasambit ng Bureau of Immigration (BI) employees lalo na ‘yung mga nalaglag sa latest promotion for Senior Immigration Officer (SIO). Sa halos mag-aapat na buwang paghihintay mula nang ‘mag-return of the comeback’ si BI Personnel Chief Grifton Medina, nasilip nilang may isa …
Read More »Secretary Harry Roque walang dudang sikat na, gusto pang magpasikat
BULABUGINni Jerry Yap HETO NA… matapos mahimasmasan ni Presidential spokesman Secretary Harry Roque sa kanyang ‘emosyonal na paghuhuramentado’ habang sinesermonan ang mga healthcare workers, nagbabanta siya ngayon na papanagutin sa batas kung sino ang aniya’y nag-leak ng video. Nang tanungin nitong Lunes, hinggil sa isyu ng lumabas na video ng ‘emosyonal na paghuhuramentado,’ kung ang nag-leak ay dapat bang papanagutin …
Read More »P2-B hindi idineklara ng Pharmally sa ITR
HALOS P2 bilyon ang nabigong ideklara ng Pharmaly Pharmaceutical Corporation sa kanilang income tax report (ITR). Ito ang nabunyag sa pagtatanong ni Senador Imee Marco, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersiyal na pondong ipinambili ng face shields, facemasks at iba pang personal protection equipment (PPE). Batay sa dokumentong isinumite ng Pharmally sa Senado, lumalabas …
Read More »QC congressional wannabe, business pal ni Michael Yang (Asawa itinurong ‘druglord’ sa intel report)
IPINATATAWAG ng Senate Blue Ribbon Committee ang mag-asawang kasosyo ni dating presidential economic adviser at Pharmally Pharmaceutical Corporation financier Michael Yang upang alamin ang koneksiyon sa illegal drug trade. Inisyu ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon ang subpoena laban kina Lin Weixiong at asawa nitong si Rose Nono Lin, sinabing kasosyo ni Yang. Pinaniniwalaang si Lin …
Read More »QCPD director ‘natameme’ sa pekeng swat? (Reklamo dahil sa karahasan at loose firearms)
HATAW News Team INIREKLAMO sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar ang kawalan ng aksiyon ni Quezon City Police District (QCPD) director, P/BGen. Antonio Yarra sa loob ng mahigit apat na araw na sapilitang pagpasok at pag-okupa ng mga armadong kalalakihang nagpanggap na SWAT sa isang pribadong lote sa New Manila, Quezon City. Sa panayam kay Atty. …
Read More »Duterte, Yang ‘magkasangga’ sa illegal drug trade (Ninong ng narco-politics) — Trillanes
ni ROSE NOVENARIO “ANG presidente ng Filipinas, involved sa illegal drug trade.” Isiniwalat ito ni dating Sen. Antonio Trillanes IV sa panayam sa online news site Press Room PH. Ayon kay Trillanes, ang kapareha umanong drug lord ni Pangulong Rodrigo Duterte ay si Michael Yang mula alkalde pa ng Davao City ang punong ehekutibo. Umiral ang ‘narco-politics’ aniya sa bansa …
Read More »“Red list” countries papayagan nang makapasok sa bansa
BULABUGINni Jerry Yap MULING inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang pansamantalang pagpapapasok sa mga pasaherong nanggaling sa bansang nasa “Red List” categories o territories gaya ng Azerbaijan, Guadeloupe, Guam, Israel, Kosovo, Montenegro, North Macedonia, Saint Lucia at Switzerland bago pumasok ng Filipinas. Maging sa transiting o pagdaan …
Read More »Si Mark ‘masipag’ sa TV commercials (Para maagang makapambola)
BULABUGINni Jerry Yap NARIRINIG natin ito sa political advertisement ni Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Hindi natin maintindihan kung masipag na DPWH Secretary? Masipag mag-photo op? Masipag sumakay ng eroplano o chopper lalo kung sa mga probinsiya pupunta para ipagmalaki ang infra project o Build Build Build na parang pera niya ang ipinagpagawa? Saan …
Read More »6 arestado, P1.2-B shabu kompiskado (Sa Danao ‘ops’)
ni BRIAN BILASANO ANIM katao ang dinakip at nakompiska ang P1.2 bilyong halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyong inilunsad kontra sa lahat ng uri ng ilegal na gawain at ipinagbabawal na gamot na pinamunuan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Vicente D. Danao, Jr. Nakompiska ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division (RID), Regional Mobile …
Read More »Pharmally naglaba ng ‘dirty money’ sa pandemya (AMLC pasok sa probe)
ni ROSE NOVENARIO MAAARING drug money ang ginamit na puhunan ng Pharmally Pharmaceutical Corporation para pondohan ang nasungkit na P8.6-B kontrata ng medical supplies mula sa administrasyong Duterte kaya walang money trail o walang bakas kung saan nanggaling ang puhunan ng kompanya. Inihayag ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon kaya hiniling niya sa Anti-Money Laundering Council …
Read More »May puso ba si Immigration lady official?!
BULABUGINni Jerry Yap EWAN natin kung nasagap ng ‘radar’ ng lahat ng mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) ang tungkol sa malupit na ‘proposals’ na pinakawalan ng isang division chief diyan sa main office. Tungkol daw ito sa kanyang ‘heroic’ na rekomendasyon na pangalagaang huwag mabawasan ang Augmentation Pay (AP) sa ahensiya. Dahil nga raw ‘bothered’ si Madam Division …
Read More »Confidential personnel sa PS-DBM, hirit ni Lao sa CSC
ISANG buwan makaraang italagang pinuno ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) si Lloyd Christopher Lao, hiniling niya sa Civil Service Commission (CSC) na iklasipika bilang confidential employees ang ilang tauhan niya. Inihayag ni Sen. Panfilo Lacson, lumiham si Lao sa CSC para sa “reclassification of employees as confidential employees” ngunit tinanggihan ng komisyon. Sa naging hakbang ni Lao, …
Read More »